Chapter 6

4.4K 97 2
                                    

Bago kami bumalik sa dorm, pinauwi ko na si Haze. Hindi naman na siya kailangan dito tsaka nahihiya na rin ako dahil nagpunta pa siya dito para sa akin. Hindi rin naman kasi kailangan nina Kuya na magpapunta ng kahit na sino para icheck ako. Pede namang tawagan nalang nila ako.

Nang makaalis siya ay agad na kaming naglakad papunta sa dorm. Miss Jaira and Miss Sasha were leading the way. Si Sir Ash naman ay nasa unahan lang nila. Bigla kasi siyang sumulpot sa hospital noong papaalis na kami. Ang sabi niya ay sasama daw siya sa amin sa dorms.

Kylie, Victoria and I walked side by side. Hindi pa rin ako kumportable dahil kasama ko ang mga Dirigeants. This would be another gossip topic for all the students here. Kakalat nanaman ito agad na kasama ko ang ilang mga taong nirerespeto nila.

"Sure ka ba na si Shaina ang gumawa non?" Tanong ni Kylie. "Hindi naman ganun ang pagkakakilala ko sa kaniya. Ni hindi ko man lamang napansin na may itinatago pala siya."

Ang sabi nila ay Shaina daw ang pangalan nung babaeng may crush kay Hiro bukod kay Trina. Dagdag pa nila na magaling din daw ito sa ciphers, kaya nakilala agad nila kahit na dinescribe ko lang ito sa kanila.

"Expected naman na yun sa school na to." Sabi ni Victoria. Napailing pa siya. Shaina is one of the brightest student in our class kaya naman nakakagulat talaga na nagingh part siya ng gang na against kina Hiro. Talk about conflict of interest.

Napabuntong hininga nalang si Kylie. Siguro ay hindi pa rin siya makapaniwala na may nakapasok sa dorm namin. It's given naman na naisipin nila na hindi sila pupuntiryahin ng mga gangs lalo na't nasa side nila sina Geoffrey at Hiro. Siguro ay nagkakaconfidence na rin ang mga gangs dahil sa K na yon.

Hindi rin naman nagtagal at nakarating na kami sa dorms. Lahat ng taong madaanan namin ay nagbubulungan tungkol sa Dirigeants. They didn't even get a chance to look at them because once they pass by, every student kept their heads down.

Ako na ang nagbukas ng pinto since Kylie and Victoria were busy talking to the Dirigeants. Sinasagot nila yung mga tanong tungkol sa doem since mas matagal na silang nagstay dito. Like always, hindi ako nakikinig sa kung ano mang pinaguusapan nila since hindi rin naman nila ako binabanggit.

Papasok na sana ako pero nang buksan ko ang pinto ay napatigil ako sa pwesto ko dahil sa gulo na nakita ko.

"What..." I couldn't even finish my sentence because I am too shocked of how messy it is. When we were gone... they did this?!

"May proble—" Kylie's jaw dropped because of what she is seeing.

"Hey, aren't you goi— what the hell happened in our dorm?!" Victoria said. Ang mga Dirigeants ay agad na hinatak kami to remove us from blocking the door way, tsaka sila pumasok sa loob.

I also ran inside to see if my room was also messed up, and it is! Sa pangalawang pagkakataon!

After what I saw in my room, agad akong bumaik sa living room kung nasaan sila. The Dirigeants were busy looking aroun while Kylie and Victoria were just standing on one side of the dorm. Their eyes were the only one moving.

"Lahat sira!" Sabi ni Kylie pagtapos niyang tingnan ang buong dorm. She looked so confused of what she is seeing.

On the other hand, Victoria was quiet and was just looking around. Hindi pa siya nagsasalita since nakapasok kami.

I have no words! Ang couch namin ay may malaking punit sa gitna nito, ang mga salamin, maging ang mga baso ay basag! Our tv was broken! Our carpets are wet! It's like a storm came in this room kahit na sandali palang nawawala sina Kylie ay Victoria.

"Check the rooms." Sir Ash said. Pumunta ulit ako sa kwarto ko para tingnan kung may kakaibang iniwan doon. Pumunta rin ako sa banyo at ang nakita ko lamang ay kalat na mga gamit ko.

Spade University: Who Are You?Where stories live. Discover now