Nueve

58 5 6
                                    

Sa kusina ako dumaan habang malalaki ang hakbang na nag-lakad patungo sa banyo. My hands are trembling, I shut the door behind me and slid the lock into place, leaning against the hard wood as I closed my eyes.

I knew that he was tempted to kiss me--for reasons neither of us seemed to understand.

Sympathy, maybe. Or pity. Or because he's in rage!

Bakit? Hindi ko maintindihan! Bakit niya kailangang sabihin ang mga iyon? Anong ibig niyang sabihin sa lahat ng sinabi niya? At bakit ba siya galit Bakit... hahalikan niya ba 'ko? Napahilamos ako sa aking mukha.

Whatever his reasons are, I was convinced I'd consider it. Mas nagulat ako sa sarili ko. I was even more convinced that I'd let him kiss me!

Oh my god!

Napahilamos ulit ako sa aking mukha. Napatingin ako sa salamin at sinuring mabuti ang mukha ko. Hindi na ako nagulat nang nakitang namumula ang buong mukha ko.

Does he want me to cheat with him?

Bagsak ang balikat na tumungo ako at naghilamos. I shouldnt let myself get carried away. Sige, ipagpalagay na lang natin na may gusto nga siya sa akin. But I didn't want kisses motivated by pity. Isa pa may boyfriend na ako! At hindi niya pwedeng irason sa akin na sikreto lang ako kaya dapat niya na akong insultuhin.

Napabuntong hininga ako at lumabas ng banyo.

Sinabi ni Fe pinapatawag raw ako ni Seniora kaya pupunta ako sa sala, pero nakakailang hakbang pa lang ako nang harangin ako ni Mama at hilain sa tabi.

"Saan ka ba nanggaling? Hindi ka ba sinabihan ni Fe na pinapatawag ka ni Seniora?" tanong niya.

"Ho? E, sinabihan niya 'ko, kaya nga pupunta na ako doon ngayon." paliwanag ko. Lalampasan ko na sana siya kung hindi niya lang ako hinila pabalik.

"H'wag na. Binilin na sa akin na sasabay ka na lang daw sa hapunan nila."

"Po?!" Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong kinabahan.

"Bakit daw?"

"Aba malay ko. Ano bang bago, e, dati naman sumasabay ka sa kanila."

"Iba ngayon, Ma! May b-bisita sila. Tapos ganito pa ang ayos ko." pag-rarason ko.

Kinabahan ako nang maalala ang nangyari kanina sa shooting range. Baka dahil doon? Pero, kung iyon nga ang dahilan, hindi ba dapat kausapin na lang nila ako nang pribado? Iyong walang nakakakita.

Tinulak niya ko ng mahina dahilan kung bakit nabalik ako sa huwisyo.

"Sige na, ayusin mo muna yang sarili mo. Maligo ka. Suotin mo 'yong pinakamaganda mong damit." Tinulak tulak niya ako hanggang makalabas ako ng pinto ng kusina.

"Ma, naman eh!" inis na tinalikuran ko siya at nagtungo sa maids quarter para maligo. Wala naman akong magagawa kung si Seniora na mismo ang nag-utos na sumabay ako sa kanila.

To be honest, mabait naman talaga si Seniora Aurora. Wala siyang ginawa sa amin na hindi namin ikinasama nang loob bilang mga kasambahay nila. Ang totoo magaan ang pakikitungo niya sa akin. She once told me that I somehow remind her of her deceased daughter. Veronica Trevisano. Though she never mentioned anything about her death. And I respect that.

Sila ring mag-asawa ang nag-papaaral sa akin. Kaya kahit anuman ang hilingin nila sa akin ay malugod kung susundin.
Kaya naman ganoon na lang ang takot ko na malaman nila na may relasyon kami ng anak nila. Ayokong masira ang tiwalang binigay nila sa akin. Ganoon pa man sumugal ako, sumugal ako dahil mas sinunod ko ang sinasabi ng puso ko.

All Falls DownWhere stories live. Discover now