Chapter 09

131 4 0
                                    

Nanliligaw ka ba?

Keimy's Point Of View

Nalaman ko nalang kay Brey na next week pa daw ilalagay sa bulletin board kung sino ang mga natanggap hindi lang sa singing kundi pati na rin sa lahat.

Nakapag pasa na din ako kanina ng album na ginawa ko na puros mga picture na kinuhanan ko gamit Ang dslr ko. Iba't ibang tanawin sa Batangas, seashore at sunset sa Boracay, sa Palawan, sa Pangasinan na kung saan matatagpuan ang hundred island at iba pa.

Tahimik akong nagre-review para sa tatlong quiz na up to 30 na sunod sunod. Pakiramdam ko kasi isang linggo akong hindi na ka focus sa mga itinuturo sa amin dahil sa pag ka ka lutang ng isip ko.

Naandito ako sa isa sa mga bench ng school malapit sa building namin. Mas presko kasi dito dahil maaliwalas at mapuno. Para nga lang syang garden na nilagyan ng mga lamesa at upuan eh.

Natigil ako sa pag inom ng binili kong C2 ng may marinig  ako na isang 'di pamilyar na boses.

"Keimy!!" Tawag nito na nagpatingin sa akin.

Nagulantang ang buong sitwasyon ko at napanganga nang makilala kung sino ang tumawag sa akin...

"D-daila?" Untag ko.

Matamis na ngiti ang ibinigay nya sakin at umupo sa harapan ko. "Hi!" Aniya.

"a-anong g-ginagawa mo dito?" Pilit kong iwinaksi ang pagkautal ng aking boses.

"Ahhm... Actually, may balak talaga akong tumambay dito sa bench at since nakita kita na mag isa kaya dito na 'ko dumiretso. Is it okay if I stay here?" Ngiti nitong sambit.

Dahil sa gulat ay hindi ako nakapag salita kaya tumango na lamang ako. Para syang batang pumalakpak at umupo sa harapan ko ng ayos.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito na para bang close na kami pero nitong nakaraan lamang kami nagkita. Hindi naging magkaibigan.

"A-ahmm... Nagre-review ako para sa darating na quiz namin. Tatlong sunod sunod eh. Hehe" hiya kong sagot.

Ewan ko ba kung bakit ako nahihiya gayung sya dapat ang mahiya dahil nakikiupo sya sa table na inuupuan ko.

"Great! I guess mataas din ang mga grades mo dahil sa itsura mo at nagre-review ka pa!" Anito na para bang alam na alam nya ang mga pinag-gagawa ko.

Pilit akong ngumiti at tumango bago ko itinuon ang aking atensyon sa pagbabasa.

Tahimik man sya habang abala sa cellphone na kanyang hawak ay aligaga parin ako at hindi ko na maintindihan ang mga binabasa ko. Pilit man ay wala na talaga akong naintindihan kaya isinarado ko na lamang ang aking notebook na dahilan kung bakit sya napatingin sakin.

"Oh? Tapos ka na?" Tanong nya.

Tumingin muna ako sa wrist watch ko at napag alaman ko na 20 minutes nalang ay magsisimula na ang next class na papasukan ko.

"Yup... A-ahm Daila, mauna na ako ah. Magsisimula na kasi yung sunod na papasukan kong klase eh. B-bye!!" Aniko habang inaayos at inilalagay sa bag ang mga notebook ko na ni review ko.

"Ahh... Ganun ba?! Sayang naman. Sige una na ako. Hindi ako masusundo ng boyfriend ko dahil busy sya eh! Una na din ako. Bye!! See you around" sambit nito at nauna nang umalis.

H-hindi sya masusundo ni Dallex? Bakit naman? Eh lagi nga silang magkasama. Kung nasaan ang isa dapat naanduon din ang isa. T-teka nga. Ba't ko ba yun pino-problema? Dapat nga masaya ako eh dahil hindi sya sinundo. Ay ewan!!

Nagsimula na akong maglakad patungo sa 3rd floor kung saan ang next class ko nang mamataan ko si Carina at Brey na nag aaway na naman.

Napailing na lang ako at dumiretso na sa classroom. As usual, ang nadatnan ko na naman ay si Zainey na nagre-retouch 'kuno' at ang mga alipores nya. Nang makita nila ako na dumating ay kanya kanyang tirik ang mga mata nila.

Dumiretso na lang ako sa upuan ko. Dumating si Carina na hawak hawak si Brey sa tenga. Ang mga iba ko pang mga kaklase ay tumatakbo ulit pabalik sa room. As always. At syang dating ni Mr. Diliman our History teacher.

Gaya nang napaghandaan ko. Nag quiz kami ng up to 30. Kung hindi man ako nag review ay siguradong pasado pa rin ako dahil lahat nang mga tanong ay parang na oral recitation ko na dahil panay ang sagot ko.

Nang matapos ang pagsagot ay syang pagtatama din namin ng sagot. Habang si Sir Diliman naman ay kinukuha ang score na aming natamo.

"Mr. Alonzo?"

"Twenty-Eight, Sir" hyper na sagot ni Brey. Haha

"Ms. Collins?"

"Twenty-six, Sir." Sagot ni Carina.

Since magkakatabi kami ay napatingin ako kay Carina pero ang warka ayun. Nakita ko ang pag pula ng pisngi dahil sa pagkindat ni Brey.

Hahahaha!!!

Nagtawag ng nagtawag si Mr. Diliman hanggang sa tinawag na nya si Zainey.

"Ms. Han?"

"Twenty-one" Ani Zainey.

"Ms. Monteverde?"

"Twenty-nine, Sir" tamad kong sambit.

Agad na napatingin sakin ang mga alipores ni Zainey pati sya at ang mga bruha ayun at umikot na naman ang kanilang nga mata. I wonder kung nakita na ba nila yung mga laman sa mga mata nila sa pag ikot. Tsk.

Kinuha pa ni Mr. Diliman ang iba pang score ng mga kaklase ko at tsaka nagpaalam.

Sumunod ang dalawa pang subject na Biology at Music at nag quiz din. Si Carina ang high score sa Biology na sinundan ni Zainey. Habang ako naman ay high score sa Music na sinundan ni Lora at Brey. May huli pa  na isang subject buti na lamang ay nag discuss lang at bukas ang pasulat.

Hay buhay college nga naman oh. Haggard na nga yung mukha mo, stress naman ang utak mo.

Nagsimula na kaming maglakad sa corridor. Nasa hagdan na kami ng mag salita si Brey.

"Sabay na tayong lahat ahh!!"

"Kita mong sabay sabay na tayo tas mag tatanong ka pa?!" Sambit ng pinakamamahal ko besprend. No other than Carina.

"Ibig kong sabihin sabay tayong lahat hanggang gate!"

"Sabay lang, walang tayo." Mataray nitong sambit.

"Walang lahat. Meron tayong dalawa!"

"Aba aba. Sumasagot ka na ha."

"Syempre nagtatanong ka."

"Mukha ba akong nagtatanong?"

"Hindi. Tayo na nga!!"

"Bakit nanliligaw ka ba para maging tayo?"

Natigil kaming lahat pati na rin si Lora na isa sa mga kasabay namin at napatingin kaming lahat kay Carina including Brey. Napatakip naman si Carina sa kanyang bibig at nanlalaking mata.

"W-WHAT?!"


⚛☸⚛☸⚛☸⚛☸⚛

How's Chapter 9? Hahaha! Nung una wala talaga akong maisip na isulat hanggang sa nagtype lng ako ng nag type tas yan na ang naging resulta whahaha....

SHARE KO LANG!!

If you like this chapter you can vote, free to comment kung anong gusto nyong sabihin about this chap.

LOVELOTS!!💕💕

I Love Him But I Can't Tell Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon