Chapter 10

778 27 0
                                    




Angel's POV

Cancel daw yung ipeperform namin kaya mag seset sila ng bagong date. May nangyari daw kasi kaya ganun. Buti nalang. Hindi magkasunod ang dalawang vocalist eh!


"Angel..." si Kyle nanaman? Palagi nalang sya ang nakikita ko araw araw.

"Bakit??"

"Tingin mo bagay yung dalawa?" Tumuro sya ng isang couple. Tumango ako. "Eh yun?" May tinuro ulit sya at tumango ulit ako. "Eh tayo?"


O______O!


"Baliw ka na!" Pinagsasasabi neto! Mukang wala sa sarili! Kakapasok lang namin at si Kyle agad ang una kong nakit.


"Tss. Bumabanat lang baliw na.." sabi nya. Wala paring emosyon.

"Tss. Hahaha. Saan mo natutunan yan?" Natatawa talaga ako.

"Sa mga ulol kong tropa." Hahahaha! Kaya pala!

"Tara na nga!" Hinila ko na sya. Na good mood ata ako ngayon umaga. Hahaha.


Ziel's POV

Tss. Kakainis. Bakit kasi napaaga ako ngayon?! Wala namang dahilan pero feeling ko meron pero ang alam ko wala talaga!! Pota naman!!


Sa hindi kalayuan eh natanaw ko si Panget. Sino pa ba? Edi ang aking laruan

"Kamusta panget!" Napatingin sya sakin at napabusangot!!

"Tss! Baka ikaw panget!" Sabi nya! Aba't nalaban ha!!

"Hah! Kahit magtanong ka sa mga tao dyan! Walang magsasabibg panget ako!!" Tss! Pinapainit ng babaeng to ang ulo ko. Akala mo naman ang ganda ganda nya eh panget naman sya!! Tss!!

"Ako!! Sinasabi kong panget ka!!" Gusto ko na syang sapakin sa inis! Pasalamat sya babae sya!! Kung lalaki to baka naghihingalo na to kakabugbog ko!!

"Talaga? Tumingin ka sa salamin para makita mo kung sino ang tunay na pangit.." nakangising sabi ko. Tss. Ayaw muna titingnan ang sarili bago manlait ng iba. Akala mo naman ang ganda nya para tawagin nya akong pangit! Tss.

"Tss! Mayabang! Bakla! Panget! Dyan ka na nga! Kakainit ka ng ulo!" Iniwan nya ako pero hinawakan ko yung laylayan ng uniform nya.

"Bakit nanaman?!!" Sigaw nya!

"Sinong bakla?!" Kunot noong sabi ko, mas muka pa nga syang bakla kesa sakin!! Tss!

"Ikaw! Kasi ang totoong lalaki eh hindi pumapatol sa babae!" Inis na sabi nya bago nag walk out,

Mali naman ang sinabi nya eh! Kami hindi papatol sa babae? Asa! Dapat ang sinabi nya eh 'Kasi kung totoong lalaki ako eh papatulan ko sya!' Napangisi ako.

Nang marealize ko kung anong iniisip ko eh halos masuka na ako! Tss! Asang papatulan ko ang panget na yon! Hindi na nga sexy panget pa!!

***

Uwian na ngayon at papunta na ako sa parking lot. Nauna na yung dalawang ugok kong tropa. Nang biglang nakita ko si mama at papa! The hell!! Anong ginagawa nila dito?!!

"Ma!.." humalik ako sa pisngi nilang dalawa. Tss. Hindi ko naman alama na bibisita sila. Sila nga pala ang may ari ng MU na pinapasukan ko ngayon.

"Tara.." inakbayan ako ni papa. Pinagtitinginan pa kami at minsan eh may bumabati sa kanilang teachers na kaklasi daw nila nung nag aaral pa sila.

Habang nag lalakad kami eh nakita ko yung panget kong kapatid.

"Zyla princess.." sabi ni papa habang hinalikan si Zyla sa pisngi.

THE 3 DEVILSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon