Chapter Eleven

3.7K 131 1
                                    

Chapter Eleven

[Andrei]

"Kasalanan ko ito!" Sigaw ko. Shit! Bakit ba kasi hindi ko siya binantayan maigi? Arghhh. Natrauma tuloy siya.

"Nakakausap na ba siya?" Tanong ko sa isang private nurse namin.

"No. Di po siya kumakain at puro gulay lang. Ayaw niya ng karne. Di rin po siya makausap." Sabi ng isang nurse.

Anong gagawin ko? Ipapapatay ko talaga ang mga gumawa non sa kapatid ko! Shet. Buti nandun si Britt. Pero nagtataka ako. Bakit nandoon si Britt? Anong ginagawa niya? Kilala niya ba ang kapatid ko?

"Hinahanap po kayo ni Young Lady." Sabi ng isang butler. Nasosobrahan na ata ako sa pag-iisip.

"Ah oo. Susunod ako." Sabi ko doon sa butler. Dumiretso ako sa room ng kapatid ko. Nandito kasi siya sa hospital. Nahimatay kasi ehh.

"Audrina." Sabi ko tsaka ako umupo sa gilid ng kama niya.

"Kuya miss ko na si Mama at Papa. Kailan ako makakauwi sa hospital?" Sabi niya.

Napasimangot ako. Mahal niya talaga ang mga poster parents niya. Buti pa yung kapatid ko nakaranas ng buo at simpleng pamilya. Eh ako? All of my life puro mafia ang inatupag. Minsanan lang kami mag-bonding ni Dad.

"Don't worry. Bukas makakaalis ka na. Gusto mo bang bumisita sa bahay? Gusto ka makita ni Dad eh." Sabi ko sa kanya.

Ang kulit nga ni Dad eh. Gusto niya daw makita sa personal si Audrina. Puro kasi sa picture lang niya nakikita si Audrina.

"Pwede." Sabi niya ng mahina. Di ako sanay sa kanya. -__- Mas gusto ko pa ata ang Audrina na cold at masungit.

"Sige. Sasabihin ko kay Dad." Sabi ko. Ngumiti naman siya ng matamlay.

*kinabukasan*

"Kuya. Andami naman nating bantay tsaka ayos na ako. Masyado lang ako na-trauma kaya dalawang araw wala akong kinausap " Sabi niya mahina. Ngumiti na lang ako.

Di pa ngayon maiintindihan ni Audrina pero darating din ang panahon na yun. Kung bakit madaming nagbabantay sa kanya.

Pagkarating namin doon. Biglang lumaki ang mata niya. "Akala ko ba bahay. Eh mukhang mansion sa laki." Sabi ni Audrina. Ngumiti ulit ako. Speechless ehh.

"Young Master. Sino po ang kasama niyo? Papapasukin ko po ba?" Sabi ng mga men in blue at mga maids pagkatapos mag bow sa akin. Bigla naman kununot noo ko. Gagantuhin ba nila ang kanilang boss? Heir si Audrina at ginagalang. Hinawakan pa talaga sa magkabilang braso.

Hinila ko si Audrina sa mga Mafia Reapers. "She's the Heir!" Sabi ko ng seryoso.

Pinakita ko naman sa kanila ang picture ni Audrina. Tsk. Bakit kasi 50 lang na mafia reapers nakakakilala kay Audrina? Dapat lahat eh! Para maprotektahan maigi.

"Sorry. Nakasalamin po kasi siya sa picture. Good day Young Lady." Sabi nila at sabay-sabay na nag bow.

"Nandyan si Dad?" Tanong ko sa kanila.

"Yes. In the study room." Sabi ng isa naming butler. Dumiretso na agad kami doon. Naiinis kasi ako sa baba.

"Audrina ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. Bigla kasi siyang namutla.

"A-ah? O-oo ayos lang ako. May naalala lang ako dati." Sabi niya. Ngumiti lang ako tsaka inakbayan siya. May naalala siya sa nakaraan. Pero di pa niya naalala yung nangyari sa kanya kung bakit siya na-Amnesia.

"Tara na. Hinihintay ka na ni Dad." Sabi ko. Mas lalo siyang namutla kaya natawa ako.

"Hey! Di masungit si Dad at di siya nangangain ng buhay." Sabi ko sa kanya.

"Ayy! Kain muna pala tayo." Sabi ko at hinila siya sa dining table. Nagpahanda ako ng pagkain pero puro gulay.

Noong nagserve ang mga maids ng pagkain. May nakita akong adobo kaya nagsuka si Audrina.

"Hay. Sabi ko diba puro gulay lang ihain niyo?!" Sigaw ko sa mga maids. Nakakainis ang araw na ito ah!

"Ano ka ba Kuya. Ayos lang ako. Kakayanin ko." Sabi niya. Hayy, naawa tuloy ako kay Audrina. Bakit ba kasi ginaganito nila si Audrina? Wala siyang kasalanan.

Pagkatapos namin kumain. Dumiretso kami sa study room.

Kumatok na ako. Tapos pumasok kami sa loob.

"Dad. Nandito na si Audrina. As you wish." Sabi ko kay Dad na busy sa harap ng laptop.

"Oh?" Sabi ni Dad. Nanginig naman ang kamay ni Audrina.

"Dad naman eh!" Sigaw ko. Tsk, kahit kailan talaga. Naku! Tatay ko ba ito?

"Hayy. Busy ako... teka, Si Audrina ba yan? Waaaah! Audrina ang laki mo na tsaka kamukha mo talaga ang mama mo." Sabi ni Papa at niyakap si Audrina.

Napapoker-face ako. Bakit ba paiba-iba ugali ng tatay ko? Minsan seryoso. Minsan makulit. Hayy, buhay.

"D-daddy?" Sabi ni Audrina.

"Oo ako nga. Anak." Sabi ni Dad ng seryoso. Hinayaan ko muna na mag-moment sila.

Pagkatapos nilang magkamustahan. Nagkwentuhan naman sila.

"Dad. Pwede patingin ng picture ni Mommy?" Sabi ni Audrina. Bigla naman nanlaki ang mata ko. Nagtanong kasi siya. Although, paminsan minsan lang nilang topic si Mama.

"A-ah sure. It oh." Sabi ni Dad at inabot ang picture.

Noong nahawakan na niya ang picture, bigla naman napaluha si Audrina at nanginig. Napahawak na rin siya sa ulo niya. "Ahhhhhh!" Sigaw niya.

Natakot naman ako kasi ang lakas ng sigaw niya. Parang nung nangyari sa kanya noong una naming pagkikita. Si Dad nataranta din.

"Noooooooo!" Sigaw niya ulit at humagulgol na sa iyak. Di alam ni Dad ang gagawin niya kaya niyakap niya si Audrina.

"Little Princess. Anong nagyayari sa iyo?" Sabi ko.

"Audrina! Calm down!" Sabi ni Dad. Natataranta talaga kami. May mga pumasok na rin dito na maids, buttler at mafia reapers.

Biglang tumakbo palabas si Audrina. Pinahabol namin siya sa Mafia Reapers pero shit! Ang bilis niyang tumakbo.

"Audrina..... Ano bang nangyayari sa iyo?" Sabi ko at napaupo. Sana okay lang siya.

-----

Hi. Sensya sa slow update! :) Tatry ko mag-update ng madalas :)

Revenge of the Missing Mafia HeirWhere stories live. Discover now