Chapter Three

5K 171 6
                                    

Chapter Three
 
 
[Audrina]
 

 
"Mama. Papa. Nandito na po ako." Sigaw ko pagkarating ko sa bahay. Pumunta naman ako sa likod ng bahay at nakita ko na dumami ang collection ng baril nila.
 
 

"Oh anak! Andyan ka na pala." Salubong ni papa ng nakangiti. Ngumiti naman ako ng matamis kay Papa.
 
 

"Musta ang school??" Sabi ni Mama.
 

Bigla naman akong tumingin sa kanya at  napasimangot. Ano bang ineexpect ni mama? As usual binu-bully ako. Mag-isa kasi wala naman akong kaibigan. Tsaka malas tong araw na ito. Ilang beses akong sinabihan ng TANGA.
 

"Ayy sorry anak. Wala ka nga palang kaibigan. Sorry talaga, wag kang mag-alala. Malalaman mo rin lahat ng ginagawa namin para sa iyo."
 
 
Malalaman lahat? Na ani hindi ako normal na tao? Hindi ko sila pinansin at dumiretso ako sa mga nakadisplay na baril. Sinuot ko ang eyeglass ko at earmuffs.
 

Kinuha ko yung isa sa mga collection ko ng gun tsaka ko kinasa at pinaputukan ang  apple na nakalagay sa gitna ng field sa likod ng bahay namin. Ang galing ko talagang gumamit ng baril pero kahit ganun di pa ako nakapatay ng tao.
 

"Saan po pala si Ate?" Bigla akong napatanong ko kay Mama habang naglilibot ng tingin. Mukhang wala na naman siya, mukhang nagiging busy siya.
 
 
Nagkibit balikat si mama sa akin. "Nasa trabaho ata?"
 
 

Pagkatapos ng konting training ay nagpaalam na ako kina mama at papa na magpapahinga. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at humiga agad ako sa kama.
 

Bigla naman akong tumayo kaagad dahil hindi pa ako nagpapalit pero bago 'yon humarap muna ako sa salamin. "Ang ganda talaga ng mata mo Audrina."
 
 
Inalis ko ang salamin ko at nilugay ko ang buhok kong mahaba at ngumiti. "Maganda naman ako. Bakit wala akong kaibigan?" Sabi ko ng malungkot. Sabagay nerd ako, cold at tahimik kaya walang gustong makipagkaibigan sa akin.
 
 
Umupo ako sa gilid ng kama ko at tinanggal na ang blouse ng uniform ko at tangin sando na lang ang natitira. Napatingin naman ako sa likod ko sa salamamin.
 
"Ano kayang ibig sabi hin ng crown tattoo sa batok ko?" Siguro may kinalaman ito sa pagkatao ko.
 
 
Gustong-gusto ko talagang malaman kung sino ako at sino ang mga magulang ko. Kung nakilala ko ba sila normal ang buhay ko at may mga kaibigan? Kung nakilala ko sila hindi ba ako magt-training araw araw ng katulad ng ginagawa ko sa bahay? May kapatid kaya akong lalaki?
 

*Tuggshhh*

Napatigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong kalabog. Hinahanap ko ito kung saan nanggaling at huminti ang mata ko sa may bintana. May nakatayo na lalaki. P-parang nakita ko na siya, sobrang pamilyar ng itsura niya.
 

"Sino ka??" Tanong ko habang hinahanda ang sarili ko baka masamang tao siya.
 
 
"Princess." Bulong niya sa hangin ngunit sapat iyon para marinig ko.
 
 
Bigla naman siyang lumapit sa akin pero mata ang labi niya lang ang nakikita ko. Paulit-ulit na nag echo ang sinabi niya hanggang sumakit na akong ulo ko.

 
"Ahhhhhh!!!!" Sigaw ko at bigla akong natumba at napahawak sa ulo ko."
 
 

Bigla may nagflashback sa utak ko.
 
 
"I love you my princess sister. I will do anything to protect you." Sabi ng lalaki.
 
 
Malabo ay hindi pala super labo ng itsura niya.
 
  
"Kuya ang cheesy mo. I love you too. Tara kuya laro tayo." Sabi ko.
 
 
"Hahaha. Tara na nga." Sabi ng lalaki.
 
 
I think 13 years old pa lang siya.
  
  

"Ahhhhh!" Sigaw ko ulit at napaiyak na ako. Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit sakit. Sht! Bakit ganito?! Parang may naalala ako.
 

"Are you okay??" Sabi nito. Hinawakan naman niya ako kaya iniwas ko ang sarili ko sa kanya. Sht! Sino ba ito?! At bakit may naalala ako sa nakaraan ko?
 
 
"Sino ka?! Lumayo ka sa akin." Pagbabanta ko at ginamitan ko siya ng boses kong malamig.
   

 
"Anak ayos ka lang?!" Sigaw ni Mama. Napatingin naman ako sa pinto dahil bigla itong bumukas.
 
   

"Audrina! Ano bang nangyayari sayo?!" Tanong ko sa utak ko.
 

Napatingin naman ako sa tabi ko. Wala na yung lalaki. Bakit?! Anong kailangan niya sa akin? Nasaan siya pumunta? Napatingin naman ako sa bintana. Nakabukas lang. Ang bilis niyang kumilos. Pwedeng may kinalaman siya sa nawawala kong alaala about sa past ko.
 
 
"Anak. Napatulala ka." Nag-aalalang tanong ni mama. Nilingon siya at binigyan ng pilit na ngiti.
  
 
"Sumakit lang po ang ulo ko." Ayun lamang ang sinabi ko at hindi ko na nabanggit ang lalaking pumasok sa kwarto ko. Umalis si Mama para kumuha ng gamot.
 
 
Pagkaalis ni Mama, humiga ako sa kama ko at inalala ang konting detalye na nagflashback sa akin. Kuya? Baka nga kapatid ko siya. Mukhang masayahin ako dati.
 

Dapat ko na ba hanapin ang pamilya ko at alamin kung sino ba talaga ako?

Revenge of the Missing Mafia HeirDonde viven las historias. Descúbrelo ahora