Chapter 24: Threat?

Start from the beginning
                                    

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya ganito. Maybe Kean is right he needs someone to ease the pain inside. At bakit ako? Well siguro, naiintindihan ko na. Dahil kamukha ko yung ex niya. Dahil naaalala niya ang ex niya sa akin.

Bumitaw siya sa pagkakayakap niya sa akin at ako naman ay humarap sa kanya. Kitang kita ko ang pag-agos ng kaniyang mga luha.

"Hindi kita iiwan," sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko alam pero parang may nagtulak sa akin na gawin iyon. Yinakap niya ulit ako ng mahigpit. Tumagal ang pagyakap niya sa akin hanggang sa naramdaman ko na lang na nakatulog siya sa aking balikat. Siguro dahil na rin sa pag-iyak niya at tama ng alak na ininom niya kaya siya nakatulog. Inalalayan ko siya papunta sa kanyang room. Bakit ko alam ang room niya? Well, nakita ko kasi kanina nung hinanap ko siya.

Pinahiga ko na siya sa kanyang kama. Nacucurious pa rin ako kung ano ang rason kumg bakit siya nagkakaganyan. Inilibot ko ang aking mga mata. Pimagmasdan ko ang bawat sulok ng kaniyang kwarto. May napansin akong isang picture frame. Agad ko naman itong kinuha. Litrato ng dalawang lalaki. Si Devin yung isa. Nagulat ako dahil kamukhang-kamukha ko yung kasama niya. Maybe they are right, we are identical pagdating sa looks. Mas payat nga lang yung Aeron ng konti.

Naalala ko noong tinawag ako ni Devin ng palito. Well hindi nama ako payat ah, kung tutuusin sakto lang utong shape ng katawan ko.

"Aeron. Don't leave me please," sambit ni Devin habang natutulog. Siguro sobra niyang minahal si Aeron. Umupo ako sa side ng kama niya. Pinagmasdan ko siya. Ang himbing ng pagkakatulog niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin dahil kusa na lamang bumilis ang pagtibok ng aking puso.

"Mahal na mahal kita," sambit niya ulit. Ganito pala magmahal ang isang Devin Jay Mathews. Sa katunayan naaawa ako sa kanya dahil ang puso niya ay patuloy pa ring tumitibok sa nakaraan.

Biglang nagring ang phone ko. Tumatawag si kuya. What the hell. Hindi pala ako nagpaalam sa kanya. Paano na?

"Hello kuya" sabi ko

[Nasaan ka?] galit na tanong niya

"Kasama ko ang kaibigan ko, dito na rin ako matutulog sa kanila," sagot ko sa kanya. Wait, kaibigan ko nga ba itong kasama ko? Eh para na nga kaming aso at pusa eh.

[What? You didn't even ask my permission] galit na banggit niya. Ayan na naman ang kaOA'yan niya.

"Listen kuya, I'm already 18. Kaya ko na ang sarili ko," inis na sagot ko.

[I'm just protecting you. Don't get me wrong] sabi niya sa akin

"I know but I'm not a kid anymore. I can handle myself." At dahi sa inis ko ay binabaan ko na lang siya. Ayoko yung palagi na lang nila akong pinagbabawalan.

Si Dad, parang iniiwasan niya ako kapag lumalabas kami ng bahay. Si mom, ayaw niyang ipagamit ang kotse sa akin. Si kuya naman, ayaw niya akong palapitin kay Devin. Feeling ko tuloy may itinatago sila sa akin. Huwag niyong masamain, mahal ko ang pamilya ko pero minsan nakakasakal na rin sila.

Naisipan kong bumaba muna para ligpitin yung mga nabasag na bote at baso. Habang winawalis ko ang mga bubog, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa sala. Baka si Kean yun. Tinignan ko kung sinong pumasok. Nagulat ako ng makita ko si Mico.

"What are you doing here?" tanong niya sa akin.

"Wow, ikaw pa itong nagtanong. Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Woah, I should be the one asking you that since Jay is my cousin," sagot niya sa akin. Oo nga pala, pinsan niya pala si Devin. How stupid Natel.

"Ah sorry, pinaki-usapan lang ako ni Kean na samahan ang pinsan mo," sabi ko sa kanya.

When Pogi Meets PoGayWhere stories live. Discover now