Chapter Twenty Two

2.4K 77 4
                                    

Chapter Twenty two

 
[Andrei]
 
 

"Young boss, we already found the Heir. Ligtas siya at kasama niya si Britt ngayon." Napangiti ako sa sinabi ng mafia spy na inutusan ko. Ligtas ang little or princess ko.
 
 
"Thank you at pakidalhan ng message si Britt na magkikita kami bukas." Sabi ko na lang at itinuon ulit ang pansin sa laptop ko.
 
 
I need to know kung bakit gustong patayin si Audrina ng Red Dragon Mafia. Alam ko naman na lahat ng heir ng Blue Shi ay pinapatay ng isang unknown na grupo pero hindi iyon ang Red Dragon Mafia.
 
 
 
Naalala ko yung nangyari dati. Yung mga panahong pinatay ang itinuring kong Mama. Yung kahit anak ako ni Dad sa ibang Babar ay minahal niya pa rin ako ng lubos. Pinatay siya ng 20 na lalaki. Hindi sila mafia at sigurado ako. Gusto Kong malaman kung sino sila at bakit nila pinapatay ang mga heir ng Blue Shi Mafia.
 
 
 
Naputol ang mga naisip ko ng biglang pumasok si Mafia Reaper X sa opisina ko. "What do you need?" Tanong ko sa kanya.
 
 
"Young boss, the leader of the Red Dragon Mafia wants to see you now. Here is the address." At inabot niya sa akin ang maliit na card.
 
 
Tumango naman ako at kinuha ang coat ko. Anong kailangan niya? Anong kailangan nila?
 
 
 
--

"Hi Mr. Andrei Shi. Salamat dahil nakapunta ka." Sabi ni Philip, ang pinuno sa Red Dragon Mafia.
 
 
"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na." Sabi ko ng walang kaemosyon-emosyon.
 
 
 
"Patawarin mo sana kami." Biglang yuko niya sa akin.
 
 

"Marami kaming pagkakamali. Natuto kaming pagtaksilan ang Mafia World natin. Kami sumira sa kapayapaan na hinahangad ng bawat isa. Oo, kami ang nagbalak na patayin si Audrina dahil napag-utusan lang kami. Sinabihan niya kami na kung mapapatay namin ang heir ay makakamit na namin ang hinahangad namin na mamuno sa Mafia World at maging pinakamalakas." Sabi niya tumingin sa mga mata ko.
 
 
 
"Nagsisisi ako sa nagawa ko Kay Big boss at Kay Heir. Tanggap ko na hindi namin kayo mapapantayan at dapat maging kuntento sa kung anong meron ka." Sabi niya at huminga ng malalim.
 
 
 
"Tulungan mo ang Mafia namin Young boss. Nasa panganib ang mga reapers ay ang mafia group ko at anytime pwede niya kaming patayin. Help us and paglilingkuran namin kayo ng buong puso." Sabi ni Philip.
 
 
 
Sabi na eh! May tao sa likod ng lahat ng nangyayari ngayon.
 
 
 
"Sino siya?" Tanong ko.
 
 
 
"We don't know her. Lagi siyang may mascara at kasamang 20 mens. Tinatawag siyang Lady L." Sabi pa niya.
 
 
 
"Lady L?" Tanong ko sa kanya.
 
 
 
"Yes, yung gusto magpapatay kay Heiress." Sabi niya.
 
 
 
Napaisip naman ako bigla. Pwedeng siya rin ang nagpapatay kay Mommy pati kay Lola Eliz na dating mga heir. Pero ipinagsantabi ko muna ang pag-iisip kay Lady L.
   
 

"Sino... ang nanggulo sa party ng heir? At sino ang bumaril kay Big Boss?" Madiin na tanong ko. Alam kong sila ang may gawa dahil may mga spy ako but I don't know what is the reason kung bakit nila ginawa iyon dahil masyado silang pribado.
 
 
"Kami po. Patawarin niyo sana kami. Napagutusan lang kami ni Lady L at kung di namin yun gagawin ay mas malaking gulo ang mangyayari. Dahil ang mga tauhan mismo nila ang mga papatay at for sure target nila si Heir." Sagot nila

 
 
Damn it! Sumasakit ang ulo kung sino ba si Lady L. Alam ko na ang Blue Shi Mafia ang target niya pero ano ba ang gusto nila sa amin?
 
 
"Young boss, there's a call for you." Sabi ng isa sa mga mafia na nagbabantay sa amin.

 
"You need to go to the Mafia Underground. Ipapatawag ko lahat ng Mafia group. Kailangan niyo pa rin makatanggap ng punishment." Sabi ko bago ko sagutin ang tawag na kanina pa nagri-ring.
 
 
"Yes, what is it?" Sabi ko sa linya.
 
 
"Ako ito si Britt. I just want to tell you na pwede na ngayon na lang tayo magkita. I'm on my way papunta diyan." Sabi niya.
 
 
"Okay."
 
 
After ilang minutes rin ay nandito na si Britt. At alam kong nagulat siya ng makita si Philip na leader ng Red Dragon Mafia.
 
 
"Anong.. anong ginagawa ng kalaban dito? Ang taksil sa Mafia World natin?" Tanong ni Britt.
 
 
"Nagsisisi na sila pero may punishment pa rin sila and after they receive their punishment, doon pa lang sila mapapatawad. By the way, kamusta siya?" Tanong ko kay Britt.
 
 
 
"May nagbago sa kanya. Palagi siyang nagte-training dahil gusto niya maging malakas and mas naging tahimik siya. Pero alam kong ayos naman siya dahil sinisigurado ko na palagi siyang ligtas." Sabi ni Britt.
 

Nalungkot ako. No, she is not okay. Alam ko yun dahil kapatid ko siya. Dahil minsan na siyang naging ganun noong panahon na namatay ang unang lalaking nagmahal sa kanya. Alam ko iyon dahil bawat galaw niya alam namin ni Daddy. Hindi man namin siya nakasama sa paglaki niya pero alam namin ang nangyayari sa kanya.
 
 
"Thank you Britt sa pagbabantay mo sa kanya." Sabi ko.
 
 
Napatayo na lang kami ng biglang nagkagulo sa labas at pumasok ang ilan sa mga Blue Shi Mafia.
   
 
 
"Young Boss, five of our mafia member ay nakitang patay sa harap ng Blue Shi Hospit--" Hindi natapos dahil may pumasok ulit. Bigla akong kinabahan ng pumasok ang ilan pa sakanila.
 
 
 

"Young Boss, p-patay na po si Big boss." Sabi ni Mafia Reaper T sa akin na pinapabantayan ko sa hospital.
 

"What?" Tanong nila Britt at Philip.
 
 
"I'm sorry, but wala na po siya." Sabi niya.
 
 
Sinuntok ko ang table at lumabas na ako. Tinignan ko ng malamig lahat ng Mafia na nandoon.
 
 
"Drive as fast as you can." Sabi ko at pumasok na sa kotse.
 
 
BUHAY PA SI BIG BOSS! BUHAY PA SI DADDY!!
 

---

At dahil birthday ko last week, nag-update ako as a gift para sa inyo 😊 Comment and Vote kayo as a gift niyo para sa akin. Love yah all!

Revenge of the Missing Mafia HeirWhere stories live. Discover now