Chapter:27 Zachary Austin Evangelista

Magsimula sa umpisa
                                    

Nanikip ang dibdib nya.

"Im so scared na hindi ka na magigising katulad ng pinanood sakin ng mga kaibigan ko which is so d@mn stupid. I know, na nasaktan kita pero Savanna.. " nagkaroon ng katahimikan sa lugar.

"Please be with me as long as we can. No. I mean until... forever. " tumawa ito. "I don;t believe in forever pero what are you doing to me, Savanna? You're the reason why I believe sa mga ganito. Im so into you. "

Tama ba ang narinig ko? Nanlaki ang mata ko. Hindi. Ginagawa nya na naman ba ito dahil sa anak namin? Dahil ba may balak syang kuhanin lahat sakin? Please tell me no. Naiiyak ako sa magiging katotohanan nito.

Hinalikan nya ang noo ko hanggang sa lumayo sya sakin. Pinahidan ko ang luha ko matapos maramdaman na nakalayo na sya sakin.

"Excuse me? "

Napabalikwas ako ng bangon matapos marinig ang boses ng isang babae. Sa paniniguradong dala dala nito ang anak ko.

Piling ko lumiwanag ang buong mundo ng makita ko ang isang sanggol sa isang maliit na kama. Napakaliit ng mga kamay nito at paa. Maluha-luha akong tumingin kay Paul na nakatingin din sakin.

Ngumiti sya sakin. "Come on, savanna. Carry him. "

Tumungo ako at kinuha ang bata. Saktong sakto sya sa palad ko. God, Masarap. Masarap sa pakiramdam. Sa lahat ng hirap halos sobrang saya ko na. Parang nabura lahat.

"Maaari na po ba nating pangalan ang bata? "

Nagkatinginan kami ni Paul. He looked shocked matapos marinig ang sinabe ng babae. Mukhang hindi nya alam ang sasabihin kaya tumingin sya sakin. Hindi ako ngumiti.

"A-ask her. "

Bigla akong napalingon sa kanya. At the same time, naiinis ako sa kanya. Parang wala syang pakealam. Parang kanina lang kung ano ano pang sinasabe nya pero ngayon naglaho na lahat.

"Paano kung pangalanan ko ang anak ko ng Juan? " naiinis na tanong ko sa kanya. Naglaho lahat ng sinabe nya sa utak ko. Wala na talaga kaming pag-asa.

"You can't. " malungkot ang boses nya at tumingin sakin na may halong sakit. "And to remind you na anak NATIN. "

"Kung ganoon bakit ako lang ang magpapangalan. Wala ka na ba talagang pakialam? "

Nanigas sya sa kinatatayuan at napalitan ng sakit ang mata nya. "Do you really think na wala akong pakealam?" malamig na sabi nya. "Why are acting so cold towards me, Savanna? "

Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa tumikhim yung nurse. Nagiwas kami pareho ng mata. Napaisip ako sa maaaring ipangalan sa anak NAMIN. Nakailang beses na akong sabi sa kanya ng mga pangalan pero lahat ayaw nya. Ganoon na ba sya kapihikan sa pangalan?

"Savier? "

"That won't do. "

Nangunot ang noo ko at tumingin sa kanya.

"Ano? " halos pabulong na tanong ko. "It came from my name. "

"How 'bout me, savanna? I have my rights na pangalan ang anak ko. Ganun na ba ako kasama sa mata mo? "

I shrugged kahit tagos sakin yung sinabe nya.

"Let's name our baby together. " he sighed.

Tumingin ako sa nurse na nakangiti samin. Ano bang nakakatawa sa ginagawa namin? Halos magkasakitan na kami sa bawat salitang binibitiwan namin sa isa't isa.


My Wife Suffer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon