"Are you really happy? Kasi sa nakikita ko, you're in pain and in jealous. Don't me, Demrene. I can see it in your eyes. Nasasaktan ka sa tuwing nakikita mo 'yung dalawa." She exclaimed with a frail voice.

I slightly smile. "Oo naman. Sira ka ba? Gagawin ko ba 'tong mga kalokohang 'to kung hindi ako masaya kay Eris? Di ba hindi? Sino ba namang tanga ang gagawa ng isang bagay na hindi naman s'ya sasaya. It's like you're wasting your time on nonsense." I stop and take a deep breath. "And yes, nasasaktan ako pero parte na 'yon ng pagmamahal so wala akong pake. Hintayin na lang natin 'yung oras na magsawa ako kay Eris. Kung hindi pa rin n'ya ako magugustuhan, edi..." Nakakita ako ng kaunting spark sa mata ni Maddy and I smiled. "Gagawa ulit ako ng paraan. Hehe."

"Ang bitch mo talaga, Dem!" Maddy slapped me so I run.

Tawa ako nang tawa habang hinahabol niya ako para hampasin. Papunta kami ngayon sa parking lot at medyo madilim-dilim na rin.

Saka lang kami tumigil sa pagtakbo nang matanaw na namin ang nakatayong si Matt sa tabi ng itim na kotse. Nakasandal ito habang nakatungo at may kung anong pinipindot sa kaniyang telepono.

"Kuya, I'm sorry, we're late! Eto kasing si Dem, napakakupad!" Sumbong ni Maddy sa kuya niya nang makalapit kami.

"Ako pa ngayon ang makupad. Ikaw nga ang nahuhuli sa pagtakbo!" Asik ko naman.

Nakita ko ang pag-iling ni Matt sa aming dalawa. He put his phone in his pocket at lumapit sa'min. Tumigil ito sa harapan namin ni Maddy.

"Pumasok na kayo ro'n sa loob. I have meetings to attend." Said Matt.

Maglalakad na sana kami ni Maddy papunta sa loob ng sasakyan ngunit napatigil ako nang marahang abutin ni Matt ang aking bag.

"Let me take care of it, Dem. Doon ka umupo sa tabi ko." Nakangiting saad niya.

Kaagad naman na pumagitna si Maddy sa amin at binawi ang bag kong hawak ng kuya niya.

"Hey, kuya! 'Wag nga yung best friend ko! Dito kami ni Dem sa back seat! Dyan ka mag-isa sa drivers seat. Halika na, Dem. 'Wag mong pansinin 'yan." Inis nitong saad.

"Hoy. Ikaw ha. Bakit sinisigawan mo ako e kuya mo ko! Mas matanda ako sa'yo. Tsaka anong gusto mo, gawin n'yo kong driver?" Tinignan ulit ako ni Matt. "Dem, doon ka sa tabi ko." Hindi pagpapatalo nito.

"Matagal ka naman na naming driver! Bakit ngayon ka lang nagreklamo. Hay nako, kuya Matt. Sinasabi ko sa'yo, wag si Dem. Hindi 'to chix!" Sigaw ni Maddy rito.

Napairap na lang ako sa pagbabangayan ng dalawa. Hindi ko na matiis ang sigawan nila kaya binuksan ko na ang passenger's seat na katabi ni Matt. Tumingin ako kay Maddy at kumindat.

"Don't worry, Maddy. Hindi naman ako papakagat sa kuya mo. Asawa ko na si Eris, 'di ba? Bawal ang kabit. Masama 'yon. At tsaka..." I paused. "Tangina mo, hindi ka rin chix!"

Pagkasabi ko noon ay tumatawa akong pumasok sa loob ng sasakyan at naupo. Narinig ko naman ang mapang-asar na tawa ni Matt nang makaupo rin s'ya sa driver's seat.

"1 point for Dem. 0 point for Maddy. Lol!" Pang-aasar pa ni Matt sa kapatid habang nagdadrive.

"Shut up, Kuya! Feeling mo nakakatawa 'yon?" Asar na saad ni Maddy.

Tinawanan ko na lang din sila pagkatapos ay ibinaling ang atensyon sa daan. Maddy knows that I am just kidding. I don't have to say sorry or explain for it.

Alam naman n'yang nakikipagbiruan lang ako and sometimes, ako naman yung nababara n'ya. Mas malala pa nga kapag binabara n'ya ako, e.

Matt is just 23 years old. Kami naman ni Maddy, parehas 21 years old. Mas matanda lang ako sa kan'ya ng 2 months but we're still at the same age.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon