Chapter Five

4.7K 164 4
                                    

Chapter Five
 
  
 
[Audrina]
 
 
   
1 week na akong may kaibigan at hindi tutol si Mama at Papa. 1 week na rin akong hindi binubully ni Melissa. Nakakapagtaka dahil parang takot siya sa akin pero sa wakas naging masaya ako. Parang nagkaroon ako ng katahimikan. Sana ganito na lang palagi.
 
 

 
Naging maayos naman ang buong araw ko sa school at heto ako naglalakad pauwi. Pero hindi ako mapakali, feeling ko may sumusunod sa akin hindi lang isa parang madami sila. Aisshhh. Tumigil muna ako sa park tsaka ako umupo sa bench malapit sa puno na super laki.
 
 
"Napatay na po namin sila. They won't ruin again our Mafia." Sabi ng isang boses babae. Bigla naman tumaas ang balahibo ko dahil sa boses niya. Mafia? Ano iyon?
   
 
"Good. Be sure na hindi na ulit sila makakapatay ng mafia members natin." Nakatalikod ang lalaki kaya di ko mamukhaan.
 

Parang kilala ko ang boses noong nagsalita. Kaboses niya si Britt pero mas nakakatakot ang boses nito. Teka, bakit ba ako nakikinig? Makauwi na nga.

 
 
Sumilip naman ako. Sht! Nakatayo si Britt habang may hawak na kunai. Mamamatay tao sila?!
 
 
"Nakita rin namin ang Blue Shi Mafia. May binabantayan silang BABAE." Sabi naman ng boses lalaki.
 
 
Ahhh! Ayoko na. Baka mamaya makita nila ako, mahirap na. Baka bad persons pala sila.
 
 
"May nakikinig sa atin. Nararamdaman ko. Tignan niyo dali!" Sigaw noong paeang boss nila. At bigla itong humarap, si Britt nga! At mukhang mahuhuli na ako. Anong gagawin ko?! Aakyat na lang ako sa puno.
 
 
Nakita ko sila na naghahanap. Para silang ewan na umiikot eh nasa taas lang ng puno ang hinahanap nila.
 
 
"Master. Wala pong tao dito. Tayo lang po" Sabi ng tauhan niya. Woah! Buti di ako nakita.
 
 
"We need to go." Sabi naman ni Britt. Mabuti pa nga para makaalis na rin ako sa puno.
 
 
Pagkaalis nila, syempre umalis na rin ako. Alangan naman magstay ako dun?
 
 
Medyo madalim na. Hay nako, ayab dapat kasi hindi na ako tumigil sa park. Tsaka feeling ko pa may sumusunod na naman sa akin.
 

Noong hindi ako nakatiis tumalikod ako. "Sino kayo?!" Sigaw ko.
 
 
"Hahahaha! Ang galing mo naman." Sabi ng lalaking nakared.
 

Ako magaling? Syempre wala akong sakit. Ay hindi pala ito ang magandang time para magjoke.
 
 
"Anong kailangan niyo?" As usual cold na naman ang boses ko.
 
 
"Ikaw, ikaw ang kailangan namin. Ang nawawalang heir." Heir? Nakadrugs siguro mga 'to. Kunga anu-ano ang sinasabi.
 
 
"Adik ba kayo? Anong pinagsasabi niyo? Ako nawawalang heir? Eh simpleng nerd nga lang ako." Sabi ko. 
 
 
Mukhang nabadtrip ata sa sinabi ko at sinuntok ako ng isang lalaki sa tiyan. Medyo masakit yun ah! Atsaka wala naman akong ginagawa ahh. Nag-uumpisa na akong magalit.
 
 
"Makasuntok kayo parang may ginawa akong masama sa inyo ahh. Tangina ah! Kilala ko ba kayo?" Pasigaw na sabinkonat sinuntok ko rin siya sa tiyan pero mas malakas.
 
 
Ayaw na ayaw ko pa naman yung ginagalit ako. Nag-iiba kasi ugali ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko pero ayaw eh.
 
 
"Lakas magmura ah. Pinapabilib mo kami babae." Sabi noong lalaki. Arghh! Kainis lang! Sino ba sila? Alam kong wala akong atraso sa kahit sino.
 
