Chapter 13-Secrets

499 17 9
                                    

Ricci POV

"Pinapatawag ako ni Dad, mahal." Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga. Napaupo na rin tuloy ako kasi mababakas ko sa mukha niya ang takot at kaba.

"Pumunta ka baka magalit siya pag 'di ka pumunta." Lumapit siya sa akin.

"Pero-" I kiss her lips to assure her that everything will be alright.

"Sige na, mahal." Ngumiti pa ako sa kanya.

"Sigurado ka, mahal?"

"Oo, mahal." Tumango siya. Dito siya natulog kagabi at ang saya ko kasi sa wakas kami na.

"Babalik ako dito mamaya, mahal. I love you!"

"I love you too, mahal!" Hinatid ko siya sa labas.

Umalis na si Francine at binalot ng lungkot ang puso ko kaya pumasok ako sa silid ng mga magulang ko.
Umupo ako sa kama nila miss ko na sila.

*Flashback*

"Ready na kayo, mga anak!"

Agad kaming tumango ni Riley 6 na taon na kaming dalawa pupunta kami sa private island ni Papa mayaman si Papa si Mama naman hindi nagpapatakbo bilang senador si Papa papasok na kami sa yate nang may mga lalaking may baril ang lumapit sa amin.

"Wag niyong sasaktan ang mga anak ko!" Narinig kong sigaw ni Papa. Nakarinig kami ng kalabog at sigaw sa labas. Napatakip ako sa tenga ko ganun din ang ginawa ni Riley. Umiiyak na kami sa takot. Pinatago kami nina Mama at Papa sa isang cabinet.

"Hindi naman mayor basta umatras kayo sa pagtakbo bilang senador."

Tama kayo isang Mayor si Papa.

"Hindi ako titigil sa pagtakbo bilang senador!"

Sumilip ako nakita ko si Dad na hinampas ng lalaki sa ulo. Kahit nasasaktan na siya nakita ko pa na nakatingin siya sa pinagtataguan namin ni Riley and he signaled me to stay quiet. Naiiyak ako!

Rinig namin ang hiyaw nila umiyak kami ni Riley sumilip kami sa maliit na bintana kitang kita namin kung paano binaril sina Mama at Papa.

*End of flashback*

Pinahid ko ang luha ko habang nakahiga sa kama nila at dahil bata pa kami noong mamatay sila dun muna kami tumira kina Tita. Kapatid ni Papa mabait si Tita itong talyer na pinatayo namin nanggaling kay Tita ang puhunan. Hindi pa namin makuha ang mga ari-arian ni Papa lalapitan daw kami ni Atty. Salvador pag oras na makuha na namin ang ari arian ni Papa. Simula noong mamatay si Tita kami na lang ni Riley ang nagtulungan.

Nagtagis ang bagang ko habang nakatitig sa portrait nina Mama at Papa.

"Ipaghihiganti ko po kayo." Nakakuyom ang kamao at puno ng galit ang puso kong sambit.

Pinapangako ko yan 'di ko sila mapapatawad. Magbabayad sila sa ginawala nila sa pamilya namin.

Mr. Monteverde POV

Napahilamos ako sa mukha ko. This can't be! Hindi pwedeng mahulog sa kanya ang anak ko.

"May nagbabantay na po sa silid niya." Napahilot ako sa sentido ko.

"Wag niyong palabasin." Utos ko sa kanya.

Yumuko siya sa akin at lumabas. Im sorry anak pero kailangan kitang protektahan. Hindi ako hadlang sa kanila ni Madrigal pero delikado para sa kanya pag nalaman nang magkapatid ang totoo. Paano kung siya ang higantihan nang magkapatid hindi ko makakaya oras na madamay ang anak ko dito.

Si senator Dela Vega ang nagpapatay sa pamilya nila at sa kasamaang palad kasama ako sa mga kasabwat niya. Gusto ko ding maging senador pero trinaidor ako ni Dela Vega at nagsisi ako na nakipagsabwatan ako sa kanya.

Tumayo ako at may kinuha sa drawer ko ang dokumento ng mga yaman ng mga Madrigal. Ninakaw din ito ni Dela Vega pero hindi ko binigay sa kanya ang totoo ang nasa kanya mga peke. Tanga lang siya ibibigay ko ito sa magkapatid sa tamang panahon.

May pumasok sa office ko si Dino, anak ng kaibigan ko.

"Tito."

"I want you to protect my Daughter, Dino."

"I will, Tito."

Ngumiti ako sa kanya.

"Sadyang maliit talaga ang mundo tito anak ni Dela Vega ang ex ni Madrigal."

"Ayokong madamay ang anak ko masama ba akong ama Dino? Gusto ko lang naman na malayo sa panganib ang anak ko." Karma ko na siguro 'to sa pagiging sakim.

"You're a good Father Tito hindi lang napapansin ni Francine yun." Somehow gumaan ang pakiramdam ko.

"Salamat, Hijo."

Ngumiti si Dino sa akin mabait si Dino kailangan niya lang maging ganun para paglayuin ang dalawa. Masaklap si tadhana ngayon pa lang humihingi na ako nang tawad sa magkapatid at sa anak ko.

My Arrogant MechanicWhere stories live. Discover now