Chapter 16- Forgotten Love

460 20 11
                                    

Francine POV

"R-riley." Dahan dahan akong lumapit kung saan siya nakaupo. Tanging tunog ng makina lang ang maririnig sa loob ng silid na ito.

"Pinatay nila ang magulang namin ni Ricci." Mahina kong tinapik ang balikat niya.

Umiiyak siya habang nakaupo siya sa gilid ng kama ni Ricci.

"I'm sorry, Riley." Mahinang boses na sambit ko sa kanya.

"Wala kang kasalanan Francine pero kailangan managot ng ama mo at nang ama ni Nadi."

"Naiintindihan ko handa na si Dad sumuko. Handa siyang pagbayaran yung mga kasalanan niya sa inyo."

"Matatanggap naman ni Ricci lahat diba?"

Napatingin ako kay Ricci maraming tubo ang nakakabit sa kanya, maraming din siyang galos at may benda sa ulo.

"Oo Riley kasi mabait si Ricci."

"Sana nga. Galit na galit si Ricci sa mga taong pumatay sa magulang namin paano pag nalaman niyang isa ang ama mo sa pumatay sa magulang namin? Matatanggap ka ba niya?"

"Hindi ko susukuan ang kapatid mo, Riley. Mahal ko siya." Saka ko hinawakan ang kamay ni Ricci.

"Sana nga, Francine."

"Mahal na mahal ko si Ricci. I know naging duwag ako pero ayoko lang mapahamak siya kaya nagawa kong sundin ang iniutos ni Dad and I'm sorry for that. Ngayon handa na akong lumaban para sa aming dalawa."

"Mahal na mahal ka din niya. Ipaglalaban ka ng kapatid ko kahit na ano pa ang mangyari."

"Alam ko ang tanga ko lang para saktan siya nang paulit-ulit."

"Kalakip na ng pag-ibig yan."

~

Lumipas ang ilang buwan at tulog pa rin siya pero hindi kami nawawalan ng pag-asa na gigising din siya.

"Lumaban ka Ricci ha."

Hinawakan ko kamay niya, si Riley nasa bahay nila kasama si Frances inaasikaso mga papelles ng mga titulo nang kompanya at mansion nila sa Batangas maging ang private island nila sa tagaytay.

"Sana gumising ka na miss na miss na kita."

Naramdaman 'kong gumalaw ang daliri niya sakto ring bumukas ang pinto at niluwa dun si Nadi.

"How's Ricci?" Napako ang tingin ko sa kamay ni Ricci kung saan gumalaw ang daliri niya.

"Gumalaw ang daliri niya." Hindi makapaniwalang saad ko.

"What?! I'll call the doctor." Dali dali itong lumabas saka tumawag ng doctor.

Maayos na kaming dalawa para kay Ricci.

Dahan dahang minulat ni Ricci ang mga mata niya napaluha ako sa tuwa gising na ang mahal ko.

"Mahal ko sa wakas gising ka na."

Hinawakan ko ang kamay niya. Lumapit sa amin ang doctor, chineck na siya ng doctor.

"He's ok now, His vitals are normal. It's good to see him awake now. ilang buwan din siyang nakaratay sa kama it's God miracle marahil narinig niya ang dasal mo, Hija." Nakangiting saad ng doctor.

Ngumiti ako kay doc.

"Salamat, doc."

"Labas na ako."

Ngumiti siya. Napatingin ako kay Ricci nakatulala lang ito sa kisame.

"Ricci, naririnig mo ba kami?"

"Tatawagan ko lang si Riley."

"Sige."

Lumabas na ako at tinawagan si Riley para ibalita na gising na ang kapatid niya.

"Riley, may maganda akong balita"

"Talaga? Ano yun?"

"Gising na si Ricci." Masaya kong saad sa kanya.

"Ha? Seryoso?"

"Oo nga kaya pumunta na kayo ni Frances dito ngayon."

"Sige sige."

Binaba ko na ang phone ko at hinintay si Riley. Maya-maya ay dumating na sila, magkasama silang dalawa ni Frances.

"Nasaan na siya?"

"Nasa loob."

Pumasok kami.

"Bro!" Masayang bati ni Riley sa kapatid niya.

Ngumiti si Ricci at nakipag-fist bump kay Riley.

"Tangina! Masamang damo ka talaga." Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Riley.

"Gago!"

"Hahaha." Pero nabura ang ngiti sa labi ko nang makitang nakatitig ito kay Nadi.

"Nadi." Malambing na saad niya na nagbigay ng sakit sa puso ko.

"Hmm?"

"Namiss kita."

Nagulat ako sa pagiging sweet niya kay Nadi.

"Ha?"

"Hindi mo ba ako namiss?" Pinalungkot pa nito ang boses saka nilahad ang kamay.

"Ricci, sasapakin kita matagal na kayong wala ni Nadi eto ang girlfriend mo." Halatang naguguluhan din si Riley sa ginagawa ng kapatid niya.

Nilapit ako ni Riley sa kanya pero kumunot lang ang noo ni ricci habang nakatitig sa akin. Kinakabahan na ako.

"Ha? Si Nadi ang girlfriend ko, Bro." Naguguluhang saad nito na siyang gumulat sa mundo ko.

Nasasaktan ako. Possible ba? Na makalimutan niya ako? Pero bakit ako lang?

"Bro, wag kang mag-biro ng ganyan." Umiling si Riley saka hinawakan ang balikat ng kapatid.

"Hindi ako nagbibiro." Seryosong saad nito.

"Pero- si Francine girlfriend mo."

""Hindi ko siya kilala."

Napasinghap ako sa narinig.

"May amnesia ka?" Hindi ako makapaniwala sa narinig galing mismo sa kanya.

~

"Selective amnesia that's his case. He forgot someone who's very special to his heart." Parang nanghina ako sa sinabi ng doctor pagkatapos i-CT scan si Ricci.

"Permanent o temporary, doc? Babalik naman ang alaala niya di'ba?"

"Don't worry it's just temporary makaka-alala din siya pag tinulungan niyo siyang maalala ang taong pinakamahalaga sa kanya. Dalhin niyo siya sa lugar na magpapaalala sa kanya o ipakita niyo ang mga bagay na magpapabalik sa memorya nitong nawala. "

"Gagawin ko lahat maka-alala lang siya." Determinado kong sambit.

"Don't give up, Hija."

Malungkot akong ngumiti kay doc.
Nakalimutan niya ako. Bakit sa lahat ng makakalimutan niya ako pa?

Kasi importante ka sa kanya.

Hindi ako susuko mahal ko akin ka lang.

A/N:selective amnesia only forgot one person who's very close to a patient's heart saklap naman nun Francine😭

My Arrogant MechanicWhere stories live. Discover now