Chapter 24

2.9K 83 1
                                    

I ended up just wanting to get back to the university after a few minutes of walking inside the mall. Naintindihan naman ni Hiro na wlaa na ako sa mood kaya tahimik nalang siyang nagdrive pabalik ng univeristy. 

Parehas kaming dumeretsyo sa meeing room since malapit nang magsimula ang meeting. Nang makarating doon ay nandun na silang lahat. Kaming dalawa nalang ang hinihintay. 

Kahit na hindi ako makafocus, hindi pa rin nakatakas sa akin ang mga masasamang tingin ni Jane. Pumunta nalang ako sa pwesto ng Queens habang ang mga leaders ay magkakasama. I guess we're waiting for the Dirigeants today since Hiro wasn't standing infront. 

"Jane, you know right?" Rinig kong tanong ni Riley sa kaniya. Medyo malapit din kasi ang pwesto namin sa kanila. Alam ko rin na nag-uusap usap ang members pero hindi ko sila pinapakinggan. Mas gusto kong tingnan kung paano maginteract ngayon ang mga childhood friends ko. 

"Ano bang sinasabi mo dyan?" Sabi naman ni Jane na may halong iritasyon ang boses niya. Oh, whatever it is... she knows. It's obvious in her voice that she doesn't want to be asked about it.

Bigla namang pumasok si Miss Jaira at Sir Vincent sa loob. May hawak silang papel kaya lumapit agad ang mga gang members sa leaders nila. Ako naman ay umupo lang sa sofa dahil pinakita na sa akin ni Kuya ang mga picture na iyun. They were talking about it when I came to ask him if I could go out.

Miss Gi was the one who gave those pictures. "This is from Gi." Sabi naman ni Miss Jaira while she was handing over the papers. 

"Yung gang members ni K ay may mga snake tattoo sa hands nila, batok, or sa gilid ng ulo." Sabi ni Sir Vincent. Nakita kong tumango si Hiro kahit na ang dami nila sa table. 

"Anong gagawin namin dito?" Tanong naman ni Stan. 

"Men are the ones going to the party. So basically, ang target nila ay ang Queens. Lalo na si Jane dahil siya ang leader." Sabi ni Miss Jaira.

"Damn, we got work caught out for us." Narinig ko namang sabi ni Rica kaya napailing rin ako. 

"We'll leave everything in your hands. You can plan your next steps on your own. Always remember that we are here to help." Sabi ni Sir Vincent bago pa sila lumabas ng meeting room. 

"Should we really do this at the party? Gusto ko pa namang ienjoy ang party." Narinig kong sabi ni Jane. Tumayo na ako at naglakad papunta kay Yael. Nginitian niya naman ako agad nang mapansin niya ako. 

"I also wanted to enjoy the party." Sabi ni Rica. Lahat naman ata ng Queens ay gustong maenjoy ang party, except me, of course.

"If you want to get kidnapped then go enjoy yourselves." Matapang na sabi ko. Hindi naman ako takot na magalit sila sa akin, I am not here for the Queens only. I can basically do what ever I say and not get kicked out by Jane since Miss Jaira recommended me.

"Bella has a point. Mas importante ang gagawin natin as a gang kesa bilang studyante. This is our time to catch some of them and have information from them." Sabi naman ni Geoffrey. Napatango naman agad si Hiro sa kaniya. 

"But that party is also the only time where we can feel that we are students too!" Sabi naman ni Jane. Does she really think that we can have a normal life here in this school?

"Kung ayaw mong sumali, you can. Gusto ko lang na matapos na to dahil lagi akong sinisisi ng mga tao sa mga bagay na hindi ko naman ginawa." Sabi ko. Agad naman niya akong tiningnan ng masama. Siguro ay nagtataka na silang lahat kung bakit anglakas ng loob kong sumagot kay Jane. 

"Tama siya." Sabi ni Stan. "Besides, when we signed up to be the leaders of a gang, we lost our privilege's to enjoy as a student. Nasa responsibilidad natin na gawing safe ang party and by doing that we must eliminate those snakes."

"All right. Mukang lahat naman ay okay lang na gawin to sa party, bukod kay Jane." Sabi ni Hiro. "The Queens can only attend the party if the leader agrees with the plan." 

"Ngayon ko lang nakita na ginamit ni Hiro ang rule na yan. Ngayon lang kasi umayaw si Jane sa mission." Narinig kong bulong ni Yael kaya napalingon ako sa kaniya na puno ng pagtataka. 

Nang lumingon ulit ako kay Jane, masama pa rin ang tingin niya sa akin. "Why are you looking at me like that?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala ka sa posisyon para magbigay ng suggestions!" Sigaw niya sa akin. Napaatras naman ang mga gang members nang sumigaw siya. Leaving me standing besides the leaders na kampante lang na nakaupo sa mga upuan nila. 

"I just gave my honest opinion, Jane." Sabi ko at ngumiti sa kaniya. That made her so annoyed. 

"Every single time." She said. "You get in my way, every single time!"

"Anong sinasabi mo? Ako? Humahadlang sayo? I only wanted to end everything as soon as possible dahil gusto ko ring bumalik sa normal ang buhay ko." Sabi ko sa kaniya. Lalo lang niya akong tiningnan ng masama. Come on, Jane. Show me what you've got.

"You're so irritating." Sabi niya. "You're so irritating ever since then!" 

"Since then?" Tanong ko. "Bakit? Kilala mo na ba ako noon pa?" Sabi ko bago siya taasan ng kilay. Muka namang nagulat siya sa tanong ko. 

"Shut up!" Sigaw niya. Kitang kita ko kung gaano siya kagalit just by looking at her eyes. She's in rage that I am here. Riley is right. She's aware who I really am. She recognized me as soon as I entered this university. Ginawa niya ang lahat para umakto ng normal sa akin noong una kaming nagkita. 

"Oh, I remember now. You're Janessa aren't you?" Sabi ko at ngumiti sa kaniya. 

"I said shut up!" She yelled and pointed a finger at me. Like it would make me shut up. 

"Jane, ano bang problema mo?" Sabi ni Hiro sa kaniya. He, too, is confused of why she is mad at me when all I did was suggest. 

"Lagi mo nalang kinukuha ang attensyon nila! You always make me live under your shadows and I am not having any of it anymore! Not this time around!" She said.

"Under my shadows? Excuse me? We only met this semester, Janessa." I  told her sarcastically and smiled at her. 

Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Wala kang alam kung anong ginawa ko para sa lahat ng to! To get the attention that I wanted! Pero bumalik ka pa rin at sinira lahat ng pinaghirapan ko!" Sabi niya.

"Jane! Ano ba!" Narinig kong sabi ni Riley dahil naiirita na rin siya kay Jane. 

"No! Hindi ako papayag na makuha niya nanaman ang lahat! Wala siyang alam kung gaano ako nagpakahirap para dito!" Sigaw niya. 

"I'm sorry but I don't quite understand." Sabi ko naman kahit naiintindihan ko ang lahat. As much as possible I don't want to reveal to anyone about me being Sella. Tama nang si Hiro, Riley at Jane ang nakakaalam. 

"Of coure hindi mo maiintindihan! Dahil hindi ikaw ako! Madali lang sayo ang lahat dahil ikaw si Sella at lahat ng nasa paligid mo mahal ka!" She yelled. 

"She's who?!" Stan said with wide eyes.

Spade University: Who Are You?Where stories live. Discover now