Chapter 29 " One Last Moment"

Start from the beginning
                                    

I took a deep breathe for me not to lose my temper.

" Akala ko kilala mo na ako ,  ganyan kababa tingin mo saken ? Let's go back 3yrs ago ,  ayy mali the moment na pinuntahan ako ni Aero sa Japan then we broke up ,  how many times did he attempt to win me back ? Maraming beses ,  at sa daming beses na gusto nyang magkaayos kami ,  maraming beses ko na din syang gustong bigyan ng chance na mahalin uli pero hindi kasi iniisip kita. So kung iniisip mong aagawin ko sya sayo ? I guess ,  sa sarili mo na lang yan. Kung gusto ko syang bawiin sayo , matagal na but no. Edukada akong tao ,  kaya expect na di ako manggugulo but di ko papalampasin kung ikaw ang manggugulo saken "  sabi ko sa kanya.

Di ko na sya pinatapos magsalita then umalis na ako. Pagdating ko sa office ,  kinailangan ko nang tapusin yung mga revisions ko para walang tambak pagbalik ko.
Nung okay na ako ,  binilin ko lahat kay Aya. Dumating na din si Arielle para sabay - sabay na kaming umalis.

" Hey ,  ready ? "  tanong nya saken.

" Hmm "  binigyan ko sya ng pilit na ngiti.

" Hey ? Okay ka lang ? "  hinaplos nya ako kung may sakit ako.

" O ~ okay lang ako. Ahm ? Alis na ba tyo ? "  tanong ko sa kanya.

" Oo pero sure kang okay ka lang ?"  tanong uli ni Arielle saken.

Sumagot na lang ako ng oo. Then nakita ko na dumating si Aero kasama si Jessie. Magkahawak - kamay sila. Pilit kong iniwas ang tingin ko sa kanila.

" Hal ,  kumpleto na yung dala mo ? " dinig kong tanong ni Jessie.

" Yeah ,  tatawag ako kapag nandun na ako. Take care of Aeri "  then napansin ko na hinalikan nya si Jessie.

P*kshet ka Yuri ! Anong ginagawa mo !

I fixed myself. Ayokong makaapekto to' sa mood ng team. Nagkatabi kami ni Aero pero wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Last time , ihiniga nya pa ako sa balikat nya.

He doesn't seem to care anymore ..

Ano ba tong nararamdaman ko ? Dapat okay ako. Napabuntong - hininga na lang ako. Isasandal ko sana yung ulo ko sa bintana but I was surprise nung ikumot nya saken yung jacket nya.

" Mahaba - haba yung byahe " sabi nya saken ng di man lang nakatitig.

Mga ilang sandali pa ,  nakarating na kami sa destinasyon namin. This place is from South. Medyo madilim na kasi 7pm nung dumating na kami.

" Ready naman na yung hotel natin ,  so diretso na tyo dun para makapagdinner "  sabi ni Arielle.

No choice na kami. Kumuha kami ng Grab and it is a six seater. Still , magkatabi na naman kami ni Aero. Feeling ko sinasadya na to ni Arielle ehh !
Hinayaan ko na lang. Papasok na sana ako but biglang kinuha ni Aero yung maleta ko.

" Hey "  matipid kong sabi.

" Sakay na , mabigat to "  cold ng pagkakasabi nya.

Di na ako nakipagtalo. Same scenario ,  wala na naman ang nagsasalita sa amin. Buti na lang mabilis lang ang byahe.
Inalalayan ako ni Aero na makababa. Nagkahawak kami ng kamay. Ewan ko ba pero the moment na magkahawak kamay kami ,  parang ang bagal ng oras. Then inalis din naman agad ito.

To Be With You [One Snob Part2] CompletedWhere stories live. Discover now