Chapter Twenty Eight

1.8K 66 12
                                    

Chapter Twenty Eight
 
 

[Andrei]
 
 
Masaya sa feeling na after ilang taon ay nakita mo na ang totoo mong ina. Parang may parte sa buhay mo ang nabuo. Akala ko hindi ko na siya makikita pa pero heto siya at kayakap ko.
 
 

"I missed you so much anak." Sabi ni Mom at hinalikan ako sa noo.
 
 
 

"Mom, namiss din kita." Sabi ko at nginitian siya sa ng tipid.
 
 

Tinignan ko siya maigi. Tanging mata niya lang ang namana ko sa kanya at ang iba ay kay Daddy na. Tinignan ko ang kasuotan niya at nagtaka ako kung bakit siya naka purple na damit.
 
 

"Mom Why are you wearing a violet gown?" Tanong ko sa kanya. Ayaw man tanggapin ng isip ko ngunit may nagsasabi sa akin na kasama siya sa bagong Mafia Group.
   
 
 
"Anak, I'm the Leader of Lilac L Mafia." Sabi niya. Medyo nagulat ako pero hindi ko ipinahalata.
 
 
 

"Mom, why?" Tanong ko. Gusto kong malaman ang rason niya kung bakit siya gumawa ng sarili niyang Group.
 
 

"Do you love me Andrei?" Tanong sa akin ni Mom.
 
 

Anong klaseng tanong yan? Of course mahal ko siya! Wala namang anak na hindi niya mahal ang magulang.
 
 

"Of course Mom." Sabi ko na lang.
 

 

"Kung mahal mo ako, maiintindihan mo kung bakit." Sabi niya sa akin at ngumisi.
 
 
Hindi ko siya maintindihan. Ano ang ibig niyang sabihin? Tinitigan ko siya. Hindi ko alam pero nag iba ang kanyang anyo. Napakadelikado ang paraan niyang ngumiti at ang kanyang mata ay para bang sinasabi na matakot ka sa akin.

   
"Hindi ko maintindihan." Sabi ko at umiling.
 
 

"I want you to help me Andrei. Kukunin kita. Magsama tayo. Babawi tayo sa kanila." Sabi niya. Even her voice became fierce and dangerous. Kinabahan ako pero hindi ko ipinahalata.
 
 

"Try to explain it." Simpleng sagot ko ngunit sa loob-loob ko ay aligaga na ako. Alam kong may Mali at ramdam ko iyon.
 
 

"Kailangan kong maipaghiganti ang ating pamilya laban sa mga Shi." Sabi niya.
 
 

Bigla akong nanigas at nanlamig. Siya ba? Siya ba ang rason kung bakit namatay ang stepmother ko at si Dad? Kung bakit muntik ng mamatay si Audrina?
 
 

No! Hindi pwede. Ayaw kong isipin na kaya niya iyong gawin. She's my mother. Paano niyang magagawa iyon? Hindi. Hindi niya magagawa iyon.
 
 

"Kinuha nila ang dapat sa atin. Pinatay nila si Dad at si Mom. Ngayon ako, si Loucel Lucia ang tatapos sa sa Shi. All I need to do is patayin ang nag-iisang Mafia Heir na si Audrina. Don't worry anak, hindi ka madadamay kung hindi ka makikialam." Sabi niya at tumawa ng malakas.

 
Naikuyom ko ang palad ko. How could she do that? Minahal niya si Dad pero nagawa niyang patayin? No! She can't kill my sister, my little princess. Mahal ko siya at nangako ako na gagawin ko ang lahat just to protect her.
 
 

"Anak, sumama ka na at maghiganti tayong dalawa." Sabi ni Mom.
 
 

Hindi ako umimik. Nagagalit ako. Nagdidilim ang paningin ko. Lahat ng sakit na nararamdaman ko mula pagkabata ay bumalik. Sakit na dulot ng pagkamatay ng taong mga mahal ko.
 
 

Mahal ko si Mom, oo pero sa mga pinag-gagawa niya? Ay parang mas nangibabaw ang galit ko kaysa sa pagmamahal. Hindi na niya alam ang ginagawa niya. Fck! She's insane. Ang gusto niya na lang ngayon ay bumawi. Nilalamon niya sa ng galit. Gagawin niya ang lahat para bumawi.
 

 
Gusto kong umiyak pero hinding-hindi ko gagawin iyon. Gusto kong magalit pero hindi ko rin kaya. Kinalma ko ang sarili ko. Gagawa ako ng paraan para matigil na ito. I want to know the truth. I want to stop my Mom before na may mangyari pang masama.
 
 

"Mom, can you what happened years ago? Kung paano nag simula ang galit niyo sa mga Shi." Tanong ko.
 
 
'Tch. Isa rin pala akong Shi.' Nasabi ko sa isip ko.
 
 

"Long long years ago, magkaibigan ang Shi at Lucia. Until they fell in love with a girl named Andy. Nagpalaya si Dom Lucia dahil alam niyang mas sasaya pa si Andy kay Nicolas Shi. Sa panahon na iyon ay sinusubok sila ng hukom ng Mafia kung sino ang magiging Heir sa kanila. Mas magaling noon si Dom Lucia pero dahil sa kanyang ilegal na gawain ay mas pinili nila si Nicolas Shi. He was the first Heir. Nagalit noon si Dom dahil nasa kanya na nga si Andy tapos mapupunta pa sa kanya ang pagiging Mafia Heir." Sabi niya at nag-isip ng malalim.
 
 

"Hindi ito matanggap ni Dom kaya lumayo siya. Gumawa ng ilegal na gawain at naki-pagtransaksiyon siya sa mga ibang Mafia group at nagbenta ng droga at kung anu-ano pa. Nalaman ito ni Nicolas at nagalit kay Dom dahil iba na ang nangyayari sa Mafia World." Sabi niya at bumuntong hininga.
 
 

"Handa na sana siyang magbago pero pinatay siya. Nahatulan siya ng kamatayan. At doon nagalit ang mga Lucia at nangako silang papatayin nila ang Heir. Nanganak ng babae si Andy noon at siya 2nd descendant Heir nagkaroon ito ng asawa ngunit Shi pa rin ang dapat na gamitin. Mas ramdam ng Shi ang kapangyarihan nila at dahil doon mas nagalit ang mga Lucia. At doon na nagsimula ang pagpatay sa mga Heir." Sabi niya.
 
 

"But this time, nabago lahat. My Mom and my Dad died after sugurin ng mga Shi ang bahay namin dahil sa ilegal na transaksiyon droga. Sobrang nasaktan ako. Ako na lang natitirang Shi kaya nagplano na akong maghiganti. Papatayin ko lahat ng Shi!" Sabay tawa niya.
 
 
Magsasalita na sana ako pero nakarinig ako ng putok ng baril. Tumakbo ako sa Hall at nagulat sa nakita ko.
 
 

"No!" Sigaw ko pero tuloy lamang siya sa pagbaril.
 
 
Hindi sila kalaban Audrina. Hindi ang Red Dragon Mafia. Kundi ang mga Lucia. Ang Lilac Mafia......
 
 
---
 
A/N: Geh, vote lang. Hahaha! Sinipag mag update. Enjoy reading!

Revenge of the Missing Mafia HeirWhere stories live. Discover now