Uno

157 10 4
                                    

Pagdating ko sa hacienda ay dumiretso ako agad sa kuwadra para ibalik si Guban. Naabutan ko doon si Bart na nagpapakain ng dayami sa mga kabayong naroon.

Napansin niya ang pagadating ko ngunit hindi ko siya pinansin at pinasok na si Guban sa kanyang kulungan.

Tumayo si Bart at sinuri ang kabuuan ko. Napaismid ako nang makita ang mapaglaro niyang titig sa akin. Mang-aasar na naman ang isang ito.

"Laneya? Anong nangyari...sayo?" Litong tanong niya. Umirap ako nang mahimigan sa kanya ang pang-aasar. Hindi ko siya pinanasin at nagpatuloy sa ginagawa.

Mayamaya lang ay bumunghalit na siya ng tawa. I glared at him. He couldn't seem to stop himself from laughing so i gathered all the mud in my arms and throws it at him. Nailagan niya iyon pero hindi niya napaghandaan ang sunod na ibinato ko sa kanya. However, it only landed on his left bare shoulder. I cringed and rolled my eyes at him.

"Huwag mong sabihing nadale ka ng alaga mo?" Muli siyang tumawa. Sa inis ko ay tinulak ko siya sa dibdib.

"Tigilan mo nga ako, Bartoloy!" Sabi ko at dumiretso sa likod ng hacienda kung nasaan ang maids quarter. Narinig kong tinawag niya ako habang tumatawa ngunit hindi ko na siya nilingon.

"Paliguan mo na lang si Guban! Salamat!" Sigaw ko sa kanya.

Si Bartoloy o mas kilala sa pangalang Bart ay kababata ko. Matanda lang sa akin ng isang taon. Mapayat at maiitim..erm. I mean, may pagka moreno...? Katulad ko dito rin sa hacienda nagtatrabaho ang kaniyang mga magulang. Same lang din kami ng pinapasukang University dito sa lugar namin. Alaskador siya pero masipag naman.

I wipe the sticky dirt that's slowly sliding on my face using the back of my hand. Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Pagkatapos ng insedente ay nag alangan na akong tumuloy, pero malayo na rin ang narating ko at masasayang lang ang oras kapag umuwi pa 'ko sa'min para makaligo at magpalit ng damit. Paano na lang kaya kapag nakita niya ako na ganito kadungis baka hindi niya na ko lapitan. He's not that shallow. Pero mahigit isang taon din kaming nagkahiwalay kaya baka mabago ang impresyon niya sa 'kin. Mabuti na lang at nadatnan kong tahimik ang buong kabahayan. Senyales na hindi pa sila dumarating.

Napabusangot ako at tuluyan ng kumulo ang dugo. Pumikit ako ng mariin habang nagtatangis ang bagang. Whoever that bruho is, he will pay for doing this to me.

Sumilip muna ako mula sa labas ng glasswall para tingnan kung may tao na ba sa kusina. Hindi nga ako nagkamali, dahil may apat na tao na busy'ng busy sa pag-luluto at halos hindi magkanda-ugaga.

I tried to sneak myself carefully so i wont be notice. But i know, makikita at makikita rin nila ako, dahil mas malinaw pa sa sikat ng araw ang glasswall na nasa pagitan namin.

My mother is the one who saw me first. She gave me a second look before her jaw dropped. Noticing the now dried mud on my face.

Sinenyasan niya akong lumapit gamit ang hintuturo. I slumped my shoulders in defeat. Ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang ako ay nasa harapan ko na siya. Sinarado niya ang glasswall sa kanyang likod at pinaulanan ako ng salita.

"Oh?! Anong nangyari sayo, Lea? Bakit ka basa? Ano yan--pati yang mukha mo madungis! Alam mo bang darating ngayon sila Garrison?" Napangiwi ako sa pangalang kanyang binanggit.

"Alam ko ho. Kaya nga maliligo na ko 'di ba?" Sabi ko. Pinipigilang maging tunog sarcastic. Tinuro ko ang pinto sa likod ng kusina: ang maids quarter.

Akala ko hahampasin niya ko kaya napalayo ako ng bahagya, 'yon pala pupunasan niya lang ang mukha niya. Kumunot ang noo ko.

"Ano pang hinihintay mo r'yan? Dalian mo na para makatulong ka sa amin dito sa kusina!" Sabi niya kaya agad akong tumakbo at nilagpasan siya.

"Sabi ko naman kasi sayo, tigilan mo na yang kakasakay mo kay Guban at nang hindi ka nadadale! Haaay, jusko, lea! Baka mamaya, kamukat mukat ko nabalian ka na ng leeg!" Sermon niya pero di ko na pinansin.

Bakit ba lahat sila sinisisi si Guban? Hindi naman siya ang may gawa nito. Naiiling na lang ako habang kumukuha ng tuwalya at pumasok sa banyo.

Ako ang naatasang mag-ayos sa lamesa ng mga gagamiting kubyertos. Simpleng salu-salo lang ang inihanda namin dahil iyon ang gusto mg mag-asawa. Hindi naman daw kailangan engrande ang pagsalubong sa kanilang pagbabalik. Isa pa dahil dadalo naman sila sa party ng mga Calvari kaya hindi na kailangan mag-abala.

Good for four people lang ang ginawa ko. Para sa mag-asawa at sa dalawang anak na darating. Kaya naman nang sitahin ako ni Alma tungkol sa ginawa ko ay nagtaka ako.

"Bakit? Hindi ba kakain dito sina Senior Hugo?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ngayon ang mga kutsara't tinidor.

"Ang sinasabi ko, dagdagan mo pa iyan ng isa. May bisita raw kasi ang magkapatid. Dito rin mag-hahapunan." Aniya at iniwan ako para magtungo sa kusina.

Sinunod ko ang sinabi niya. Sino kaya ang bisita na sinasabi niya? Babae ba? Kasama ba ng magkapatid?

Tumunog ang telepono na nasa sala at si Fe naman ang sumagot n'on. Panic was etched on her freckled face after the call.

"Papunta na raw po sila dito. M-malapit na." Deklara niya sa nanginginig na boses. Pati tuloy ako kinabahan sa sinabi niya.

Mabilis naming natapos ang gawain, saktong pagkarinig namin ng pagbukas ng main gate at tunog ng pagpasok ng dalawang sasakyan. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo dahil hindi ako makaalis sa kinatatayuan.

Lahat sila ay pumunta sa labas ng front door at sinalubong ang dumating. Samantalang pinag papawisan naman ako ng malamig habang nagaabang dito sa kusina.

What should i do? Should i hug him? No! Should i kiss him, then? Absolutely no, Lea! Damn! Ganun pa man, hindi maalis sa aking labi ang sabik na pag ngiti.

Humigpit ang kapit ko sa counter table nang marinig ang ingay at mabibigat na mga yapak, kasunod ng mahihinang tawa at kamustahan. Napalunok ako. Kinakapos ng paghinga.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.

"Where is she? Where's Laneya?"

My heart ache at his sudden appearance. When no one dared to answer him, I gasps and turn to walk away.

All Falls DownWhere stories live. Discover now