chapter 6: Cellphone

788 29 1
                                    


ZL's POV


*CLAP**CLAP**CLAP*


Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Yung dalawang panget hangang hanga samin. Tss. May talent pala tong babaeng to. Akala ko puro pag papapanget lang ang alam nya. Tss. Panget silang lahat!!




Napatingin ako sa kapartner kong panget. Naalala ko yung nangyari kanina.


Tangina lang!!! Tsk!! Bakit kasi dun nakalagay yung dvd?!!!! Itatanong nyo pa ba kung nanonood ako nun?! Oo!! Lalaki ako! Lahat ng lalaki may tinatagong sikreto na hindi alam ng babae.



Pero putakte lang!! Nakita nya pa akong topless!! Tss. Hindi ako mahilig mag hubad sa harap ng isang babae. May respeto parin ako sa kanila kahit ganito ako. Tss.



Kita ko kung paano nya nabitawan yung DVD. Taena lang!!! Itatago ko na yun ng ayos!! Ngayon ko lang aaminin to ha!!


Nahiya ako kanina!! Sinong hindi mahihiya?!! Taena! Tsaka ano bang ginagawa ng panget na yan sa kwarto ko?! Ayan tuloy!! Nabunyag yung secret ko!! Tss. Sarap nyang banatan eh.



"Ang galing!!" Sabi ni Lovely. Isa sa mga panget. Panget na nga madaldal pa.

"Bro! Hindi ko akalaing nagkasundo kayo sa kanta!" Sabi ni Jeid. Isa pa to! Magsama sila ni Lovely. Bagay sila. Parehong maingay. Tss.


"Yun na ang final song. Yun ang ipeperform natin..." Sabi ni angel. Bagay sila ni Kyle. Tss. Parehong study first. Sila lang yung nagkakasundo.


"Ayoko nga!!" Ayoko talaga! Iba ang feeling ng kantang to!! Ayoko!!


"Ayaw mo pa nun?! Eh kung makakanta ka feel na feel mo!" Sabi ni Lovely. Ang FC neto.

"Tss. Pake nyo?? Ayoko nyan. Ako ang pipili ng kanta..." Inis na sabi ko.



Bakit ganun? Bakit parang naririnig ko parin ang boses ng panget kong kapartner?!! Taena mababaliw na ako!!



"Sige! Ano namang kanta??" Sabi ni Kyle. Iba ata mood neto? Mukang umiingay.


"Fallin' nalang..." Paborito ko yun. Tss. Wag nyo akong sasabihan ng bading dahil kaya ko kayong anakan lahat!!! Lol. Basta. Nagagandahan ako sa kantang yun.


"Sige... Pag aaralan lang naming tugtugin..." Sabi ni Kyle. Nakita ko yung panget kong kapartner na nakakunot ang noo habang gigil na gigil sa phone nya. Lol!!! Hahahah. Nakakatawa yung muka nya!!


"Sino yan!!" Ginulat ko sya!! Napatalon naman sya at nanlalaki ang matang tumingin sakin! Muka syang owl.

"Ay Cole!! Ano ba! Wag kang manggulat!!" Cole?! What the hell?! Yun yung tropa n Jeid diba?! Tss. Yung epal na yun!! Taena! Subukan nyan galawin tong laruan ko. Oo. Laruan. Hahahaha. Laruan lang sya sakin.



"Akin na yan!" Kinuha ko yunf cellphone nya tapos ibinato ko then...


*BLAG!!*


Basag!! Lol! Hahahaha. Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mata nya.


"Shet yung phone ko!!" Pinanood ko syang kunin ang cellphone nya. Pasenya sya. Pinili nya kaming kalaro. Sorry sa kanya pero ganito ako maglaro.




Danica's POV


Dali dali kong nilimot ang cellphone ko!! Shet naman!! Kitang kita ko na durog na durog yung screen. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit sa kanya.



THE 3 DEVILSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon