Chapter Thirty One

540 17 7
                                    

Chapter Thirty One
 

[Audrina]
 
 
"Hay miss na miss ko na kayo. Ang daya niyo, bat niyo ko iniwan?"

 

Nandito ako ngayon sa cemetery. Wala lang, nami-miss ko lang sila. Haysssss. Heto na naman ako, naluluha. Parang kahapon lang nangyari dahil sariwa pa rin sa aking ala-ala ang lahat.
 
 

Its been a year simula noong nangyari ang gulo. Dahil doon, ang dami kong natutunan. Lahat ng sakit, hinanakit at galit na naramdaman ko ay naging daan sa pag grow up ko at pag intindi ko ng mga bagay-bagay. Natuto akong magpatawad at magpahalaga. At simula noon di na ako naging cold pero masungit pa daw ako -___-
 
 

"Oh babe kanina ka pa namin hinahanap. Natataranta na naman sila akala nila nawawala ka. Sabi ko na nga ba dito lang kita mahahanap eh." Sabi ni Britt. Tignan mo ito, bigla biglang lilitaw. Panira ng moment.
 
 

"Wag mo nga akong tawagin na babe. Di pa nga tayo ehhh. Tsk. " Pagsusungit ko sa kanya kahit kinilig ako ng very slight.
 
 

"Hay nako. Ang sungit pa din. Hayaan mo magiging tayo din. Coz I know you like me too." Sabay ngisi niya pero di ko na inintindi yung sinabi niya.
 
 

Bigla ko na lang siyang niyakap. "Thank you for staying Britt. Akala ko pati ikaw ay mawawala na sa akin." Sabi ko sa kanya at ginantihan din niya ako ng yakap.

"Tara na nga. Bibisitahin pa natin ang kuya mo." Sabi ni Britt. Tss. Panira ng moment.
 
 

Tumayo at inirapan ko siya. Huh, bahala siya diyan. Nauna na akong umalis at sumakay sa sasakyan. Sinilip ko at nakita kong nakanguso siya at nagrarant siya habang papunta dito. I can't help but to laugh. Ang cutieeeee.
 
 

"Babe! Bat mo ako iniwan!!!!" Sabi niya sa akin. Inirapan ko ulit siya. Minsan hindi ko alam kung bakit napakalakas na tao neto pero pag kaharap ko napakachildish.
 
 

"Huh? Hindi kita iniwan. Kasama mo ako." Sabi ko ng cold sa kanya at ngumisi.
 
 

"Pinipilosopo mo na naman ako eh!" Sigaw niya kaya napatawa ako. Binigyan naman niya ako ng death glare kaya napatahimik ako. Nakakataas pa din ng balahibo huhu.
 
 

"Britt, gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap." Pag-iiba ko ng topic sabay tingin sa bintana ng sasakyan.
 
 

Siguro ito na yung panahon. Sapat na yung isang taon na 'yon para harapin siya. Luciana. Kahit ilang beses ko siguro iwasan siya di talaga mapapanatag loob ko kapag di ko siya nakakausap. Gusto ko na kasi matapos lahat. Ayoko na yung kada gigising ng umaga ay may iniisip ako. Hayyy ako ba ito? Tss. 

 

"Sure ka na ba diyan? I mean handa ka na?" Medyo nag-aalinlangan pang tanong ni Britt sa akin. Napa sigh naman ako. Tapos ngumisi.
 
 

"Duh. Sasabihin ko ba sa iyo kung hindi ako ready?" Sabi ko naman sa kanya at pinaandar niya na ang kotse. Wala din naman siyang magagawa kaya dumiretso na kami kung nasaan siya.

 
Pagkarating namin sa mental hospital, nakita ko siyang nagsasalita mag-isa. Bigla naman akong nanigas dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

 
"Patawarin mo ako anak ko. Anak. Anak ko"
 
 
Paulit-ulit niya lamang sinasabi 'yon habang nakatulala. Umupo ako sa harapan niya.
 
