Chapter 12 : El Paraiso

Start from the beginning
                                    

Matapos nitong maabot ang rurok na iyon ay nanatili lamang kami sa posisyong yakap yakap ang isa't isa. Mabibigat na paghinga lang naming dalawa ang naririnig, maging ang malakas na tugtog na rin na nanggagaling sa labas.

Humiwalay ako dito ng bahagya para makita ito. Nakadikit ang ilang strands ng buhok ni Lyvhie sa maganda niyang mukha dahil sa pawis. Namumungay na rin ang mga mata niya sa pagod. Tila pa'y inaantok na rin talaga.

Sinabihan ko itong mag-ayos na ng sarili para makauwi na kami. Nagpaalam muna ako sa ilang opisyales at kakilala ko bago na nga kami tuluyang umuwi para makapagpahinga.

——

"Are you mad?" parang tangang tanong ko habang sinusundan ito sa lahat ng pinupuntahan niya. Halata naman kasing iniiwasan ako nito dahil tuwing lalapit ako sakanya, pumupunta siya sa ibang parte ng bahay.

"Isn't it obvious?" napamaang naman ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Ginagaya niya ba ang sinambit ko kagabi?

Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya at hinalikan ang bawat likod ng mga iyon. Hinalikan ko din ang mga kilay niya at napangiti nalang rin ako ng makitang magkahiwalay na iyon matapos kong hangkan. Nakatingin naman ito sa gilid at tila pa may ngiting sinusupil sa mga labi. She's so fucking adorable!

"I'm sorry okay? I was just uhh... I dont know. Basta. Ayokong may lumalapit sayong iba okay? Ayos lang naman sana kung doon sa matino pero––"

"Matino naman si Froy ah" ako naman ngayon ang nagsalubong ang mga kilay. Aba't pinagtatanggol niya pa talaga ang lalaking yun.

"Matino na kung matino but I don't trust him. You're mine–––"

"Excuse me? Mark owns me"

What the fuck?

"Really? But I did own you a several times now" may ngisi sa labing balik ko naman dito dahilan para matikom siya't pamulahan pa ng mukha. Muli siyang tumingin sa kabilang direksyon para iwasan ang pagtitig ko. She's so cute. I want her to scream my name over and over again––ops kidding~

"Tse! Umalis ka na nga lang dito!" inis naman nitong hinampas ang braso ko. Tumawa lang naman ako tsaka siya hinila para sa isang yakap. I love her warmth so damn much~

......


"Uwi na tayo bukas. San mo gustong pumunta ngayon?" napalingon naman ito sa akin matapos kong magtanong.

"Ikaw bahala. Di ko naman kabisado tong lugar niyo eh" simpleng sagot niya lang tsaka na muling nagbaling sa phone niya. Sa totoo nyan kanina pa ako naiinis sa kakadutdot niya riyan.

"U-uy! Andy akin na nga yan!" inis nitong sigaw ng hablutin ko sa kamay niya ang phone nito. Ganun nalang ang pagsasalubong muli ng kilay ko ng makitang si Mark pala ang pinagkakaabalahan niya.

Inoff ko agad ng phone niya at inilagay sa backpocket ng jeans ko. Matalim na tingin ang ipinikol ko dito. Para naman itong maamong tupang napapalunok pa sa harap ko.

"Focus on me. Fix yourself dahil may pupuntahan tayo" yun lang tsaka ko na siya iniwang nakatanga roon. Lumabas ako ng mansyon tsaka nagtungo sa sasakyan ko. Pabalang akong pumasok sa loob at malakas ring isinarado ang pinto. Hindi ko maintindihan kung bakit ba ako nakakaramdam ng inis ngayon.

Pero kasi she's with me pero nasa iba naman ang atensyon niya. Nakakainis lang talaga.

Maya maya pa'y lumabas na rin  ito ng mansyon tsaka pumasok sa sasakyan ko. Tila naman itong naiilang na nagkabit ng seatbelt sa shutgun seat sa tabi ko.

Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now