Prologue

472 13 1
                                    

Hahahaha!!


Nagtataka kayo kung bakit ako tumatawa. Simple lang, kasi nagmahal ako ng taong may mahal na iba.



Yung tipong araw-araw mo syang makikita, katumbas nun araw-araw ding wasak yung puso ko.




Yung lagi ko syang kinukuhaan ng picture nang patago at stolen shots. Kase, hanggang sa picture lang ako makakatitig.




Hindi ko sya matitigan eh. Kase kapag tititig ako sa kanya. Katumbas nun ay sobra-sobrang sakit.




Meron pa akong ginawang katangahan... Alam nyo kung ano?





Nasa hundred na ang picture nya sa cellphone ko... Oo, ganyan ako katanga na halos punuin ko na yung cellphone ko ng picture nya....... Hindi lang cellphone ko.





Nagpapagawa pa ako ng poster nya na galing sa cellphone ko, para lang maidikit ko sa kwarto ko.





Tanga ko diba?!



Naiinggit nga ako sa iba eh. Bakit?




Kase, matitigan lang nila yung mga crush/ taong mahal nila. Masaya na sila. Pero ako, mararamdaman ko yung lungkot, inggit at sakit.



Lungkot, kase sa iba nya ginagawa yung mga pangarap ko.... Yung atensyon nya, oras, pera at pagmamahal.





Inggit, naiinggit ako sa babaeng mahal nya. Kase pinapahalagahan sya, nasa kanya yung atensyon nya at tsaka yung pagmamahal nya.

At



Sakit.... Masakit kasi hindi nya ako mahal, hindi nya ako kilala. At higit sa lahat hindi nya ako pansin.




Sana isang araw makalimutan ko ang sakit, at lungkot. Yung parang may amnesia ako. Kahit isang araw lang, para maranasan ko namang sumaya kahit saglit.



______

A/N: Hi, sa mga unang makakabasa o sa aking nga mumunting readers. Sana makarelate yung mga taong may mahal pero hindi/takot masabi. Sana magustuhan nyo.
I only need your support, vote ang LOVE.... Thank you ;-)

I Love Him But I Can't Tell Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon