Chapter Two

6K 177 4
                                    

Chapter Two
 
 

[Audrina]
 
 
After 7 years......

"Yan ang nababagay sa iyo! Bitch nerd." Sabi ni Melissa pagkatapos mabasag ng isang itlog sa likod ko.
 

Si Melissa yung taong gagawa paraan mapabagsak niya lang ako. Dati nga bestfriend ko siya pero dahil lang sa unexpected na pangyayari nagalit siya sa akin. At simula non, binully niya na ako.
 
 
  
"Tama na." Yun lang sinabi ko at binigyan ko siya ng cold stares. Pumunta na ako sa c.r at nagpalit ng damit. Buti na lang at lagi akong may dala na extra na damit.
 
 
Napatingin ako sa harap ng salamin. Tinanggal ko ang salamin ko at inayos ang magulo kong buhok. Napakaganda ng mga mata ko. Saan ko kaya namana? Wala kasi akong alam sa sarili ko bukod sa pangalan ko ay Audrina. Matagal daw akong na comatose at noont kinuha na nila ako at inampon naggka-amnesia daw ako at mahirap daw mabalik ang ala-ala ko sabi ng doctor.
 
 
Habang nililinis ko ang aking katawan, hindi ko maiwasan ngumiti ng mapait. Bakit ko ba hinahayaan na saktan nila ako? Tinuruan ako ng foster Mama at Papa ko na gumamit ng baril, sword, knife, katana, kunai at iba pa para daw sa self defense. Pero hindi ko naman maipagtanggol ang sarili ko.

 
Pagkalabas ko sa c.r, naglakad na ako papuntang cafeteria. Maaga ba para magrecess? Tinatamad na kasi ako pumasok at mapapagalitan lang ako kasi late na ako at saka alam ko rin naman na lahat ng tinuturo ng mga guro dahil past time ko magbasa ng mga libro.
 
 
"Uyyy narinig mo ba na may exchange student na naman?! Galing daw sa pinakamahal at magandang school. Ang Sasime University. Kyaah! Swerte natin dahil gwapo daw siya. Kaso snob pati si Campus Queen in-snob niya!"  Sabi ng isa kong nakasabayan papuntang cafeteria. Well, kada taon ata may exchange student. Tsaka bakit ba nakikitsismis ako? Baka sabihan pa akong tsismosa.
 
 
Nagmadali na akong maglakad dahil sabi ng mga alaga ko sa tiyan kailangan ko na daw silang pakainin. Tuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may nagbunggo sa akin. Dahil hindi ko feel mag sorry at siya naman nauna, naglakad na lang ako papasok ng cafeteria.
 
 
Papasok pa lang ako pero may humawak na sa kamay ko. "Tanga ka ba?! Hindi ka man lang tumitingin sa dinaraanan mo!" Sigaw noong lalaki na nakabungguan ko.
 
 
Ako pa ngayon ang tanga?! Pagkakaalam ko siya ang unang bumunggo sa akin.
 
 
"Tanga ka rin. Hindi ka rin kasi nakatingin sa daan." Sabi ko ng cold.
 
 
"Don't you dare call me tanga!" Sabi niya. May pa-english english pang nalalaman. Tsk. Kung hindi lang ako mabait, kanina pa to nakahiga sa lakas ng suntok ko pati na rin yung si Melissa siguradong patay na siya.
 
 
"Kung ayaw mong matawag na tanga edi wag mo din akong sabihan ng tanga. Gets mo??" Sabi ko at paalis na ulit kaso hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay. Sht! Ang sakit.
 
 
"Bitawan mo ako." Cold at calm na sabi ko
  
Pero grabe lang ha, hindi niya pa rin ako binibitawan. Ah! Gutom na talaga ako. No choice papatumbahin ko na 'to tsaka ngayon lang naman to eh. Mahinang suntok lang para biatawan niya ako.
 
 
"Magbabayad ka sa aking babae ka." Sabi noong lalake pagkatapos tumayo na mukhang hindi man lang nasaktan. Hmmm, ilan ba baon ko? 150.
 

"Oh yan. 50 pesos. Sigurado akong nakabayad na ako. Sorry hindi ko maibigay ang 100 ko kasi pangkain ko yun. Have a nice day!" Sabi ko at tumakbo ako papasok sa cafeteria. Narinig ko pa siyang nagmura. Bahala nga siya.
 
 
Pagkatapos ko kumain, umalis na ako. Hawak-hawak ko pa ang aking tiyan habang kasalukuyang naglalakad ng mabunggo ko si Melissa. Ang malas naman ng araw na ito, kanina pa ako may nakakabungguan ah.
 
 
 
"Aishhh! Ang tanga mo! Tsaka ano itong nalalaman kong kinausap ka ng exchange student?! Ang landi mo naman." Sabi ni Melissa.
 
 
Huminga ako ng malalim at pinakawala ito. Ako malandi? At sinong nilandi ko? Hayy mga tao ngayon. Tsaka sino ba kasi exchange student?! Yung nakabunggo ata sa akin. Ayoko pa naman ng panibagong ayaw. Wala na akong extrang damit.
 
 

"Tss." Ayun lang sinabi at aalis na pero bigla akong sinampal ni Melissa sa pisngi at sa sobrang lakas napaupo ako.
 
 
Argh! Ang malas talaga. Hinawakan ko ang pisngi ko at tumayo. Pinagpagan ko ang palda ko at tinignan lamang siya sa mata.
 
 
"Oh ano?? Iiyak ka?" Pang-aasar niya pa.
 
 
Ahh! Pigilan niyo ako. Makakapatay ata ako ng babaeng mukhang clown sa kapal na make-up at ang pangalan niya ay Melissa. Pero joke lang yun 'papatayin ko siya' kasi tinuturing ko pa rin siyang kaibigan kahit na makapal ang make up niya.
 

"Tama na! Bakit niyo siya sinasaktan?!"
 
 
Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko yung lalaking nagalit sa akin dahil nabunggo ko siya.

 
"Ah--- eh, hi Britt! Hindi naman namin siya sinasaktan. Diba girls??" Sabi ni Melissa doon sa mga kasama niya.

Bigla naman niya akong sa kamay at binawi ko iton. "Ano ba! Bakit mo ako hinihila?"
 

Nakipaghilaan ako sa kanya kaya bigla siyang tumigil at saka humarap sa akin tapos tinignan ako.

 
 
"Ang tanga mo! Bakit hindi mo sila patulan?!" Galit na sabi noong lalake.
 
 
"Ha? Bakit ko naman sila papatulan?" Tanong ko.
 
 
Ayokong bumawi kasi once na bumawi ako malala. At isa pa, ayokong saktan ang ex bestfriend ko. Siya kasi pati yung kapatid niya ang first friend ko.
 
  

"Tanga. Sinaktan ka nila dapat bumawi ka! Nasuntok mo nga ako kanina. Napaupo pa ako tapos sa kanila di ka bumawi. Eh mukha naman silang weak" Sabi niya.
 

Tinitigan ko lang siya habang nagsasalita tapos noong napansin ko na ang tagal ko na siyang tinitigan ay umiwas ako ng tingin. Mukhang wala akong naintindihan sa sinabi niya. Hay, ano ba yan. Inaantok na ako. Bahala na nga siya, aalis na lang ako.
 
 
"Hoy! Kinakausap pa kita!" Sabi niya noong tumalikod na ako.
 
 
"Hoy ka rin! Aalis na ako." Sabi ko at aalis na sana pero pinigilan niya ako.
 
 
"Britt ang pangalan ko hindi 'hoy'." Kunot noong sabi niya sa akin.
 
 
"Audrina din ang pangalan ko hindi hoy!" Pabalik na sabi ko sa kanya. Nakakainis na siya. Gusto ko na umalis.

 
"Ikaw na nga tinutulungan, ikaw pa masama! Edi wag
Di mo alam kung sino ang binabangga mo." Sabi ni Britt.
  

Hello? Tinamaan ata siya sa utak?! Kakapakilala niya pala lang tapos di ko alam kung aino binangga ko?
 
 
"Kilala kita. Ikaw si Britt. Ang binangga ko." Sabi ko naman. Bigla naman nag-iba ang aura niya.
 
 
Wah! Mukha siyang HALIMAW. Huhuhu. Dapat kasi hindi ko na siya pinatulan. Aissh, bahala na. Uuwi na lang ako.
   

Oplan: TAKBO!!

Revenge of the Missing Mafia HeirWhere stories live. Discover now