Chapter 40

2.5K 56 0
                                    

Pauwi ako. Oo, pauwi. Sabi ko ayoko, pero itong magaling kong kapatid, pinakidnap ako para lang maisama nila ako pauwi.

"Sorry, we have to do that. Alam naming sobrang tigas ng ulo mo." Sabi ni Kuya. Hindi ako umimik.

Nasa backseat ako samantalang si Gi ay nasa shotgun, si kuya naman ang nagdridrive.

"Wala ka pa din bang balak kausapin kami? We're sorry for lying to you." Sabi ni Gi— ni ate.

"You think your sorry would change anything?" Sabi ko. "Tell me who the fuck is that K, I want to finish this already." Sabi ko.

"Hindi pa oras, Bella. Kailangan pa muna nating makausap si papa tungkol dito." Sabi ni Kuya.

"Bakit? Ano bang pakealam nya sa gulo na to? Why is he involved?" Sabi ko.

Hindi naman nila ako sinagot hanggang sa makarating kami sa bahay. Bumaba na sila ng sasakyan, at ganun din ako.

"Babalik din agad tayo ng school." Sabi ni Kuya. Inirapan ko lang sila at naglakad papasok ng bahay.

Bumungad samin si mama at papa na nakaupo sa living room. Ngumiti silang dalawa at sinalubong kami.

"It's good to see the three of you together again." Sabi ni Mama. Tinanggal naman ni ate ang mask nya since wala naman na kami sa labas.

"Ma, namiss ko kayo." Sabi nya at hinug si mama at papa. Nanatili akong nakatayo, walang imik.

"Bella, why dont you greet us?" Sabi ni papa.

"Tell me the truth. Tell me all of your secrets, baka sakaling mapatawad ko kayo." Deretsyang sabi ko at biglang bumigat ang atmosphere.

"Ayoko." Sabi ni papa.

"Anong ayaw mo, pa?! Ngayon pa talaga? Madami nang alam si Bella! Kilala na nya yung bastarda mo!" Galit na sabi ni Kuya.

"Bastarda? Anak sa labas? Ano to?!" Sigaw ko. "May anak ka sa labas pa?!" Sigaw ko pa. Sht, ano ba to! Sinasabi ko na nga ba na hindi magandang idea na umuwi ako!

"Umupo muna kayong tatlo. Pagusapan natin to." Sabi ni mama.

Para namang pinagbagsakan ng langit at lupa si papa habang papaupo sya sa sofa. Umupo ako sa single sofa, nasa tapat ko si Gi, habang sina mama naman at nasa gilid ko.

"Please tell me everything." Sabi ko.

"Your dad had a daughter with another woman, Bella. Her name is Kristine." Parang nabingi ako sa sinabi ni mama. "I killed her mom."

"Y-you w-what?" Sabi ko.

"Bella, our business runs the most powerful mafia in the world. Hindi lang si Kristine ang problema. Madami ding professional reapers na nagbabantay sa inyong tatlo, together with your friends." Sabi ni papa.

"Kristine is mad dahil pinapatay ko ang mama nya. I never did it on purpose. Aksidente ang nangyare. She wanted the mafia for herself and her daughter. Kaya sinubukan ka nyang patayin, sakto naman na Belle was there. She asked me what she would do to Kristine's mother, pero ang hindi alam ng kapatid mo, Amethyst was already aiming for Krista." Pagkwento ni mama.

"Bakit nyo pinalabas na patay si ate?"

"Dahil we wanted to protect you and her. Iniisip ni Krista na kapag napatay kayo, walang magagawa ang papa nyo kung hindi ipamana ang mafia kay Kristine. Nang malaman ni Kristine ang dahilan kung bakit namatay ang mama nya, she wanted to kill you too. Kaedad lang sya halos ni Belle, mas matanda lang ng isang taon." Sabi ni mama. Tahimik pa din si papa pero nakatingin sya sakin. Para bang inaantay nya ang magiginh reaksyon ko.

Spade University: Who Are You?Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum