Chapter:37 Confused

2.9K 58 0
                                    



"Pa-paano mo nalaman? "

Ngumisi siya. Parang pinaparating niyang alam niyang lahat. Sa ngiting yun parang maloloka ako.

"I'm smart. Anyways, So where should we start? " tumungo siya sa kusina at kumuha ng isang bote ng alak. Nagsalin siya sa dalawang baso nito at agad na bumalik sakin.

"Here.. " inabot niya sakin ang isang kopita.

"N-no thanks. " nanghina ang tuhod ko. Umupo ako sa couch at doon napabuntong hininga.

"Sabihin mo sakin kung paano. Paano mo nalaman... " umiling iling ako. "Hindi kita kilala.. "

"Hindi mo ako kilala pero kilala kita " nakakalokong ngiti muli ang nasa labi niya.

"Paano ko nalaman? Mmh. Sabihin na lang natin na nalaman ko gamit ito.. " tinuro niya ang mata nya.

"At ito. " at ang ulo niya.

"I'm using my brain, Savanna. Im not stupid para hindi malaman lahat. " muli siyang lumagok ng alak.

Tumingin ako sa kanya. "Hindi sapat na malaman mo yun kaagad. "

"Alam kong may anak ka na. "

"A-ano?

"

"The first time I saw you medyo nahihirapan pa akong pakisamahan ka pero the way you move parang okay lang. You are willing to lie just for the sake of your study pero paano kapag nalaman to' ng asawa mo? " tumawa siya. "I'm sure, He will be crazy...as hell. "

"Anong gusto mong mangyare? "

"Simple lang. " binaba niya ang hawak na baso.

"Kaibigan mo si Cheska. Kilala mo siya at malapit kayo. " naningkit ang mata niya. "Gusto ko siyang saktan, gamit ka. "

"Tigilan mo na ako. " umiling iling ako. "Hindi ko kayang gawin yan. Mas matanda ako sayo! "

"Siguro, Oo. Pero wala na akong pakealam sa edad mo. " He looked at me. Walang halong emosyon ang mata niya. Seryoso at talagang determinado siya sa sinabe niya. "Gagamitin kita para saktan siya, Savanna. "

"Dahil ba hiniwalayan ka niya. " asik ko sa kanya. "Siguro nga mas mabuting hiniwalayan ka na nya. "

"Bakit? Hindi ba parehas lang kami ng asawa mo? He hated you that much na halos saktan ka niya, Like what I am feeling right now, We are on the same category, Savanna. He hates you and I hate her. "

"Da-dati lang yun. Mahal niya ako. " inayos ko ang damit ko at agad na tumayos mula sa pagkakaupo. Akmang lalampasan ko na siya ng hilahin niya ang braso ko. "Ano ba? "

"Magsisimula tayo bukas. Sa ayaw at sa gusto mo, gagawin mo.." humarap siya sakin "Kundi sasabihin ko sa lahat at sa asawa mo. "

Nanlaki ang mata ko. "Napakasama mo. " nagtubig ang mata ko. Bakit ganito? Gusto ko lang makatapos para may maipagmalaki ako kay tatay at sa anak ko. "Hindi ko kayang gawin ang pinapagawa mo. "

"Kaya mo. " hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "I won't kneel down, Savanna. You just have to say yes. "

Humarap ako sa kanya at huminga ng malalim. Wala akong magagawa. Bakit ba hindi na lang pwedeng sabihin sa buong hellingstar na may asawa na ako? Bakit ba hindi na lang ako pwedeng maging Mrs evangelista kahit yun naman ang totoo? Hindi ba pwedeng kahit sa ganitong paraan maging maayos na ang lahat?

My Wife Suffer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon