Chapter 6-Dino Salazar

613 23 7
                                    

Francine POV

"Dino?" Gulat na tanong ko. Nambibigla kasi malalim na ang gabi tapos bumisita pa.

"Hi, France!" Masayang bati nito sa akin kaya sapilitan akong ngumiti.

Binuksan ko ang gate at pinapasok ko siya.

"Hating gabi na ah." Ano kaya ang kailangan nito? Pumasok kami sa loob at kinabahan ako nang humarap ito sa akin.

"Totoo ba?" Malamig ang boses na sambit nito.

"Ang alin?"

"Na may kinikita kang mahirap na mekaniko." The heck! Paano niya nalaman?

"Ano? Kanino mo nalaman?"

"Totoo nga." Ngumisi pa siya saka umiling.

"Dino, look you're not my boyfriend so stop acting like this you're just my friend." An old friend rather.

"Francine, hindi mo ako kilala masama akong kaaway. You better stay away from that crap bago pa ito malaman ni Tito."

Lumabas ito at sumakay sa kotse niya at pinaharurot yun. nangangamba ako baka malaman ni Dad ayokong mangyari yun. Malupit yun pag nagalit.

Ano'ng gagawin ko? Ayokong malaman nila ang tungkol sa amin ni Ricci.

Tinawagan ko si Ricci nang mahiga na ako sa kama ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.

"Hi! May problema ba?" Masiglang bati nito sa akin.

"Ricci, nalaman ni Dino ang pakikipag-kita ko sa'yo."

"Tapos? Ano naman masama? Dahil ba mahirap lang ako?"

"Hindi tungkol dun! Isusumbong niya kasi ako kay Dad at pag nalaman ni Dad baka pati ikaw idamay niya."

"Ipagla-laban naman kita eh. Wala akong pakialam sa gagawin nila."

"Hindi mo nai intindihan Ricci masama magalit si Dad." Sana maintindihan niya ako.

"Tss! Ano? Iiwan mo ako?"

"Ricci! Please! Understand me."

"Tama ako di'ba? Hindi mo ako kayang ipaglaban?" Bakas ang lungkot at galit sa boses na siyang nagpasakit sa puso ko ngayon.

"Hindi ganun. Intindihin mo naman ako Ricci oh."

"Maliwanag na sa akin Francine sige."

Binabaan niya ako ng tawag ramdam ko ang sakit sa boses niya napaiyak na lang ako nasasaktan din ako kasi kahit hindi ko man aminin ramdam ko sa puso ko na mahal ko na siya.

"Ricci."

Bakit ang duwag ko?

Umaga,

Agad kong pinuntahan si Ricci.

"Riley, Si Ricci?"

"Umalis eh kanina pa maaga nga umalis ewan ko kung nasaan na ngayon yun. Bakit? May problema ba kayo?"

"Hihintayin ko na lang siya. May misunderstanding lang."

"Sige. Ikaw bahala. Wag mong suyuin yun dapat ikaw ang sinusuyo." Kumindat pa ito sa akin na siyang nagpangiti sa akin.

Tinawagan ko siya pero hindi niya talaga sinasagot ang mga tawag ko.

"Please! Answer it, Ricci."

Nanlumo akong napaupo nang hindi niya pa rin sinagot ang tawag ko.

"Mukhang may problema talaga kayo." Napatingin ako kay Riley.

"Nasaktan ko siya."

"Parte na yan nang pag-ibig kami nga ni Frances kahit gaano kadami ang hadlang sa amin hindi kami sumusuko."

"So, pinapatawad mo na siya?" Alam ko kasi na may misunderstanding din sa kanila ni Frances.

"Suyuin niya ako." Tsaka siya ngumisi.

Natawa ako kay Riley opposite ang ugali nila ni Ricci. romantikong basagulero si Riley samantalang cold but sweet si Ricci. Si Ricci yung klase nang tao na mahirap i-approach nakaka-intimidate ang personality niya at cute siya pero minsan lang ngumi-ngiti.

Maya-maya dumating na si Ricci na pawisan kaya agad akong tumayo at nilapitan siya. Walang emosyon ang mukha nito at ang lamig ng titig nito.

"Bakit ka pawisan?"

Nilagpasan niya lang ako at pumasok sa kwarto niya.

"Ricci, talk to me please!" Hinabol ko siya at mabilis na hinawakan sa braso.

"Umalis ka na." Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

Kasing lamig ng yelo ang boses niya.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako kinakausap."

"Pakialam ko."

"Please, I'm sorry about last night."

"Umalis ka na lang."

"Ricci."

"SABING UMALIS KA EH!"

Napaatras ako bigla sa sigaw niya and I can't believe it sinigawan niya ako.

"O-ok."

Tumalikod na ako at lumabas. napaiyak ako sa naging ugali niya sa akin.

"Mahal ko na siya." Hindi ako masasaktan ng ganito kung hindi ko siya mahal.

Umiyak lang ako sa kotse nang maging ok na ako umuwi na ako. walang sigla na pumasok ako ng mansyon.

"FRANCINE!"

Napatingin ako sa nag-salita. Si Dino. Ano na naman ginagawa nito sa bahay?

"Bakit ka nandito?"

"Gusto ni Tito Dave na mag-date tayo. I'll fetch you later."

"No."

"Madali akong kausap, Francine." Ang sama niya. Parang hindi na siya yung Dino na kababata ko.

Ngumisi siya at masama ang kutob ko sa ngisi niya parang may gagawin siyang hindi maganda.

"I know his name and his job. Madali ko siyang mapapabagsak pag nagmatigas ka."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. He's so cruel walang away

"Dino, sasama na ako sa'yo wag kang magkakamaling saktan si Ricci." Pakiusap ko sa kanya.

"Ok hon. Good girl." I hate him so much! Matapos humalik sa pisngi ko ay umalis na ito.

Napaupo ako sa sofa dahil sa nangyari. Hindi ko akalaing ganito pala kasakim si Dino.

"I'm sorry, Ricci!" I'm sorry! Wala pa akong lakas para lumaban. Wala akong magawa.

My Arrogant MechanicWhere stories live. Discover now