Diez

49 5 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Para akong nakalutang sa ere habang prinoproseso ang lahat ng sinabi ni Seniora Aurora sa akin. Pagkatapos ng mahabang usapan sa hapag ay umalis na ang mag-asawa para makapagpahinga. I excused myself as the couple made their way upstairs.

Kailangan kong makausap ngayon si Mama tungkol sa inoffer sa akin ni Seniora. Kailangan kong malaman kaagad ang desisyon niya tungkol sa pagpunta ko sa ibang bansa para mag-aral.

Excited akong tinungo ang kusina. Hindi ko na yata 'to kayang paabutin ng bukas.

Hindi ko alam na nasundan pala ako ni Laxx. Hinigit niya ako sa braso at pinasok sa isang maliit na kwarto. Pagkabukas niya ng ilaw ay saka ko palang nalaman na nasa utility room pala kami.

"Talaga, Laxx? Dito pa talaga?" reklamo ko.

"Sorry. Wala kang nabanggit sa akin tungkol sa pagging valedictorian mo." nakataas ang kilay niya habang iniinterogate ako.

I rolled my eyes at him.

"Sorry, nakalimutan ko."

"Do you even know where that country is?" tanong niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Oo nga pala! Bakit ko nakalimutang itanong 'yon. Masyado kasi akong na-excite. Nasapo ko ang aking noo. Bago ko pa man matanong sa kanya kung saang bansa ang tinutukoy ng kanyang ina ay sinunggaban niya na ako ng halik. Tinugon ko iyon pero ilang segundo lang ay tinulak ko siya para matanong kung saan nga ba iyon.

"France, babe. Paris, France..." nanlaki ang mga mata ko at niyakap siya ng mahigpit.

Tumawa siya at gumanti ng yakap.

"I'm so happy for you, babe. I knew you can make it to the top. You never failed to surprise me." he chuckled and whispered in my ear.

Kinabukasan umuwi ako sa amin dahil hindi ko na nakausap si Mama tungkol doon. Hindi naman kasi sila dito natutulog sa hacienda, pagkatapos ng paggawa sa hacienda ay umuuwi na rin sila. Ako lang ang nag-papaiwan.

"Ikaw, kung gusto mo. Hindi ka naman namin na kayang pag-aralin dahil hindi sapat ang kinikita namin ng papa mo doon sa hacienda." malumanay niyang sabi.

Nakaramdam ako ng lungkot sa pinagdadaanan namin ngayon, pero tinatagan ko ang sarili ko. Pinapangako ko, pagbubutihin ko pa lalo ang pag-aaral ko para pag-uwi ko dito mabigay ko naman sa kanila ang buhay na deserve nila.

"Ang iniisip ko lang po kasi ay kayo ni papa. Kayo lang maiiwan dito."

"Wag mo na nga kaming intindihin. Unahin mo muna ang sarili mo, pag-nakapagtrabaho ka na, 'tsaka mo na kami asikasuhin."

I felt motivated that day. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik dahil sa pag-payag nila Mama sa pagpunta ko sa Paris. Kahit na ilang buwan pa naman ang hihintayin ko para maka-alis.

Na-ngabayo ulit ako sa araw na iyon. Only this time ako lang, umalis kasi si Laxx dahil may importante daw siyang aasikasuhin sa bayan. Hindi ko naman tinanong kung ano 'yon dahil tinext niya lang naman ako at naubusan na ako ng load.

Nagpahinga ako sa isang kubo malapit sa ilog. Balak kong maligo ngayon at lumangoy. Wala namang nadaan na tao dito dahil nasa liblib na ito ng kakahuyan.

The cold breeze of Azalea sent shivers down to my spine as I was taking off my clothes.

Bago pa ako makalusong sa tubig ay may nahagip ang mga mata ko na gumalaw sa malayo. Akala ko ay isang hayop lang iyon ngunit nang tumayo ito mula sa pagkakaupo ay napagtanto kong si Craig iyon.

My eyes went wide. Hindi natuwa sa presensya niya.

What the hell?! Hanggang dito ba naman?!

Naglakad siya palapit sa akin and I was just standing here almost naked. His dark eyes roam over my body lustfully.

All Falls DownWhere stories live. Discover now