Veinticuatro

80 7 0
                                    

I could hardly believe my luck. I went through the motions of filling my plate but my mind was busy. Lumilipad ang tingin ko sa kabilang lamesa kung nasaan nakaupo si Craig at ang kanyang mga pinsan, kasama ang kanilang mga magulang.

Humahanap ako ng paraan para makalapit sa kanila. Gusto kong marinig ang kung ano mang pinag uusapan ni Craig at ni Zendy, lalo na't maya maya ay sumusulyap sila sa banda ko.

They were talking very serious and that keeps on bothering me. Hindi tuloy ako mapakali sa aking upuan at pakiramdam ko ay pinag papawisan ako ng malamig kahit na wala naman silang ginagawa bukod sa pagiging seryoso sa pag uusap.

Kinuha ko ang cellphone sa pouch at mabilis na nagtipa ng mensahe. Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay nasabi ko naman ang gusto kong iparating.

Binalik ko ang tingin sa plato ko nang narinig ang pagtikhim ni Laxx sa tabi ko. I sighed and glanced at him. I smiled a little.

"What's wrong ?" he whispered.

Umiling ako. "Wala."

Tumunog ang cellphone ko. I was so tempted to take it out and read it but I didn't want to arouse Laxx's curiosity.

"P-parang naiwan ko yata ang bag ko sa kotse mo, Laxx. K-kukunin ko muna."

Tumayo ako ngunit nahawakan niya ako agad sa palapulsuhan kaya napabalik ako sa pagkakaupo.

"Kung inaalala mo ang wallet mo, you dont have to. Ako na ang magbabayad."

Napasinghap ako. I expected that. Pero kailangan ko lang basahin ang text ni Craig. May paraan ba para maka labas ako kahit sandali? Bakit ganyan siya makatingin?

My hands are shaking and fear had dried up my throat. Inisang lagok ko ang juice sa baso ko pagkatapos ay sumulyap sa banda nila Craig.

Madilim ang mga matang nakatitig siya sa akin. Eyes that were as cold as sharpened steel was darted directly to me. Umiling ako at nag iwas ng tingin.

"K-kung ganoon, mag babanyo na lang muna ako." sabi ko.

"Gusto mo bang samahan kita?" seryoso niyang tanong habang nakatitig sa kanyang pagkain.

Nang mapagtanto ko ang gusto niyang magyari parang ginusto ko na lang na huwag nang umalis. You dont have to be so damn dense para hindi maintindihan na may alam na siya sa mga nangyayari. Waves of shock, terror and nausea swept over me.

"Make it fast," aniya kaya mabilis akong tumayo para magpunta sa banyo.

Kung sakaling... sakali mang malaman nga niya ang tungkol sa amin ng kaibigan niya, handa akong tanggapin ang lahat ng conséquences. I am willing to take all the hurtful words and hatred. I deserved it, anyway. I betrayed him. Ah no... I betrayed them all.

Napapikit ako ng mariin pagkatapos ay huminga ng malalim, umaasa na maiibsan kahit konti ang nararamdamang bigat sa dibdib.

Pagkapasok, mabilis kong binasa ang mensahe. Tutok ako sa pagbabasa nang narinig ko ang pag pasok ng kung sino sa banyo kaya hindi ko na pinansin.

Unknown number: Can we talk?

Huh? Ito lang? Kinabahan ako para dito? Tsaka isa pa, hindi kami pwedeng mag usap ngayon dito. Not that all of them are here!

"You really are a brave one, Laneya."

Kamuntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Zendy sa likod ko. Shit! Kanina pa ba siya nand'yan?

Lumapit siya sa sink at naghugas ng kamay. Lumayo ako nang bahagya para mabigyan siya ng espasyo.

"Kaya mo pa ba?" nakatingin na siya ngayon sa akin sa salamin.

All Falls DownDonde viven las historias. Descúbrelo ahora