Chapter 26- Flowers

403 16 0
                                    

Francine POV

'Good morning, beautiful.'

Inamoy ko yung bulaklak na bigay niya ang bango sobrang sweet niya ngayon.

"Hija, Galing kay Ricci?"

Tumango ako kay Dad at humiga ulit ako sa kama. Masama kasi ang pakiramdam ko.

"Napapansin ko yung closeness niyo ulit ah." Umupo siya sa gilid ng kama ko.

"Masaya ako, Dad. Siya lang talaga yung lalaking mamahalin ko."

I never felt this with anyone, kay Ricci lang kaya sobrang saya ko na unti unti ay bumabalik na siya sa akin.

"I'm happy for you, Hija."

Nakangiti siya kaya ganun din ang ginawa ko. "Thank you, Daddy."

"Sige sa labas lang ako, Hija." Saka niyo dinampian ng halik ang noo ko.

Tumango ako kay Dad at ngumiti.

Pagkaalis ni Dad ay dumapa ako sa kama at impit na tumili kinikilig ako eh. Nagring ang phone ko kaya bahagya akong bumangon at kinuha sa bedside table ang phone ko.

My heart beats fast when I saw his name on my phone.

Sinagot ko agad yun.

"Good morning beautiful! Do you like the flowers?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko saka muling humiga.

"Oo, salamat nagustuhan ko."

"Good to hear that."

"Nga pala nasa building ka na?"

"Yes! I'm here. Ikaw?"

"Hindi ata muna masama pakiramdam ko eh."

"Ha? Kumain ka na ba?"

Halata ang pag-aalala sa boses niya same Ricci I usually love.

"Mamaya na wala akong-"

"Eat then drink your meds. Wag mo na patagalin yan baka magkalagnat ka."

Umangat ang gilid ng labi ko sa mga pinagsasabi niya.

"Concerned?"

"Oo, Kaya kumain ka na at uminom ng gamot."

Napakagat ako sa labi at marahang tumango napaisip ako na nagtatawagan kami at hindi niya makikita ang pagtango ko hahaha.

"Opo, Tay." Pang-aasar ko sa kanya.

"Tss tatapusin ko lang yung meeting punta agad ako diyan."

Sobrang saya ko talaga.

"Bilhan mo ako ng tulips at prutas please!"

"Yes, love. Hintayin mo ako diyan."

Love? Nilukob na naman ng kakaibang emosyon ang puso ko dahilan para mamasa ang gilid ng mata ko sa saya.

"L-love?"

"Oo, Yun na tawag ko sa'yo ngayon."

"B-bakit Love?"

"Kasi ramdam ko."

"Na ano?"

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sagot niya.

"Na mahal kita."

Dumaloy ang luha sa mata ko tears of joy bumabalik na siya sa akin. Sa akin na siya ulit.

"Mahal din kita. Mahal na mahal."

"Tapos?"

"Love."

My Arrogant MechanicOnde histórias criam vida. Descubra agora