 
Naglabas ng baril yung isa. Sht! Are they going to kill me? Buti sana kung kaya nila. I am trained and isa pa, i got dreams.
 
 
Nagpaputok naman yung isa at balak patamaan ako sa binti pero buti na mabilis akong kumilos at nailagan ko ang bala. Ayoko man makipaglaban, no choice na ako kaya nilabas ko na yung baril ko. 
 
 
May sumuntok sa akin sa tiyan at mukha. Ang sakit nun ah. Dumugo naman ilong ko. May biglang sumampal sa akin. Sa sobrang lakas nalasahan ko yung dugo sa bunganga ko. Namamanhid din ang pisngi ko.
 
 
"Oh ano tapos na kayo? Ako naman." sabi ko at tumayo na ako. Ngumiti ako ng pang demonyo. "You want to see the Demon? Then ipapakita ko." Sabi ko.
 
 
May susuntok na sana sa akin pero inikot ko yung kamay niya hanggang sa mapasigaw siya. Tsaka ko siya sinuntok ng malakas sa tiyan at tinapakan ko siya. 1 down, 14 more.
 
 
"Magaling napatulog mo na ang isa." Sabi noong may hawak na baril. Syempre ako pa!
 
 
May lumapit naman sa akin na may hawak na kutsilyo at yung isa kunai. Sht! Nasaan ko ba nilagay yung baril ko?
 
 
"Ahh!" Nadaplisan ako sa mukha ng kunai. Ang sakit ahh. Sinipa ko naman siya sa may part na 'where it hurts the most' Tsaka ko inagaw ang kunai at sinaksak ko ito sa tiyan niya.
 

 
May dalawang tao naman ang lumapit sa akin. Parehas silang may hawak ng baril. Nasaan na ba ang baril ko?! Nagpaputok yung isa kaya iniwasan ko. Yung isa naman pinaputukan ako, bago pa man ako umiwas tumama na ang bala sa braso ko. Shit lang! Pag nahanap ko yung baril ko. Mapapatay ko sila lahat.
 
 
"I swear that I will kill you all. Assholes!" Sigaw ko. Pinuntahan ko naman yung bag ko at nakita ko kaagad ang baril ko. "There you are baby." I said to myself. Ngumiti din ako ng pang demonyo.
 
 
Agad din naman nila nilabas ang mga baril nila. Aisshhh, Mas mabilis ako sa kanila pag may baril ako.
 

Kinasa ko na ang baril ko and binaril ko ang pinakapangit na red man. Kumikirot ang braso ko dahil sa tama pero hindi ko ininda. May paparating naman na bala sa akin pero dahil sa mabilis ako dumapa ako at inunaham ko na siyang bumaril.
 
 
"Mas mabilis ako sa inyo. Iba akong magalit dahil baka matalo kayo ay hindi baka MAMATAY kayo." Sabi ko sa kanila. Tumawa naman ang leader nila. Paano ko nalaman? Nakalagay sa t-shirt niya.
 
 
"Hindi mo matatalo ang Mafia namin." Sabi niya at ngumisi.
 
 
"Mafia Huh?" Sabi ko at binaril ko siya sa may bandang tiyan. Nagpatuloy lang ang barilan hanggang sa napatumba ko na silang lahatm
 
 
Kumalma naman ako pagkatapos. Tinignan ko naman sarili ko. Madaming dugo. Tinignan ko lahat ng nakahiga tsaka bigla akong umiyak.
 
 
May mga buhay pa sa kanila pero may mga napatay akom I killed a person! Anong magagawa ko, self defense lang naman iyon diba? My guiltnis killing me All this year, kahit nagte-train ako hindi pa ako nakakapatay. Ngayon palang ang masaklap pa ay 5 ang napatay ko.
 
 
Akmang tatayo na ako pero may sumigaw. "Noooo!" S
 
 
Hinanap ko kung nasaan ang boses pero wala. Tumalikod ako pero saktong may bumaril sa tagiliran ko. Bigla akong napahiga. Di ko alam pero nag blurred na paningin ko. May narinig pa akong boses.
 
 
"Kumapit ka lang." Sabay buhat ng lalaki sa akin.

Revenge of the Missing Mafia HeirWhere stories live. Discover now