Chapter 20

3K 76 9
                                    

Nang pumasok kami sa Villa, nasa living room pa rin sila. Lahat sila ay nagulat nang mapatingin sa amin.

"Bella!" Kylie said when she saw me. Si Victoria naman ay wala dito. Siguro ay nagpapahinga na siya.

"Hey." Sabi ko nalang. Lumapit siya sa akin at hinatak ang maleta ko palayo sa akin.

"Hindi ka aalis ng bahay na to!" Sabi niya sa akin at siya na mismo ang nagdala ng maleta ko pataas sa aking kwarto. Hindi niya talaga gusto na umais ako.

Lumingon ako kay Sir Ash. "Thank you for walking me all the way here." Sabi ko at ngumiti nalang sa kaniya. Tumango siya at tumingin sa nga lalaki.

"Geoffrey, one of your boys will have to stay here everyday with the girls." Sabi niya. "Kailangan nila ng kasama."

"Yes, sir." Sabi naman ni Geoffrey at nalatingin kay Hiro na nakatingin naman sa akin. Anong problema nya?

Nagpasiya nalang ako na wag na siyang pansinin at naglakad nalang pataas. Though, hindi ako pumasok agad sa kwarto dahil gusto kong marinig ang paguusapan nila.

"Hindi siya aalis ng Villa, Hiro. Snap out of it." Narinig kong sabi ni Geoffrey sa kaniyang bestfriend.

"Jeez, para ka namang nadidistract dahil kay Bella. In love yan?" Narinig ko namang sabi ni Blake. What the actual freak is he talking about?!

"Gusto mo bang mamatay?" Tanong naman ni Hiro at lahat sila ay napatawa sa sagot niya.

"Lagot nanaman tayo sa training sa susunod na araw dahil sa tanong mo." Narinig kong sabi ng isa sa kanila at pumasok na agad ako sa kwarto ko pagtapos nun.

Nakita ko naman si Kylie na inaayos pa ang mga damit ko sa closet. "Kylie, hindi mo naman kailangang gawin pa yan." Sabi ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti bago bumalik sa ginagawa niya. "Alam mo bang malungkot si Victoria noong sinabi mo na aais ka? Nakita ko agad na hindi siya masaya sa gagawin mo."

"You always see the good side of everyone, huh?" Tanong ko sa kaniya at lumapit para tulungan siya sa pagaayos ng damit ko.

"Hindi. Not at all. Talagang kilala ko lang siya. She's kind of off nitong mga nakaraang araw dahil naiistress sya. Nagalit lang talaga siya na hindi ko siya kinampihan tungkol sa iniisip niya tungkol sayo kaya palagi niyang pinagdidiinan yun." Sabi niya at napabuntong hininga. "Tingin ko rin ay naiimpluwensyahan lang talaga siya nina Trina."

"You think she's being controlled emotionally?" Tanong ko.

"Well, Victoria is nice and she really believes everyone who shows her that they are trustworthy. Kaya siguro palaging nasa goodside niya lang si Trina kahit na pinagsasalitaan pa rin tayo ng masama." Paliwanag niya. "It happened before, too, actually."

"Naiintindihan ko. You must be so frustrated about it." Sabi ko naman.

"Yeah... hindi ko talaga kasi mahandle si Victoria kapg ganyan siya. I can't put her problems on my shoulders too. Masyado na ngang mabigat pag problema ko lang, dadagdag pa siya?" Sabi naman niya. Sakto naman at natapos na kaming magayos ng mga damit.

Sinarado ko ang closet at umupo sa aking kama. Naupo naman siya sa tabi ko at tumingin lang sa kawalan. Muka siyang sobrang malungkot mgayon. I guess all the emotions she was hiding throughout the day is finally getting out of her.

"Sobrang galit ako sa kaniya, alam mo ba? Pero naiintindihan ko pa rin naman kung bakit siya nagkakaganto. She lost two great friends." Sabi niya at napabuntong hininga. "Pero hindi pa rin naman niya kailangan dalhin masyado. She's literally ruining the three of us."

Spade University: Who Are You?Where stories live. Discover now