 
"Alam mo sa totoo lang ayaw naman kitang kausapin pero kung eto lang yung way para makamit ko na yung gusto ko, peace of mind." Sabi ko habang nakatingin sa malayo.
 
 
"Sobra akong nilamon ako ng galit ko, to the point na yung walang kasalanan na tao eh nadadamay ko dahil sa revenge na gusto ko. Funny right? Ang daming nawala sa akin at ngayon ayoko na may mawala pa." Sabi ko sabay tulo ng luha sa mata ko na kaagad ko naman pinunasan.
 
 
"Parehas tayo ng sitwasyon, parehas nilamon ng galit at gusto maghiganti pero tama na. Ayoko na. Ayaw ni Kuya Andrei ito. Mahal ka niya at mahal ko siya. Naisip ko na walang magagawa ang paghihiganti. Nangyari na at natapos na. We just need to accept the fact. Sana patawarin mo ako at ang pamilya ko sa nagawa namin sa iyo at sa pamilya mo. I'm so sorry. " Sabi ko at tatayo na sana pero hinawakan niya ako sa kamay.
 
 
"P-patawarin mo din ako. Patawad! Sobrang naghiganti ako. Ni di ko man lang naisip ang anak ko, mas pinagtuunan ko ng pansin ang paghihiganti kaysa sa anak ko. Tapos... tapos ako! Ako may kasalanan kung bakit si Andrei..." Di na niya natapos ang sinabi niya dahil umiyak na siya.
 
 
Hinawakan ko naman ang kanyang kamay. "Parehas tayong may kasalanan. Pero wala ng magagawa kung patuloy tayong magmumukmok. Hindi ba mas maganda kung magpatuloy tayo? At itama ang mali natin? Mahal ka ni kuya at ayaw ka niyang nakikitang miserable" Sabi ko sa kanya at katulad kanina bigla na naman siyang napatulala at binabanggit ang pangalan ni kuya at inakay na ng nurse.
 
 
Napa-sigh naman ako. Lumapit na ako kay Britt na seryoso ding nakikinig sa usapan namin sa kabilang table. Nakakunot pa ang noo niya. Mukhang may malalim na iniisip kaya napairap ako.
   

"Hey." Tawag ko sa kanya at bigla siyang natauhan at napangiti sa akin.
 
 
"Gosh! You're creeping me out." Sabi ko sabay iwan sa kanya at nauna ng maglakad.
 
 
"Wait naman babe!" Sigaw niya sabay habol sa akin at sinabayan akong maglakad.
 
 

"I'm so proud of you, Audrina. Hindi ko akalain na ganun ang sasabihin mo. Nakakahanga kasi akala ko puro coldness lang alam mo pero hindi pala. Alam kong malambot ang puso mo at gusto mong itama ang mali mo. Magiging proud sa iyo ang kuya mo." Sabi niya sabay ngiti sa akin.
 
 
Bigla naman akong namula sa mga sinabi niya at umiwas ng tingin. "Tss. Tara na nga." Sabi ko pero bigla niya akong hinila at niyakap.
 
 
"I love you." Sabi niya na dahilan ng pag ngiti ko. 

"I love you too!" Sabi ko sabay yakap din sa kanya.
 
 
Naputol ang yakap namin ng tumunog ang cellphone ni Britt. Napakunot naman ako ng noo ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko kung bakit pero nakakaramdam ako ng kaba.
 

"Hello?" Seryosong pagsagot ni Britt sa phone niya.
 
 
Bigla siyang tumingin sa akin ng may pag-aalala at binaba na ang tawag sabay hawak sa kamay ko. I knew it. I know na may mali sa nangyayari.
  
 
"Tara na, Audrina! Ang kuya mo... nag flat line! Kailangan natin pumunta ng hospital." Pagkasabi niya, bigla akong tumakbo at lumuha.
 
 
No! Ayaw kitang mawala. I didn't give you up kahit isang taon ka nawala. Kuya Andrei! Di ka pwedeng mamatay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Revenge of the Missing Mafia HeirWhere stories live. Discover now