Doce

71 6 1
                                    

Mabilis na lumipas ang mga buwan. Its like a blow came without a warning. An agony of pain shot through my head like a fiery bolt everytime I was with Laxx. Hindi ko alam kung bakit wala pa siyang napapansin sa akin o sa amin ng kaibigan niya pero palagi siyang clueless sa lahat nang nangyayari. At hindi maipaliwanag na sakit ang bumabalatay sa katawan ko kapag nakikita ko ang saya sa mukha niya tuwing magkasama kami.

Palagi rin naman siyang wala. It wasn't the reason kung bakit ako napapalapit kay Craig. Hindi iyon. Hindi ang palagi niyang absence ang dinadahilan ko para mas lalong mahulog kay Craig. Kun'di ang intensidad na nararamdaman ko kahit na tinitingnan pa lang ako ni Craig.

Mali, alam ko. Ngunit lahat ng mga rason ko ay hindi ko na naiisip kapag nariyan siya.

Ito siguro ang dahilan kung bakit marami ang natutukso. Dahil hinahayaan nila ang kanilang mga sarili na anurin ng mga malalakas na intensidad ng nararamdaman para sa taong hindi man nila kilala nang lubusan pero labis nilang kinahuhumalingan. At hindi ako naiiba sa mga taong iyon.

Minsan, nakikita ko sila ni Craig na nag-uusap pero kapag nakikita nila ako na palapit, agad nilang iniiba ang usapan. Its like, from very serious mode to smooth lightly mode. Ipinagsasawalang bahala ko na lamang iyon at hindi na masyadong iniisip. I think they're doing it on purpose.

It's none of my business anyway.

Ngunit iba ang araw na ito sa mga normal na araw.

Nakatayo ako ilang metro sa kanila at hindi ko masyadong naririnig ang pinag-uusapan. Ganoon pa man kita ko ang pag-igting ng panga ni Craig sa bawat salita na lumalabas sa bibig ni Laxx.

I got curious kung bakit ganoon nalang katindi ang pagpipigil ni Craig. He looks like he's going to murder someone. While Laxx is just calmly collected while explaining things to him.

Sinubukan kong lumapit nang konti para marinig sila.

"Wala ba silang ginawa para pigilan ang kung sino mang gumawa noon?" si Craig.

I can sense danger in his voice.

Kumunot ang noo ko. Tungkol saan? Sino bang tinutukoy niya?

Umiling lang si Laxx at tinapik siya balikat. "Wala, Craig. You're father didn't give a damn about the loss and damages. Iyon lang ang nasagap ko. Bakit hindi ka na lang bumalik? Nag-aalala na si Madame Hera--"

Tumunog ang cellphone ko sa bulsa dahilan nang pagkakaputol ng sinasabi ni Laxx. Mabilis akong lumabas sa pinagtataguan at sinagot ang telepono.

"Laneya! Ano? Papunta na kami 'diyan." si Eiji sa telepono.

Napalunok ako. May usapan pala kami na dadaanan nila ako ngayon para pumunta sa Tumagara Falls.

"O-oo. Sige. Uh... Hintayin niyo na lang muna ako sa labas." agad kong pinutol ang tawag dahil nakita kong kanina pa silang dalawa nakatingin sa akin.

"Leah? Babe, kanina ka pa d'yan?" napakamot si Laxx sa kanyang kilay bago nilingon si Craig.

Tumango lang ang huli at tumitig na sa akin. I tried hard to keep a straight face. My head began to ache with the nervous strain of keeping up appearances, struggling hard to not show any kind of worry.

Tumikhim ako at ngumiti, bumaling kay Laxx na ngayon ay nakapulupot na ang braso sa akin. Pumunta siya sa likod ko at niyakap ako.

He kissed me in my forehead and whispered. "How's school?"

"Ayos lang.. I-Ikaw? Kamusta mga lakad mo?" tanong ko.

Pinipilit na hindi mautal sa pagsasalita habang iniiwas ang mga mata sa taong nasa harap.

All Falls DownWhere stories live. Discover now