Chapter 11 Passion

7.2K 122 2
                                    

VOTE COMMENT
---------


Walang imik na binitawan ko sya mula sa  pagkakayakap. Walang emosyon ang mukha nya at ang mata nya ay nakatingin sa kawalan. Umiling iling ako sa sarili ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong sirain at itapon lahat ng mahahawakan ko.

Humakbang ako para umalis sana ng hawakan nya ang braso ko. Madiin at nanginginig pa ang mga daliri nya.

"Y-you.. " humarap sya sakin. "Did you.."

"Wag. Wag mong sasagutin. " huminga ako ng malalim."Alam ko naman eh. Please. Wag mo na lang pansinin ang sinabi ko. " sinubukan kong umalis sa pagkakahawak nya pero mas lalo nyang hinigpitan.

"Really? " nangunot ang noo. May galit na gumuhit sa mata at sa buong mukha nya. Hindi ko alam kung para saan yun pero isa  lamang ang nasa isip ko. Galit sya dahil minahal ko ang isang tulad nya.

"Fine. " binitawan nya ako. "You said wag kong pansinin diba? Okay. I don't care about your feelings, savanna. "

Sinipa nya ang kalapit na upuan kaya bumagsak ito at lumikha ng malakas na ingay.

" You always want me to shut up. What if... "

"Tama na. "

"Damn! "

Tumingin  sya sakin na nag-aapoy ang mata sa galit. "At katulad ng sinabe mo. Ayaw mo akong makita sa macau. " nagtataka ang mata nya. "That's fcking impossible because Im your husband, savanna! "

Hindi ako umimik. Gusto ko Paul. Gusto kong ikaw ang bumungad sakin pagkababa ko sa airport. Gusto kong kasama kang bumayahe at sumakay sa eroplano. Gusto kong maranasang tumulog sa balikat mo habang nasa byahe tayo pero hindi. Hindi lahat ng gusto at pinapangarap ko ay matutupad.

"The baby is mine.. " he groaned in frustration . "And you're all... " he eyed on me. "Mine. "

He clenched his jaw.  "If you hate me then the feeling is mutual! I hate you for ruining my life. I hate you for giving me this Damn pain. I hate you that much, savanna. "

"A-and you h-hate me for letting her go ng dahil s-sakin.. ' sabat ko..

Nanigas sya sa kinatatayuan nya. Tumingin sya sakin.

"Paul, kahit kailan hindi kita kinasuklaman kahit nasasaktan na ako. " pinunasan ko ang luha ko. "Pero pinamukha mo na sakin kung gaano mo ako kaayaw. How much you do hate me. "

He smirked. "You really have the guts to say those words, ha? " lumapit sya sakin. "Yes. Ilang beses ko na bang inulit yan? Na kinamumuhian kita kasi nilayo mo sakin lahat. "

Tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Tinakpan ko ang bibig ko. Napasinghap ng dahil sa nararamdaman kong sakit.


"And I won't let you go, savanna because you are all i have left. Ever. "

--------

Naramdaman ko ang pagbangon nya mula sa kama. Napatingin ako sa katabing relo at nakapaskil dito na  3 na ng madaling araw. Pumikit ako at nagkunyareng tulog.

Narinig ko ang mga yabag ng paa  nya pati ang pagbukas ng cabinet kung saan nakahanda na ang mga maleta nya. Dahil medyo madilim sa parteng hinihigaan ko ay unti unti kong dinilat ang mata ko hanggang sa matamaan nito ang seryosong mukha ni Paul na nakatingin sa isang papel. Ang passporte nya.

Nakita ko kung paano  nya kinuha sa bulsa nya ang phone nya at may di-nial na numero. Tinapat nya ito sa tenga at ilang minuto rin hanggang sa ibukas nya ang labi nya.

My Wife Suffer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon