Chapter:27 Zachary Austin Evangelista

7K 104 3
                                    




Savanna's pov

Nagising ako mula sa sigaw ng isang boses. Hindi pamilyar ang kwartong ito at napupuno ng kulay Puti. Napahawak ako sa tiyan ko at doon ko lamang naalala na nanganak na ako. Sa wakas. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti.

Napawi ang saya ko ng muling marinig ko ang sigaw. Puno ito ng galit kaya marahan kong dinilat ang mata ko at nasilayan ko ang mukha ng dalawang tao na naguusap.

"Magdadalawang araw na syang tulog and still sinasabe mong magcalm down ako?! Doctor ka ba talaga?! "

"Gago, Malamang! Kung makareact ka naman dyan. I know what I am doing, dude. Kaya kung ako sayo kumalma ka at baka mamatay ka sa highblood. "

Biglang binatukan ni Paul ang lalake.

"Gago! "

Tumawa yung lalake at agad na napatingin sakin ng mapansin na sinusubukan kong bumangon.

"Finally, She's awake. "

Nakita ko kung paano lumingon sakin si Paul. Mabilis pa sa hangin kung lumingon sya sakin. Nakita ko rin ang panic sa mukha nya at sa isang iglap nasa tabi ko na sya at inaalalayan ako mula sa pagbangon.

"Sht! " hinaplos nya ang pisngi ko. "Nananaginip ba ako? "

Nanlaki ang mata ko ng batukan nung doctor si Paul. "Mulat nga diba? Nakadrugs ka ba? "

Sinamaan ng tingin ni Paul yung doctor at agad na tumingin sakin. Nakita nya sigurado ang pagtataka sa mata ko kaya napabuntong hininga sya at agad na hinila ang lalake papalapit.

"This is miguel, He's my cousin...Unfortunately. " mapait pa sa kape na sabi nito.

Tumungo lang ako at tumingin kay miguel. "Ang anak ko? "

Ngumiti sya sakin. "Well, healthy yung baby and it's a boy. Sa ngayon nasa nursery room pa sya. Maya maya lamang ay makikita nyo na ang anak nyo. Congratulations, Savanna. " he smile.

"Don't smile at her. She's my wife. Maghanap ka ng sayo. " pinulupot ni Paul ang bisig nya sa balikat ko at ngumiti sakin.

Nagiwas ako ng tingin at inalis ang kamay nya sa balikat ko.

"Magpapahinga na ako. "

Hindi nakaligtas sa paningin ko kung paano mangunot ang noo nya. Narinig ko na lamang na nilisan nung miguel ang kwartong ito at napuno ng katahimikan.

"Gusto mo bang kumain? "

Pinikit ko ng mariin ang mata ko at pinilit na hindi pakinggan ang boses nya. Nanumbalik sa memorya ko ang lahat ng nakita ko mula sa tape na yun. Wala akong magawa habang unti unting binabalot ng selos, galit at sakit ang buo kong mukha pati katawan. Hindi ko alam pero parang umapekto sakin.

"Savanna, Im asking you. " narinig ko ang ilang hakbang nya papalapit sakin. "Did I do something? Are you mad? "

Minulat ko ang aking mata matapos maramdaman ang kanyang kamay na humawak saking buhok. Napasinghap ako matapos maramdaman iyon. Unti unting kong minulat ang aking mata hanggang sa bumigat ang aking pakiramdam at kasabay noon ang pagbuhos ng aking mga luha.

Tinakluban ko ang aking bibig upang hindi kumawala ang tunog na maaaring iproduce ng aking bibig. Ayokong malaman nya na umiiyak ako. Ayoko.

"Okay. " pagsuko nito ng maramdaman siguro nito na hindi ko sya sasagutin o akala nya tulog ako? "I promised you, savanna na ako ang hahawak sa kamay mo habang nanganganak ka and I will held your hand, At masaya ako na nagawa ko. That day I was so excited and uhm.. Im kinda scared na baka mawala ka. "

My Wife Suffer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon