Chapter:39 Home

2.7K 62 0
                                    

Grammatical and spelling errors EVERYWHERE.. ANYWHERE! XD

Paul's Pov

Nabitawan ko ang phone ko. Wala na akong pakealam kung mabasag yun o masira. My brain was too occupied to think what's going on around. But right now, alam kong kailangan ako ni Savanna.

"Paul? " tinapik ako ni dad. Parehas silang nagtataka sa kilos ko. He just looked at me until sa mabasa niya siguro ang nasa isip ko. "What happened? "

"She's in the clinic, right now. " nanginginig ang kamay ko. "Whoever that guy is. I will find him and tell the whole school that she's my wife. This is enough, Dad. Lagi na lang siya napapagod at ayokong nahihirapan siya just because of this. I trust her, okay? Mahal ko siya. "

"I know. We know, son. Im sorry. " I heard them sighed. "You should go. The decision is all yours. "

"We're not yet done. " sumulyap ako kay Paula. "And you too. "

She just smiled at me. "Go. Somebody might take her away from you. " then she chuckled.

I rolled my eyes. I immediately went to my car at agad na sumakay. Mabilis ko iyong pinaandar, not even following those stupid traffic light. Darn, My hands were shaking while it almost flooded with sweat inside the car because my chest twitter. My hand is ready to blow that guy's face.

Hindi ko na pinansin yung guard na nakabantay sa gate ng university nina tito. The hell I care!

Ni-park ko yung kotse at agad na bumaba.Why do people have the need to stare? Not just take a quick look or glance, but flat out stare. It's not hard to notice when some is looking directly at you while their eyes follow as you move. I ignored them at pinagpatuloy ang paglalakad ko. Until somebody approached me.

"Paul E-evangelista? " tanong nung babae. May nilabas siya isang magazine. "Wow. I actually bought this at the market. " she smiled. "Can you sign this ? Please? "

I tried to calm down my nerves. Kinuha ko yung ballpen at agad na piniramahan iyon. Walang imik na iniwan ko yung babae while she's still staring at me.

Unang tapak ko pa lang ay narinig ko na ang singhapan ng mga tao sa loob ng office nila. I can sense na halos mapatigil din sa pagsusulat yung ibang faculty teacher doon.

"Mr. Evangelista? " lumapit sakin yung isang babae. "Im sorry, pero wala dito ang tito mo. "

"Im here for my wife. "

"P-po?" namutla ang mukha niya. "But.. "

"Yes. Where is she? " nilagpasan ko siya at agad na tinungo ang kumpulan sa isang kwarto. Naririnig ko ang ilang bulungan sa pwesto ko.

"Pakielamera kasi yung babae! "

"Oo nga. Lumaki ang ulo nung sinabihan ni Chris na gusto siya! "

Nangunot ang noo ko. Are they talking about Savanna?

"Napakalandi kasi eh. Ha-ha. Bagay naman sa kanya yan. "

"Tama ka. Bago lang sa school pero ang laki na ng ulo. "

"Siya ata ang dahilan kung bakit hindi pumapasok si Cheska for three days. Sayang, ang alam ko they're friends. "

Naginit ang ulo ko. I want to wring their necks and make them suffer. Wala silang karapatan na sabihin ng ganoon si Savanna. Ganito ba? Ganito ba ang trato nila sa kanya? I clenched my jaw. Why didn't she tell me?!

I cleared my throat. Mukhang narinig nila yun. I heard them gasp at agad na nanlaki ang mata ng makita ako sa likod nila.

"P-paul Evangelista?"

My Wife Suffer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon