Chapter 33

2.6K 65 1
                                    

"Stanley." Sabi ko at pumasok sa hideout ng Legends. Napatingin naman siya agad sa akin at napatango na para bang inaaya niya ako sa tabi niya.

"I've already hacked the cctv's of the school including the Villa, as you requested. The microcamera view are here." Sabi nya at tinuro ang isang monitor.

"You're fast!" Komento ko at pinagmasdan ng mabuti ang screen na nakalaan para sa microcamera's. Nagulat pa ako nang makitang gumagana lahat ito.

"What... the.... hell.." Mabagal na sabi ni Stan ng mapanood nya ang nakaflash sa screen.

"Hindi tayo pwedeng mabisto! Alam mong malaking parusa ang matatanggap natin!" Sabi ng isa sa kanila.

"Alam ko! Just keep it cool, wag kang magpanic dyan lalo ka lang nilang mahahalata!" Sabi ng isa.

"So wala pa silang balak na tumakas? Wow, ang lakas talaga!" Sabi ni Stan.

Nagusap pa sila saglit tsaka umalis ang isa sa kanila. Hindi ko ineexpect na itong dalawa na to ang spy at tratraydor kay Hiro at Geoff.

Hinawakan ko ang earpiece ko. "Hiro, Geoff" Sabi ko. Sumagot naman sila ng 'oh'

"Pumasok na kayo sa mga kwarto nyo. We know kung sino ang spy sa gang nyo. Magpameeting ulit kayo bukas, I need to retrieve the microcameras." Sabi ko.

"Sure." Geoffrey said.

"Wala ka pa bang balak bumalik dito?" Tanong ni Hiro.

"Dito muna ako matutulog. Nandito naman si Stan at Riley. Wag kayong mag-alala." Sabi ko. Mag 11 na kasi at delikado na para lumabas at maglakad pa sa labas. W dont now who's lurking around.

"Stan, take care of her." Sabi ni Hiro.

"Copy." Sabi nya naman. Tinanggal ko ang earpiece ko at umupo sa isa pag swivel chair.

"You looked stressed." Sabi ni Stanley sakin.

"Ah, my mind can't take the facts that's starting to reveal." Sabi ko naman.

"Perks of being a gangster." Sabi naman nya at pinagpatuloy ang pagtatype sa computer.

"What are you doing?" Tanong ko.

"Trying to hack the cctv room. Gusto kong makuha ang mga cctv footage na ayaw nilang ibigay sa gangs." Sabi nya. Napataas nama ang kilay ko.

"It's necessary to give the gangs, especially the top 5 gangs ang mga cctv footage di ba? Tayo ang incharge sa pagiimbestiga ng mga nangyayari sa school na to." Sabi ko sa kanya.

Tumango naman sya. "Unfortunately laging sinasabi ng nagbabantay na hindi narerecord yung mga specific events na yun. Kaya I need to hack their computers." Sabi nya pa.

"Oh, probably the one in charge of the cctv room is K's underling." Sabi ko naman at naghikab. "It has been a long day, I'm going to sleep. Please dont stress yourself too much over that cctv room. Magpahinga ka din maya maya." Sabi ko pa. Ngumiti naman sya at tumango kaya pumasok ako sa isa sa mga kwarto.

I didn't have the time to appreciate the look of the room because I was too tired and too flustered of what I've learned today. I layed on my bed and sighed deeply.

"Hopefully tomorrow will be stress free dahil it's a holiday." Bulong ko sasarili and I drifted off to sleep.

"Sinong nasa warehouse?" Tanong ni Riley nang makalabas siya sa kwarto niya. We were already talking about it at sa tingin ko ay narinig niya ito.

Kakagising ko lang din halos. Nakapaghanda na rin si Stan ng umagahan naming tatlo. Holiday ngayon.

"Good morning to you too, Riley. Have a coffee." Sabi ko a kaniya at hindi na pinansin ang tanong niya. Masyado pang maaga para pagusapan iyon. Kanina ay si Stan naman ang nagiinitiate ng conversation tungkol doon.

"Sinong nasa warehouse?" Tanong niya ulit sa akin bago umupo sa upuan sa tapat ko.

"Hindi ko alam. I think you guys should go there. May lakad ako kasama ang kapatid ko." Sabi ko sa kanila at tinapos na ang pagkain ko.

"Oh, okay. Have fun." Sabi ni Riley. Hindi rin naman ako nagtagal at nagpaalam na sa kanila.

