SPADE UNIVERSITY: REPLAY

3K 55 1
                                    

"Mom, ayoko nga magtransfer don." Sabi ko kay mommy. Pano ba naman, last year ko na as a senior high tapos gusto pa nila na magtransfer ako sa school ni Tita Bella.

"You will be safe there lalo na't lilipad kami ng daddy mo sa US." She argued. Napasimangot naman ako doon. They told me kasi na they will be staying there for a year. A freaking year!

Ang sabi ko nga ay isama nalang ako, pero hindi rin pumayag. Hindi ko ba alam sa dalawa na yan kung anong pinagkakaabalahan nila, ayoko rin namang mangealam dahil wala akong interes sa business ngayon. Kaya hinahayaan ko nalang sila.

"Pumayag na nga ako na hindi nyo ako isama doon, tapos papalipatin nyo pa ako ng school?" Sabi ko sa kanya. May dorm kaya doon! Hindi ako makakalabas don!

"It's for your own good, Soliel." Daddy said. I pursed my lips at the mention of my first name. Pagtinatawag nya talaga ako sa first name ko ay natatahimik na ako.

"Honey, you're scarring your daughter." Mom said. Inirapan lang sya ni Dad.

"But you told me the history of that school and what had happen to Tita Bella and your friends tapos gusto nyong doon ako mag-aral?" Tanong ko. It is one of the reasons kung bakit ayaw kong lumipat. Hindi sa natatakot ako, it's just too much for me. Hindi ko nga akalain na pwedeng mangyari ang mga ganung bagay sa isang paaralan e.

"Bub, ang tagal tagal na non. It won't happen again." Daddy assured me.

"Fine. But, I'll study there just for grade twelve. Lilipat ulit ako when I enter college." Sabi ko sa kanila. Nginitian naman ako ni mommy at tumango.

"Alright, pack your bags. We're taking you there tomorrow." Sabi ni Mom. Nanlaki naman agad ang mata ko sa sinabi nya.

"Already?!" Saad ko. Isang ngiti ang ginawad sakin ni daddy. Tila ba planado na nila lahat ng ito. Siguro nga'y kahit tumanggi ako ng tumanggi ay wala pa rin akong choice kundi sumunod.

----

Check out the full chapter/book at my profile!

You can also search for "Spade University:Replay"

Thank you!! ❤️

DNLLEXX

Spade University: Who Are You?Where stories live. Discover now