Chapter 4

4.4K 112 12
                                    

Bella's POV

Umupo ako sa couch noong pumasok na si Victoria sa kwarto niya. Iyak lang siya ng iyak dahil kay Yna. Hindi ko alam kung akiy pero mukang affected siya sa pagkawala nito. Akala ko ay sobrang natatakot lang siya sa nakita niya pero mukang mas may malalim na dahilan pa ito. 

Kylie side when she went out of Victoria's room. Naupo nalang siya sa tabi ko at hinilot ang templo niya. "Ang hirap niyang pakalmahin. Sobrang close din kasi niya kay Yna. Parehas kasi silang president." Sabi niya.

Ngayon ay alam ko na kung bakit ganoon na lamang ang inaakto niya. Close pala kasi sila. 

So a classroom president was killed? Pero bakit siya pinatay? Akala ko ba ay hindi nananakit ng inosenteng studyante ang mga gangs? Ibig sabihin ba non may alam si Yna?

Nagpaalam ako kay Kylie para pumasok sa kwarto ko.  Agad nanlaki ang mata ko sa aking nakita. 

Ang gulo ng kwarto ko! Mukang may pumasok sa dorm namin without our permission at ginawa niya ito dito! Lahat ng gamit ko at nakakalat sa lapag, pati mga libro ko ay hindi pinatawad! Sino namang gagawa ng ganito sa room ko?!

Lumabas ako at isinara ang pinto bago pumunta sa room ni Kylie. Pagbukas niya ng pinto ay nakapang tulog na siya. Mukang hindi naman ginulo ang kwarto niya kaya nagpalusot nalang ako sa kaniya bago bumalik sa kwarto ko.

Nagsimula akong ayusin ang mga damit ko bago ko ito ilagay muli sa cabinet. Naicheck ko rin kung may iniwan sila dito o wala or kung may nawawala man. I am really scared right now pero pakiramdam ko ay hindi ako dapat matakot. Bakit naman ako matatakot? I am not even involve with anything and now, they are targeting me!

Kinuha ko ang mga susi ko at agad nalang na lumabas ng dorm kahit na alam kong bawal kaming lumabas. Siguro ay magtatanong ako sa receptionist kung may pumuslit ba dito noong pinapunta ang lahat sa field. Bumaba ako sa first floor pero walang tao. The guards aren't there too. Busy ba silang lahat dahil sa nangyari? Akala ko ba ay gusto nilang maging safe kami? Bakit walang bantay dito?

Napabuntong hininga nalang ako. I am asking a lot of questions today. Siguro ay nangunguna nanaman ang pagtataka ko and I don't like it. 

Naglibot pa akong isang beses sa lobby kung sakaling may makita ako na staff para matanong ko siya tungkol sa cctv. But I guess luck isn't on my side today, no one showed up kaya bumalik nalang ako sa dorm namin. 

Bago ko binuksan ang pindo, tiningnan ko muna yung lock namin ng mabuti. I noticed scratches all over it. Mukang meron ngang pumasok sa dorm namin! Kung sino man sila, siguraduhin lang nila na hindi sila magpapakita sa akin! I will never let this pass!

Bumalik na ako sa kwarto at sinimulang ayusin ang mga libro ko. I feel so tired already, and I usually have a strong stamina. Hindi ako basta basta napapagod. Hindi ko alam kung anong problema.

Narinig kong nagring ang phone ko kaya napatigil ako sa pagaayos ng libro. Sinagot ko naman agad ang tawag nang makita kong kapatid ko ito. He usually calls me when he feels like it. Pero alam ko rin naman na sobrng busy nyta ngayon kaya kahit pagtawag ay hindi niya magawa kaya nagulat pa ako na tumawag siya ngayon/

"Okay ka lang? Someone told me about what happened." Sabi niya. Alam niya na agad? 

I sighed before answering him. "Okay lang ako. Where did you hear the news? Ni hindi pa nga nilalabas yon dito." 

Paano kayang nakarating agad sa kaniya e hindi pa naman nilalabas dito sa school? May connection? "I have my ways, Bella." Sabi niya at tumawa ng kaunti/ 

Spade University: Who Are You?Where stories live. Discover now