Nakasalubong ko naman sina Geoff and they asked kung san ako pupunta. I just said na pumunta sila sa warehouse, sinabi ko rin na aalis kami ng kapatid ko since it's a holiday kaya free na lumabas.

Pagdating ko naman ng Villa, tumambad sakin si Kylie. "Where have you been? Wala ka nung breakfast." Sabi nya sakin.

"Uh... nagjogging lang." Sabi ko. Perfect alibi for my clothes ey? I'm wearing a black leggings and black loose shirt with my fave robber shoes on, ewan nakita ko lang sa mga cabinet kaninang umaga. I know Kylie would ask me dahil nasa bahay sya at sya pa ang madalas na nagluluto.

"Okay..." Sabi nya. Woooh, she let that slide.

Tumaas na ko sa kwarto ko upang makapaligo at makapag ayos.

I wonder how Victoria is? Matagal tagal na din since I got to talk to her. Ang tagal na din nya akong pinaghihinalaan dahil pagdati g ko daw tsaka nagsimula ang mga kaguluhan dito.

After an hour or more, napagpasyahan ko nang bumaba mula sa kwarto. Anong oras na sin kasi tsaka baka hinihintay na ko ni Kuya.

Masyado kasi akong nadala sa pagiging parte ko ng Queens. Isa kasi ito sa request ni Kuya upang matutukan nya ako at maenhace ang skills ko. Hindi naman kasi pwedeng prinoprotektahan lang nila ako. Ayoko rin kasing nagiging pabigat ako.

Lumabas na ako ng Villa and as expected wala masyadong mga studyante sa corridors o di kaya'y sa mga bench. Ngayon nalang kasi ulit nagkaroon ng holiday, kaya baka sinusulit lang nila.

Pumasok ako sa office ng diregeants at wala si kuya sa table nya. Wala din silang lahat. Nasa kwarto kaya si Kuya?

Lumapit ako sa pinto at napatigil dahil may narinig akong boses.

"Gusto ko ng matapos lahat ng to!"

"Hindi naman pwedeng ganun ganun nalang." Boses ni kuya yun a? Pero sinong kausap nya.

"Hindi pa ba tapos tong parusa na to? Palala lang ng palala si Kristine." Sabi nya. Babae. Babae ang kausap nya.

"Hindi pwedeng magpakita ka ulit! Anong iisipin ni Bella? Anong magiging reaksyon nila?!" Sigaw ni Kuya. Napatikhim ako dahil narinig ko ang pangalan ko.

"Hindi ko kasalanan na muntik na ako mamatay! I did that for her! Hindi ko kasalanang natuklasan ko ang tinatago nya sa ating tatlo! Tama na!" Sabi nung babae.

"Hindi nga pwede Giselle! Hanggat hindi nahahanap si K. Hindi pa pwede!"

Giselle? Agad kong binuksan ang pinto. Napalingon naman sila agad sakin.

"Bella." Sabay nilang sabi. Ano bang kailangan kong malaman? Ano pang tinatago nila?

"Take off that mask, Gi." Utos ko. Namumuo na ang luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa narinig ko. Hindi ko kinakaya ang mga nalalaman ko.

"Bella...." Mahinang bulong ni kuya.

"Sinong Kristine? Bat mo binanggit si Ate? Ano bang tinatago nyo?!" Sigaw ko sa kanila.

"Bella I'm sorry." Sabi ni Gi.

"No! Take of your mask!" Sigaw ko.

Napailing sya at nakita kong tumutulo ang mgaluha nya.

"Bella, calm down." Sabi ni Kuya.

"Don't... Don't tell me to calm down! Ano pang dapat kong malaman? Ano pa?!" Sigaw ko.

"May mga bagay na dapat hindi mo na malaman. Pero hindi naman namin kayang itago sayo ang lahat." Sabi ni Gi at unti unti nyang tinanggal ang mask nya.

Napaupo ako sa sahig at tuloy tuloy ang luha ko dahil nakita ko na kung sino ba talaga sya. Bakit...

"Bella I'm sorry. I'm sorry." Bulong nya habang lalapit sana sya sakin.

"Wag.. wag kang lumapit sakin!" Sigaw ko at tumayo para umalis sa harap nilang dalawa.

"Bella are you okay?" Tanong ni ate Jaira nang makasalubong nya ko. Hindi ko na sya pinansin at derederetsyong umalis ng lugar na yun.

Hindi ko na alam.... Wala na kong alam.

Spade University: Who Are You?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