Chapter 16 :Miracle

7.3K 119 0
                                    

==============




Parang tambol ang dibdib ni Savanna sa bawat hakbang na gagawin nya upang makarating lamang sa condo ni Paul dito sa macau. Hindi nya maisip na hawak hawak nya na ang maleta nya upang sumama sa asawa nya at muling makisama sa iisang bubong.

Agad nyang pinindot ang door bell ng makarating sa tapat ng kwarto. Niluwa nito ang isang Half naked na binata at may gulat sa mukha nito.

"S-savanna. " kumunot ang noo nito at saglit na tumitig sa maletang hawak nya.  "So you already.."

"Oo. " nakayukong sambit ng dalaga. Gusto na nyang putulin ang usapan at pumasok na upang magpahinga. Napagod sya sa byahe at dahil sa wala syang tulog. Ikaw ba naman ang mag-isip ng halos 24 oras.

Ngumisi ang binata at saglit na kinuha ang kamay nya para hilahin papasok.

Tumingin ito sa relos. "Magpapabook ako ng flight kay dad. All you have to do is to be ready, savanna. Sigurado akong tatanungin ka ni dad at ni ate. "

"U-umuwi si Paula? "

Tumungo ito. "Yes. At dahil nabalitaan nya ang pagalis mo, she wants to talk to you. "

Nakaramdam sya ng kaba ng marinig iyon. Ano na lamang ang magiging reaksyon ng mga ito pagkatapos nyang umalis at magiwan ng sulat? Siguradong ikakahiya na sya ng mga ito at baka pati sina tito ay magalit na rin sa ginawa nya.

Napabuntong hininga sya. "M-magpapahinga na ako.. "

Hindi na nya ito pina-imik. Agad syang sumalampak sa unan at pinikit ang mata.

Samatalang, nakatitig lamang ang binata sa likod ni Savanna. Gusto nyang yakapin ang likod nito at ang maliit na bewang ng dalaga pero bakit ang bigat bigat ng paa nya para kumilos?

Napailing na lamang sya at agad na pumasok sa kwarto upang magbihis. Hindi nya mapigilang hindi mapaisip sa nangyayare. Bakit unti unting lumalambot ang nararamdaman nya sa tuwing nakikita si Savanna? Ang pagkakaalam nya ay halos tumirik na ang mata nya sa galit dito pero ngayon parang gusto nya itong alagaan ng buong ingat.

Agad nyang kinuha ang maliit na kahon sa kanyang maleta. Nilabas nya mula doon ang isang litrato nilang dalawang mag-asawa. Tanging ang dalaga lamang ang nakangiti samantalang sya ay parang naglalamay.

"Fool.." 

Isang malungkot na tinig ang nabigkas nya. Hindi nya alam kung bakit sa tuwing iniisip nya ang mga nagawa nya sa asawa ay parang unti unti na rin syang sinusunog sa isang malaking bulto ng apoy.

Napatigil sya sa ginagawang paghaplos sa litrato ng biglang magring ang kanyang phone.

"Hello? "

( Great! Sa wakas sinagot mo na ang tawag ko..  )

"What? "

( Paul, what do you mean?! You just left me a fcking letter! )

Saglit syang natigilan. Oo nga pala. Hindi nya kinayang mag-paalam dito. Bukod sa sigurado syang magiingay ito ay baka hindi  na sya makaalis sa macau ng hindi napapa-amo ang dalaga kaya naisipan nyang sulatan na lamang ito.

"Im sorry, alex. I need to do this. "

(For whom? For what?!? Tell me. Please.. )

"For the sake of my family. "

Ilang minuto ito bago sumagot. Isang malakas na pagbagsak ng gamit ang narinig nya mula sa kabilang linya. Napahilot sya sa sentido nya at agad na pumikit ng mariin.

(P-Paul. Please, Don't leave me.. Im begging you.. )

"I'll come back, alex. But not now. I need to fix and.. "

(And what?! )

"I need to figure out something.. "

(About what? I want you. You don't have to leave me, paul. Don't do this... )

"It's my last chance, Alex.. "

Hindi na nya ito pinagpatuloy, sa halip ay binaba na nya ang linya at malakas na hinagis ang phone nya. Wala na syang pakialam kung magising ang dalaga. Gusto nyang mailabas lahat ng galit at poot na nararamdaman.

patingin muli sya sa litrato at agad na nag'galawan ang kanyang mga buto sa mukha.

"Why?  I don't want you to go.. " bulong nya. Hindi nya alam ang nararamdaman nya pero isa lamang ang nasa isip nya.

Ayaw nyang mawala and dalaga sa mata nya.


********

Nagising si savanna ng dahil sa pakiramdam na naduduwal. Agad nyang tinungo ang banyo at doon sumuka. Pero katulad nga ng inaasahan nya  ay wala syang idinuwal. Masakit ang ulo nya at nahihilo rin sya.

"You okay? "

Naghilamos sya at hinarap ang binata.

"O-oo. " akmang lalampasan nya ito ng bigla sya nitong higitin sa braso. "B-bakit?"

"I bought you this.. "

Napa-awang ang labi nya ng itaas nito ang  isang supot ng mangga.

"Pa-paano ka nag-.. "

"Just eat.. " hinila sya nito papaupo sa couch at nagdiretso sa kusina. Pagbalik nito ay may hawak na itong maliit na plato.

Napatingin sya sa mukha nito. Mukha seryoso ang  binata sa pagtatalop ng mangga samantalang sya ay nakaramdam ng saya sa dibdib. Bakit napakasarap titigan ng mukha nito?

"I searched about pregnant woman.  " biglang kwento nito. "And nabasa ko na gusto nila ng mangga. " tumingin ito sa kanya at nilahad ang isang mangga na talop na.

"Eat. " he commanded. "For our baby.. "

Biglang kumirot ang isang bahagi ng kanyang dibdib. Paano nito nagagawang pasayahin sya sa isang pitik lamang? Paano nito nagagawang pakiligin sya sa pamamagitan ng isang salita nito?

Kinuha nya ang mangga at agad iyong kinagatan. Nahihiyang nagiwas sya ng tingin dito ng makitang nakatitig ito sa labi nya.

Bumalik sa pagtatalop ang binata. Hindi nya namalayang may ngiting gumuguhit sa labi nya ng mga oras na iyon.

Masarap sa pakiramdam ni Paul ang makitang namumula ang asawa sa hiya ng dahil sa sinabe. Hindi nya dapat talaga sasabihin ang katagang iyon pero naunahan sya ng lakas ng loob kaya mismong hindi  nya namalayan sa sarili na nabitawan ang salita.

Napasulyap  muli sya sa dalaga. Maganda ito at maamo ang mga mata. Parang hindi nito kayang makapanakit ng iba kung titigan, Isang anghel ang napangasawa nya.

"Savanna. "

Napatigil ang dalaga sa pagkain at tumingin sa binata. Binaba nito ang mangga at hinintay ang susunod na sasabihin ni Paul.



"What should we name our baby? "

Nanigas ang dalaga sa kinatatayuan.

Nagmimilagro ba ang langit?



-------

Short UD. Hahaha. Maybe, Today rin ako maguupdate ng sunod na chapter. Im so happy, Guys. Really. I can't tell you right now but thank you talaga sa inyo.

Sana wag kayong malito sa bawat chapter. Paul's revelation about his feeling na kasi susunod na mga chapter. Let's focus naman sa nararamdaman ng ating main guy. Thank you.

My Wife Suffer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon