Chapter 14: Nakakatakot na Kabataan

5.4K 9 1
                                    

Chapter 14: Nakakatakot na Kabataan

 Nung unang araw ng pasukan ay kinakabahan ako. Hindi dahil hindi ko kaklase si Vampire, hindi dahil wala akong kakilala, hindi dahil hindi ako siguardo sa kursong kinuha ko, ngunit dahil unang araw ng pasukan ibig sabihin ay introduction. Ayoko sa lahat, nag-papakilala sa harap ng madaming tao na nakatingin sa’yo. Ayoko nun. Oo, Kolehiyo na ako. Tingin ko hindi ko na kailangang  sabihin ang napili kong kurso dahil hindi ko ‘to gusto at wala rin namang kinalaman. Nakapasa ako sa Entrace Exam pero mas mataas sa akin yung score ni Vampire, isang bagay na hindi ko masyado binigyan ng pansin. Kumuha ng BS EDUCATION Major in History, o kung anuman ‘yon, si Vampire. Hindi naman masyadong nabawasan yung iniwang pera sa akin ni Tita dahil kumuha ako ng trabaho nung nakaraang bakasyon, taga-bigay lang naman ako ng mga bill ng Meralco sa kani kanilang bahay. 300 kada araw, okay narin kasi ginawa ko lang naman yun talaga dahil wala akong magawa sa oras ko.

Late na ako, dag-dag hiya pa ‘ito lalo, dahil naka-ilang yosi na ako habang nag-lalakad lang papuntang Peacock Univ. Tapos bago pa pumasok ay sumindi ulit ako ng isa pang yosi at hinithit ito, hinihiling na sa pag-buga ko ng usok ay madala ang mga kabang pumapalo sa dibdib ko. Alas-syete ang time ko pero hindi parin ako pumapasok, mag-a-alas-ocho na non, isang oras late. Pumasok na ako sa gate at chi-neck yung I.D. ko ng guard, aprubado naman daw at pinatuloy na ako sa loob ng campus. Andaming naka-unipormeng studyante, ako lang ata ang hindi. Habang hinahanap ko yung room ko ay nag-iisip isip na ako ng pwede gamiting “nickname” sa klase, ayokong sinasabi ang tunay kong pangalan. Nakita ko na yung room at pumasok ako sa pangalawang pinto, kung saan malayo sa professor.

Nakakalungkot man, ay nahuli parin ako ng professor namin at pinatayo ako’t inutusang i-pakilala sarili ko. Sabi ko na kung pwede ay huwag nalang at next time nalang, pero hindi s’ya pumayag.

“Minusan kita pag hindi ka nag-pakilala.”

Sabi ko ay okay lang kahit maminusan yung grado ko pero hindi parin talaga s’ya pumayag. Kabadong kabado na talaga ako at pawis na pawis. Pinunasan ko ng panyo yung noo ko at leeg, di ko na malayan na pag-bunot ko pala ng panyo ko ay nahulog ung mga yosi ko sa lapag.  Tinanong ni Prof ko kung ano yun. “Chalk po.” Sabi ko pero hindi n’ya ito binili. Lalo lang ako napagalitan, tawa na ng tawa mga kaklase ko at hiyang-hiya na ako. Lalo n’yang dinag-dagan yung parusa sa akin at pinatayo ako sa unahan, dun daw ako mag-pakilala. I-sama ko daw sa pag-pakilala ko yung “Naninigarilyo ako at huwag n’yo ako tularan”. Putangina naman talaga. Wala na akong nagawa at sinunod ko nalang ang nasabi, para matapos na lahat ng ‘to.

Nag-pakilala ako at dinagdag ko “Naninigarilyo ako at huwag n’yo ako tularan” sa huli. Tinanong ni Prof kung may gusto daw akong nickname pero kinontra n’ya rin ang sarili n’ya at binigyan ako ng bagong pangalan.

“Mr. 8,” sabi ni Prof, “Mr. 8 ang itawag n’yo sa kanya.”

Dahil daw 8AM na ako pumasok at dahil daw ako’y makul8. Tang’nang kakornihan yan.

Umupo na ako sa upuan ko at biglang may pumasok sa room. May dala s’yang mga papel at binigay ito kay Ms. Pu, Ms. Pu pangalan ng prof namin sa Math. Katuwa no? Maaga, Lunes, tapos College Algebra agad unang gagawin n’yo. Pero dahil late na ako at onting oras narin nakain ng kaputahan ni Ms. Pu sa pag-papakilala ko ay nagkwento nalang s’ya ng background n’ya sa teaching, buhay, alaga n’yang tuta na namatay, alaga n’yang tuta na buhay pa, teaching at lahat. Ayos rin naman kasi ubos oras at nabigyan ako ng oras para isipin si Sam at si Kamiseta. Napasok narin kaya sila sa eskwela? Nung naalala ko, hindi naman nahiya si Sam mag-pakilala sa klase nung highschool, si Kamiseta naman nahiya pero napull-off n’ay naman ng mabuti, ako, wag na lang natin alalahanin.

Pagkatapos ng klase ay nagutom ako, nahihiya akong itext si Vampire kung nasa s’ya kaya pumunta nalang ako sa canteent magisa, nakakahiya din. Umorder ako ng lugaw at pumwesto sa dulo ng canteen. Nung natikman ko yung lugaw sa canteen, don ko nalaman na hindi lang pala patis yung masarap sa tindahan ni Aling Pie, pero dahil gutom ako ay naubos ko parin yung lugaw. Tinapon ko sa basurahan yung styro. Pag-labas ko ay swerte kong nakita si Vampire. Wala narin s’yang klase sa susunod kaya pareho na kaming umuwi.

Kwento ng TaoWhere stories live. Discover now