Chapter Seventeen

3.3K 107 3
                                    

[Audrina]


"Little Princess, kakausapin ka daw ni Dad." Seryosong sabi ni Kuya sa akin. Napataas ang kilay ko. Bakit naman? May klase pa ako.

"Excuse ka na. Importante 'to tsaka 4 days from now, debut mo na." Sabi ni Kuya.

Hays, wala na akong magagawa. Sasama na lang ako. Naku-curious lang ako kasi the way na pagsasalita ni Kuya Andrei ay seryoso talaga. Kinakabahan tuloy ako.

"Oh, easy lang. Hahahaha. Kinakabahan ka." Biglang singit ni Zia. Nagulat pa tuloy ako.

Bakit ba siya nandito? Well, dahil daw kaibigan ko siya. Sinundan niya ako ng school pero feeling ko di lang yun ang reason niya kung bakit nakipag-kaibgan siya sa akin. Pero sabi niya "Right time." Ano 'to nakikiuso sa tamang panahon? Tsk.

"Oh, anong ginagawa mo dito?" Medyo cold na tanong ko.

"Ano ba yan! Hmpf. Parang di tayo magkaibigan. Ayaw mo ata akong kasama." Sabi niya. Kung dati naiirita ako sa kanya ngayon pinabayaan ko na lang siya. Sanay na ako eh.

"Ms. Audrina, nauna na po si Young Master. Sunod na lang po tayo." Sabi ng mga Men in Black. Kahapon naka-blue sila, ngayon naman black. Ano kayang trip nila?

Habang naglalakad palabas ng gate ay pinagtitinginan ako. May dumi ba mukha ko? Nakakairita yung mga tingin nila.

"Ang ganda talaga niya and I think she's powerful too. Tignan mo naman ang sundo niya, bongga."

"Is she's one of our Mafia boss?"

"Omfg! She's too damn rich. I like her na."

"Psst. Hayaan mo na sila. Mga inggit lang mga yun." Sabi sa akin ni Zia kaya hindi ko na lang pinansin.

Hays, ano ba yan! 50 men in black kasi ang pinadala ni Dad tapos sa limousine pa ako sasakay tapos yung 40 na Men in Black ay nakasakay sa 4 na van. Feeling ko tuloy ako ang presidente ng pilipinas.

Nagtaka ako kasi hindi kami dumiretso sa Mansion. Saan naman kaya kami pupunta sa resto? Tsk. Ayoko na-trauma na ako. Naalala ko yung mga pinatay. Argh!
 

After 20 minutes nasa harap kami ng isang building na may Blue Shi Company. Ngayon ko lang 'to nakita ahh. Ganito pala kami kayaman.

"Tara baba tayo." Sabi ko kay Zia pero pinigilan niya ako. Agad naman na pinigilan niya ako kaya bigla akong napatingin ng masama sa kanya.

May kutob akong alam ni Zia ang mga nangyayari. Feeling ko niloloko nila ako. Hays! Ano ba naman yan. Kaibigan ko siya pero nagdududa ako. Sana hindi mali ang iniisip ko.

"A-ah. Sila na lang. Yung mga lalaki na gwapo. Hihihi. Ayoko kitang mapagod tsaka ang laki ng building niyo baka mawala ka pa." Sabi ni Zia at ngumiti sa akin. Bigla naman nawala yung mga iniisip ko. Kaibigan ko si Zia at dapat wala akong pagdudahan.

Maya-maya umandar na naman ang kotse ang mga kalahating oras ang byahe nakapunta kami sa isang village na maraming guard at mga naka-blue sa harap. Biglang bumilis tibok ng puso ko.

"Ma'am were here at Mafia de Villa." Sabi ni Tyrone. Yung 24 yrs. old na guy na kadaldalan ko kanina sa byahe. Gwapo pero seryoso magsalita. -,-

Revenge of the Missing Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon