Chapter:49 Eyes

3.1K 64 0
                                    

48. Eyes..

Enjoy reading Guys! Sorry sa matagal na UD. Hopeully, sana makapagUD ako ngayon ulit. :) Sorry sa errors!

Paul's Pov

Napatingin ako sa isang bahay na gawa lamang sa kahoy, kawayan at maraming nakapalibot na puno dito. Ang bubong ay halatang luma na pero mapapansin ang tibay nito. May mga bulaklak sa paligid na kapansin-pansin ang ganda nito. May ilang tao na dumaraan sa harap namin. Binabati si Savanna at mapapasulyap sakin pati kay Zach.

"Magandang umaga, Anna! " Bati ng isang matandang babae kay Savanna. Nangunot ang noo ko ng yakapan nito si Savanna. Who is she? Siya ba ang nanay ni Savanna. Wala pa akong naririnig tungkol dito. "Dito ka na ba titira uli? "

"Hindi po. Binibisita lang po namin si Itay. " lumapit sakin si Savanna. "Asawa ko po.. "

I held her hand at agad na ngumiti dun sa babae. Kailangan kong mapatunayan sa kanila na masaya ako kay Savanna. Hindi pa rin kasi nawawala sa dibdib ko ang kaba at takot. What if ayawan nila ako? I cant afford that! I cant. If I need to gain more trust from her parents, then I will.

"Nabalitaan namin iyan dito. " ngumiti sakin yung babae. "Kay gwapong lalaki naman nitong asawa mo, Anna. "

"Thank you. " naramdaman ko ang pagkurit sakin ni Savanna sa tagiliran. Napatingin ako sa kanya. She whispered something na hindi ko maintindihan. "What? "

"Magmano ka! "

Nangunot ang noo ko. What the hell!? Do I really need to do that? Napatingin ako kay Savanna. "Alright. " pagsangayon ko ng makita ang galit sa mata niya. I dont want to see her mad at me. Lumapit ako dun sa babae at agad na nagmano. Siguro ito ang nanay ni Savanna. Marahan kong hinawakan ang kamay nung babae at agad na nagmano. Hell. I dont know what to feel right now.

"Napakalambot ng kamay. " nakangiting sabi sakin nung babae. "Kapit bahay nga pala ako nitong sina Anna. Kinagagalak kong makilala ka, Hijo. Mauuna na ako sa inyo, Anna. "

Nalaglag ang panga ko. What?! I though siya yung nanay ni Savanna?! I tried to compose myself. Napatingin ako kay Savanna na nakangiti sakin.

"You didn't tell me na kapit bahay nyo lang iyon! "

She shrugged. "Parang nanay ko na rin si nanay kasing. Atsaka tradisyon na dito ang pagmamano. Hindi ka kasi marunong nun. " she rolled her eyes at agad na lumakad papalayo.

"Fine! " padabog na sumunod ako sa kanya. "Now Im getting more and more nervous, Savanna. "

Tumigil siya sa paglalakad. "Gusto kong pormal mong makilala si Tatay. Gusto mo ba talagang makuha ang tiwala nila? " nakangiting sambit niya sakin.

"Of course.. "

"Then calm your nerves. " tumikayad siya at agad na dumampi ang labi niya sa pisngi ko. "I'll be right here. "

Napatulala ako ng makita ang magandang ngiti niya. Im crazy. Nababaliw na ako sa bababeng ito. She makes me feel like a man, she looks at me like Im the only one. The only man that really made me so shit. Gusto ko yung mga halik niya, yung mga salita niya na nagpapalakas ng loob ko. Kakaiba si Savanna. She never fails to amaze me. I love every inch of her.

Sabay kaming naglakad papasok sa bahay nila. Puro yari sa kawayan ang mga bagay sa loob ng bahay nila. Napangiti ako ng makita ang isang litrato ng isang babae.

"Honey, Is that you? "nginuso ko ang litrato.

Nahihiyang tumingin siya sakin at agad na tumango. "High school pa ako diyan. "

"You're like, really pretty. " tumingin ako sa kanya. Her cheeks turned red.

"Stop. Aayusin ko lang itong gamit natin. " natatawang binuksan niya ang bag namin.

My Wife Suffer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon