Chapter Six

4.4K 154 1
                                    

Chapter Six

 
[Andrei]

 
"ANDREI SHI! Bakit mo pinapabayaan ang kapatid ko?" Sigaw ni Mafia Reaper T sa akin. Hmmm, nakalimutan niya ata ako ang tunay na kapatid ni Audrina, though half sister ko lang siya.
 

"I believe in her." Sabi ko na lamang at nanood ulit.
  
 
Magaling makipaglaban si Audrina kahit di pa ganun kabilis ang reflex niya. Susugod na sana ang mga Mafia Reapers nang nakita na nabaril si Audrina pero pinigilan ko sila. Naniniwala kasi ako na siya ang PINAKAMALAKAS sa amin kahit kulang pa siya sa training.
 
 
 
Natalo niya naman ang 15 na yun. Pinagmasdan ko lang ang reaksyon niya. Bigla siyang umiyak. I know nakakabigla lahat sa kanya ang pangyayari at hindi pa siya sanay may nakikitang duguan.
 
 
"Noooo!" Sigaw ko.
 
May nakita akong limang lalaki. They are the Red Dragon Mafia, sila ang pumatay sa Mama namin. Yung mga memories ay biglang bunalik sa akin. Kaya bigla akong kinabahan.
 
 
Napalingon naman si Audrina at saktong nabaril siya sa tagiliran.
 
 
"Oh my God!" Sigaw ni Mafia Reaper Z.
 

Natulala naman ako sa sobrang bilis ng pangyayari pero agad din akong kumilos.
 
 
"Ano pang ginagawa niyo?! KILL. THEM. ALL." Madiin na sabi ko at nilapitan ko si Audrina.
 
 
"Kapit ka lang."
 
 
Pagkahalik ko sa noo niya, binuhat ko na siya at dinala ko siya sa private hospital namin. Hindi pwede, hindi ako papayag na may mamatay ulit na heir. Wag ang kapatid ko.
 
   
 

HOSPITAL


 
"Maraming nawala na dugo sa kanya pero she's stable now. Hintayin na lang natin na magising siya within the week." Sabi ng Doctor pagkalabas sa operating room.
 
 
Sa wakas, okay na din siya. Hindi ako mapakali kanina at hindi ko kakayanin na may mangyaring masama sa kanya.
 
 
"Thanks Doc." Sabi ko. Nag-bow naman siya sa akin as a sign of respect.
 
 
Paupo pa lang ako ng biglang akong nilapitan ni Mafia Reaper X. "What now, Xander?"
 
 
"Young Master, The Old Boss wants to talk to you." Pagkasabi niya non, inagaw ko na ang cellphone.
 
 
"Hello Old Boss??" Inip na sabi ko. Yes, I know nakarating na ang balita sa kanya pero hindi ngayon ang tamang time para sermunan ako! Audrina needs me.
 
 
"Yah! Ilang beses ko ng sinabi na don't call me Old Boss! Call me Dad and wala tayo sa Underground or Mafia de Villa blah blah blah." Bago pa ako mabingi nilayo ko na ang telepono sa tenga ko.
  
 
I may not show my love for him, pero mahal ko siya. Mabait siya and she's the best dad. Di ko nga alam kung paano niya kinaya simula nang mawala si Mama. I am proud that my father is brave enough para kayanin lahat ng ito.
   
 
 
"What do you need?" Sabi ko ng seryoso. Kasi pag 'di pa ako magseryoso magdadaldal lang si Dad. And i'm tired para makipagdaldalan pa sa kanya
 
 
"Ano ang nabalitaan ko na nabaril si Audrina?!" Sabi ni Dad sa mataas na boses. Alam ko namang malalaman niya.
 
 
"Dad, its not that serious." Yun lang ang sinabi ko. But I know, it will make him calm.
 
 
"Mas higpitan niyo pa ang pagbabantay. And you, take care of her. Malapit na rin akong umuwi." Sabi ni Dad. Kelan ba siya uuwi? It's been two months. Gusto niya pa yung surprise ehh.
 
 
"Don't worry Dad, ako ang bahala sa kapatid ko."

 
[Audrina]

   
Pagkaduilat ko ng mata ko nasilaw agad ako sa liwanag at napahawak sa ulo ko. Ouch, ang sakit ng ulo ko. Ang tagal ko sigurong natulog. Hanggang sa nag-adjust na ang paningin ko at puro puti ang nakikita ko sa paligid ko.
 
 
Nilibot ko ang paningin ko sa kwartong ito. Sasime Shi Hospital? Ay, oo nga pala nabaril ako. Pero hala! Mahal dito sa hospital na ito. Paano mababayaran nila mama at papa ang bills?
 
 
Biglang bumukas ang pinto. Siya na naman? Yung lalaking pumasok sa kwarto ko. Bigla akong nakakita ng familiar na pakiramdam noong ngumiti siya.
 
 
"Ang tagal mong natulog. Napagod ka siguro ng husto?Pero don't worry, my little princess is okay now." Sabi niya.
 

Yung tono niya...biga naman akong napahawak sa ulo ko.
 

"Little Princess is okay now." Sabi ng batang lalaki.
 
 
"Yes. Thanks to you Kuya and to them." Sabi ko sa kanya at tinuro ang mga madaming lalaki. Bigla kasi akong nilagnat sa school at nahimatay.
 
 
"We are here to protect you. Diba mga Mafia Reapers?" Sabi ni Kuya.
 
 
"Yay! Kuya I love you po. Kayo nila Mommy at Daddy mahal ko po kayo." Sabi ko.
 
 
Sumisigaw ako sa sakit at maya maya ay chinecheck na ako ng doctor at kinausap si kuya. Hanggang sa nakatulog ako pagkatapos na mayi-inject sa akin.
 

Pag-gising ko, lumuluha na ako. "Kuya?" Tawag ko sa kanya. May kapatid pala ako. Naalala ko na.
 
 
"Okay ka na?" Tanong niya at tumango ako.
 

"Do you remember me?" Tanong ulit niya kaya tumango ulit ako.

 
May naalala ako pero hindi ganun lahat. Malabo pa din. Tanging yung alaala niya lang ang malinaw.
 
 
"Good. Namiss kita!" Sabi ni Kuya at niyakap niya ako.
 
 
Ganyan na ganyan ang yakap niya noon. Yung yakap na magiging okay ang lahat.
 
 
Pagkatapos ng yakap, tinignan ko siya sa mata. "Kuya, bakit di mo ako hinanap?"
 
 
Nakita ko naman na parang naluluha siya. "Sorry, little princess. Lagi kitang binabantayan sa malayo. May rason ang lahat."
 
Anong rason? Bakit ako nahiwalay sa kanila. Nagugulahan ako sa lahat. Gulong-gulo ang isipan ko.
 
 
"Hindi ko po kayo maintindihan."
   
 
"Gusto mo ba sumama sa akin sa bahay natin?" Sabi niya. 
 
Sumama? Parang hindi pa ako handam Ayoko pa. Masaya na rin ako sa kinilala kong mga magulang. Mag a-adjust muna ako at pag okay na ako, siguro ayun yung time na pwede na akong bumalik sa bahay at alalahanin ang childhood memories ko.
 
 
"Mag-iisip muna po ako." Ayun lamang ang naisagot ko.
 
 
"Kung iyan ang gusto mo, i will respect it. Basta nandito lang si Kuya from now on. Di kita pababayaan.  I promise." Sabi niya sa akin kaya ngumiti na lang ulit ako.
 
 

Revenge of the Missing Mafia HeirWhere stories live. Discover now