chapter 8:Your Love

862 26 0
                                    

Dada's POV

Nakatitig lang ako sa cellphone. Hababg pangiti ngiti mag isa. May puso naman pala ang lalaking yun. Mukang nakonsensya. Nandito na rin yung sim ko. Ang galing nya humingi ng sorry, hindi lang sa salita, kundi sa gawa.

"Huy yung lapi--- Wow!! San galing iphone mo?!"

O_______O!!

Muntik ko nang maitapon yung cellphone!! What the hell? Makapang gulat naman to! Akala mo naman ninakaw ko to!

"Pinalitan ni Ziel yung sinira nya..." Kunyari ay wala akong interes dahil kapag pinakita kong may interes ako eh aasarin nila ako ng aasarin magdamag kay Ziel.

"Eh?! May puso pala yun?! Paano??" Tss. Nabwisit ako sa ginawa nyang pag hingi ng sorry. Malay ko bang hindi pala naka lock yung padlock!! Baliw talaga yun!!

Pero napangiti ako. Natuwa naman ako sa kanya kahit na hindi lantaran yung pag sosorry nya. Sa dami ng ginawa nyang kalokohan eh kanina yung pinakagusto ko. Yung kinuha nya ang bag ko at pinadlock-kahit di naka lock yung padlock- tapos nakalagay pala yung piece offering nya sakin.

"Yiieeeh!! Bakit ka ngumingiti?!" Napairap ako. Ito nanaman sya sa side nya na mapang asar!

"Tss! Umalis ka na! Ayan na lapis mo!!" Hinagis ko sa kanya lapis. Asarin daw ba me? Tss. Sipain ko sya!

"Hahahaha! Kilig ka lang sa demon MO!!" Diniinan nya pa talaha yung MO. Tss. Feeling nya? May gusto ako sa Ziel na yun? Never in a million years na mangyayari yun!! Yuck!! Ang sama sama ng ugali nya!!

*kinabukasan**

Angel's POV

Naglalakad kami ngayon papunta sa room. Panibagong araw nanaman. Ano nanaman kayang panibagong gagawin na kalokohan ng kaibigan ni Kyle sa kaibigan ko? Tss. Araw araw na ata nilang gawain ang sarain ang mga kaibigan ko.

Buti nalang nagkakasundo kami paminsan minsan nung Kyle na yun. Mabait sya. Pero minsan nakakainis kausap dahil mayat maya kang barado. Lahat sila may demon side eh.

"Yown!! Ang tatlong bibe!!"

?_____?

Speaking of. Tatlong bibe? What the heck? Tss. Kami mukang bibe? Kung kami tatlong bibe ano pa sila?

"Wow! Kapal naman!! Mas muka kang bibe samin!!" Sabi ni Lovely. Napatingin ako kay Dada na tahimik lang at nakatingin dun sa isa sa tatlo kaya napatingin ako sa tinitingnan nya...

O_________O??

Bakit kaya nagtitigan sila ni Ziel? Anong meron at mukang walang balak mag away ang dalawang to? May hindi ba ako nalalaman sa dalawang to? Mukang kalmado sila ah..

"Come..." Nagulat ako ng hilahin ako ni Kyle! Sumunod naman yung apat na yun samin! Aba naman! Pasaan naman kami???

"Huy! Let me go...." Sabi ko.

"Arte.." Ayan oh. Nambabara na agad. Agang aga. Pasaan ba kami?

"San mo dadalhin ang kabigan namin?" Masungit na sabi ni Dada

"Baka magpapractice tayo?! Malapit na yung presentation!" Bulyaw sa kanya ni Ziel. Ngeks? Akala ko may something. Yun paka magkaaway parin. Hindi na ako magtataka na baka magkatuluyan sila. Hahahaha.

"Epal! Ikaw ba kausap ko?!" Inirapan sya ni Dada tapos tumabi kay Lovely.

"Ano ba talagang kanta?" Sabi ko.

Ziel's POV

Tss. Maka epal to. Palibhasa napalitan na yung lokal nyang cellphone. Tss. Inutusan lang naman akong mag sorry. Tss.

THE 3 DEVILSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon