Chapter Twenty Six

1.9K 53 0
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

[Audrina]
 
 

Naisipan kong dalawin ang burol ni Dad. Nasa harapan ako ng mansion ngayon pero hindi ko alam kung papasok ako o hindi. Tinanggal ko ang maskara ko at nagpalit muna ng damit sa loob ng kotse na ni rent ko. Pagpakatapos kong magbihis ay pumasok na ako.
 

"Nandito ang heir!" Sigaw ng isang reaper at doon na sila nagkagulo pero hindi ko sila pinansin.
 
 

Naglakad lang ako ng nakatulala papunta sa harap. Ang daming nagtatanong ngunit ni isa ay wala akong sinagot. Ang daming humawak sa akin at sabihing mag pahinga muna ako pero tinulak ko lamang sila. Pagdating ko sa harap doon ko naramdaman ang sobrang sakit sa puso ko. Nanginig ako at napaupo, pilit na pinipigilan ang luhang gustong kumawala sa aking mata.
 
 

Tinignan ko ang portrait ni Dad sa gilid at paulit-ulit binabaon sa aking isipan ang mukha niya at ngiti niya. Madalang siyang ngumiti at ang ngiting iyon ay kailanman ay hindi ko na makikita.
 
 

"Are you okay? Magpahinga ka muna sa iyong kwarto." Sabi ni Mafia Reaper T. Ang tinuring kong ate at kailanman hindi ako iniwan. Tinignan ko lahat ang mga nakabantay sa akin. Lahat sila ay nag-aalala dahil alam nila na sa lahat ng nandito, ako ang pinakanasasaktan.
 
 
 
"Paano ko siya maibabalik? Sabihin niyo sa akin! Hahanap ako ng paraan para mabalik siya. Hindi... hindi ko pa kaya ng wala siya. Gusto ko man gumawa ng paraan para maibalik siya pero hindi ko na magagawa. Nawala ako noon at matagal siyang hindi nakasama tapos ngayon na bumalik ako, siya naman ang nawala at kailanman hindi babalik." Sabi ko at tinignan ko sila sa mata. Nakita ko silang lumuha kaya yumuko ako. Ayokong umiyak.
 
 
 

  Sobrang tahimik ng kapaligiran. Ang mga puso namin ay labis na nasasaktan sa pagkawala ni Dad. Hindi matanggap ng sarili ko na wala na talaga siya. Naalala ko na naman ang mga sandaling nakasama ko siya at ang sinabi niya na kailangan ay hindi niya ako pinabayaan.
 
 

Bigla ko na naman naalala ang Red Dragon Mafia at doon nabuhay ulit ang galit sa puso ko at habang tumatagal ay mas lumalala ang galit na nararamdaman ko.
 
 
Ilang sandali pa ay tumayo na ako. Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito. Hindi ko magagawa ang plano ko kung mananatili ako dito.
 
 

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ate Trisha o Mafia Reaper T. Hindi ko pwedeng sabihin na aalis na ako. Paniguradong hindi nila ako papayagan.
 
 

"Magpapahinga sa kwarto ko." Sabi ko at mabilis na naglakad pero hinawakan ako sa braso.
 
 

"Sasamahan na kita." Sabi niya ngunit umiling ako. Hindi ako makakatakas kapag magpapahatid ako hanggang kwarto.

 
 
"Dito ka na. Asikasuhin mo na lang ang mga bisita." Sabi ko at iniwan na siya.
 
 

Pagdating ko ng kwarto ay agad kong sinarado ang pinto at doon kumawala ang luha na kanina pa gustong lumabas. Hinawakan ko ang bibig ko dahil sa takot na may makarinig sa paghikbi ko at naiyukom ko ang isang kamay ko. Ang sakit pala talaga.
 
 

Tumayo ako kahit nanghihina ako. Kailangan ko ng tumakas. Binuksan ko ang bintana ng kwarto at doon lumabas. Dumaan ako sa mga sanga ng puno. Tsk. Masyadong maraming lumilibot na Mafia. Bumalik ako sa kwarto at kumuha ng lubid at masking tape at bumaba. Mabilis kong natalian ang mga Mafia at pinatulog ng hindi nila ako nakikita at hindi gumagawa ng ingay. Tumakbo ako at sa bakuran na dumaan.
 
 

Pagkalabas ko ay pumasok ako sa kotse. Nakaramdaman ako ng lungkot.
 
 

"Sorry Dad, pero kailangan ko umalis." Sabi ko at pinunasan ang luha sa aking mata.
 
 
 
I'm back for my revenge.
 
 
[ANDREI]
 
 
Nasa Villa ako ng Red Dragon Mafia para tignan ang parusa na  matatanggap nila. Nakita ko ang paghihirap nila, gusto ko man tumulong pero hindi pwede dahil bawal ko suwayin ang batas sa White Mafia World. Pagkatapos nila ay hiniwa ang palad nila at itinaas as a sign na hindi na nila uulitin ang pagtaksil.
 
 
 
Umalis na ako sa lugar na iyon at bumalik sa mansion. Pagdating ko doon ay nagkakagulo ang mga Mafia reapers kaya lumapit ako sa kanila.
 
 
"Bumalik si Young Lady, pero nawala ulit. Nakita rin namin ang mga Mafia na nagbabantay na walang malay at nakatali sa madilim na parte." Sabi ng isa.
 
 
Nainis ako. Paanong nangyari ito? "Ayusin niyo ang lahat ng ito." Sabi ko.
 
 

Dumiretso ako sa kwarto ni Dad. "Dad, I miss you so much. Nakakainis ka naman! Iniwan mo na agad kami ni little princess. Tapos ngayon si Audrina, biglaan nawawala. Pinapahanap ko siya pero hindi nila ma trace kung nasaan siya. Alam ko Dad na unti-unti ng nilalamon ng galit ang puso niya. Anong gagawin ko?" Sabi ko ng ilibot ang paningin sa kwarto niya at doon umiyak ng umiyak.
 
 

Naglakad ako sa solid niya ng may mapansin sa ilalim ng kama niya. Isang kahon na kulay itim at binuksan iyon. May papel na nakarolyo at binasa iyon.
 
 

'Hindi ang Red Dragon Mafia ang tunay na kalaban. Alam ko ito at ng iba pang nagretire na Mafia. Walang traydor sa loob ng mundo natin. Ang mga Lucia ang hinihinala namin. Hanapin mo sila.'
 
 
Lucia... biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang kinabahan ako. Sino sila?

Revenge of the Missing Mafia HeirWhere stories live. Discover now