Chapter 29- Happy

341 15 0
                                    

Francine POV

"Ricci!"

Ngumiti lang siya at tumakbo sumimangot ako gustong gusto niya talagang hinahabol ko siya grrr.
Maabutan lang kita hmp.

Umupo ako sa gutter at pinunasan ang pawis ko humingal ako kapagod.

"Francine?"

Inangat ko ang mukha ko.

"Angelo?"

Katulad namin nag-jogging rin siya.

"Musta ka na, Francine? Condolence nga pala sorry hindi ako nakapunta sa lamay ng Dad mo. Hectic kasi schedule ko eh sorry talaga."

"Ok lang yun alam ko naman yun."

"Lalo kang gumanda ngayon ah." Nakangiti pa ito saka kumindat. Typical Angelo that I know.

Namula ako at sinimangutan siya.

"Bola pa."

Natawa siya. Sinamahan ako nito sa paglakad naiinis pa rin ako. Nasaan na ba ang ungas na yun?

"Hindi kaya. Sino kasama mo?"

"Si Ricci."

"Nasaan siya?"

"Iniwan ako hmp."

Sumimangot ako ulit.

"Sa tuwing iniiwan ka niya nandito ako palagi." Natawa ako sa sinabi niya.

"Double meaning ka, Gelo."

Nagtawanan kami. May tumikhim sa likod namin.

"Ricci."

Madilim ang mukha niya habang papalapit sa amin. Someone's jealous kinikilig ako. Mas lalo kasi siyang gumagwapo pag nakakunot ang noo niya at yung pagiging seryoso niya. Ang aroganteng mekaniko na mahal ko ng sobra.

"Hey!"

Makikipag-shake hands sana si Angelo ngunit tiningnan lang yun ng masama ni Ricci.

"Let's go!" Saka hinawakan ang kamay ko.

"Sige, Angelo. It's good to see you again." Nagpaalam ako kay Angelo kasi itong katabi ko ay bad mood pa rin at hinila na ako nito.

"Me too, Francine. Take care!" Ngumiti siya at kumaway.

Tumakbo na siya papalayo. Hila hila pa rin ako ng tukmol na nagseselos ngayon.

"Ricci."

Hindi niya ako pinansin saka binitawan ang kamay ko at tumalikod na siya sa akin. Mabilis akong sumunod sa kanya.

"Jealous?"

Ngumisi ako ng humarap siya. Nakakunot na naman ang noo.

"Why would I?"

"Deny pa halatang halata kaya." Inasar ko pa siya.

"Tss fine. I'm jealous. Happy?" Ngumiti ako saka lumapit sa kanya at yumakap sa batok niya.

"Wala kang dapat ipagselos we're just talking."

He possessively wrap his arms on my waist.

"Hindi ko mapigilan."

"Yiieeh cute mo sa'yo lang ako at hindi kita ipagpapalit."

Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you!"

"I love you too!"

Angelo's POV

Tiningnan ko sila sa malayo magkayakap sila at mukhang masaya nasasaktan ako oo mahal ko si Francine. Hindi naman siya mahirap mahalin ang gusto ko lang maging masaya siya at sasaya siya sa ibang tao. Hindi sa akin masaya na rin ako para sa kanya kahit nasasaktan na ako siguraduhin lang ni Ricci na hindi na niya paiiyakin si Francine makakatikim siya sa akin pag pinaiyak niya ulit si Francine.

"You're such an idiot."

Ngumisi lang ako kay Nadi.

"I don't care. As long na masaya si Francine ay masaya na rin ako." Tinalikuran ko na siya saka naglakad.

"I don't care if you gave up. I won't stop until Ricci is mine." Desperate sh*t!

"Stop being psychotic bitch, Nadi. Let them happy."

"No. pasalamat ka pinsan kita kung hindi-" natigilan ako at galit na hinarap siya.

"Kung hindi ano?"

"Mapapatay kita." Pagbabanta pa nito sa akin na hindi ko naman ikinatakot instead ngumisi pa ako sa kanya.

"I'm the one who will kill you first before you do that. You can't fight me Nadi remember? I got an evidence para lalong mabulok at mamatay sa bilangguan ang gago mong ama na sa kasamaang palad tiyuhin ko." Hindi ko talaga matanggap na kaanak ko ang mag-amang baliw na 'to.

"You can't do that, you bastard!" Galit na sigaw nito sa akin.

"Try me, Nadi. I'll make your life miserable pag 'di mo pa sila tigilan."

Masama ang titig niya bago pumasok sa kotse niya at pinaharurot yun.

Yeah! We're second cousins. Her Father and my Mom are cousins matagal ko ng alam pero nagbulag-bulagan lang ako. Wala akong pamilyang kriminal.

"I like Francine for you, Hijo."

Nag-uusap kami ni Dad sa opisina niya dito sa ospital.

"I like her too, Dad. but she's in love with someone else."

"What will you do now?"

"I want her to be happy."

"How about you?"

"I'm fine, Dad. I'll be okay."

Ngumiti ako kay Dad.

"Your such a good man, Hijo."

"I can't wait your family will accept me as your Son, Dad."

"Me too, Hijo."

Tumayo na ako.

"Una na ako Dad walang kasama si Mama sa bahay."

"Sige ingat, Hijo."

Lumabas na ako ng office niya busy ako sa cp ko habang naglalakad nang may mabangga ako.

"I'm sorry, Miss." Saka tinulungan ko siyang pulutin ang dala niya.

"It's okay."

Inangat ko ang mukha ko at kapwa kami nagulat ng makilala ang isa't-isa.

"Margaret!"

"Angelo!" Nakangiti kaming dalawa.

"Sino dinadalaw mo dito?"

"My mom. May sakit siya."

"Sorry to hear that."

"It's okay."

"Samahan na kita. I want to meet your mom maganda ba siya katulad mo?"

Natawa siya.

"Bolero mo talaga. Tara na nga."

Tumawa na lang ako at pumunta na kami sa room ng mommy niya.

My Arrogant MechanicDove le storie prendono vita. Scoprilo ora