Chapter 4-Jealous

757 25 3
                                    

Francine POV

Habang magkaharap kami ni dino na nakaupo may napansin akong dalawang taong pumasok sa restaurant. Sina Riley at Frances.

Tumayo agad ako para lapitan sila.

"Excuse me cr lang ako, Dino."

Tumango si Dino. Agad akong lumapit kina Riley.

"Riley!" Tawag ko sa kanya at napatingin siya sa akin. Tipid akong ngumiti kay Frances at ganun din siya sa akin.

"Francine."

"Date kayo?"

"Yeah. Ikaw sino'ng kasama mo? Mukhang may kadate ka ah." Saka nito sinilip si Dino. Thank God at hindi naman kami napapansin ni Dino kasi ung pwesto niya ay nakatalikod sa amin.

Napansin kong wala sa mood si Riley at mukhang alam ko na kung bakit. Dahil kay Ricci.

"May boyfriend ka na pala lumalapit ka pa sa kapatid ko." Ang lamig ng boses nito.

"Hindi ko boyfriend si Dino, Riley. He's just a friend." Paliwanag ko pa pero umiling lang siya saka ngumisi.

"Riley, wala namang kasalanan si Francine atsaka for God sake! Hindi naman sila. Kung magalit ka diyan parang ikaw yung jowa." Kung hindi lang kami ganito ka-seryoso ngayon tumawa na ako kasi parang pinagseselosan ako ni Frances.

"Eh kasi naman yung kapatid ko minsan nang naloko at naiwan kaya hindi ko na hahayaan na masaktan pa yun. Alam ko bago pa lang kayong magkakilala ng Kapatid ko pero iba yung impact ng pagdating mo sa buhay ni Ricci." Napayuko naman ako bigla dahil sa sinabi ni Riley. Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya.

"Riley! You're being harsh to her. I'm sorry for that, Francine." Tipid lang akong ngumiti kay Frances.

"It's okay. I'm sorry, Riley! Pero wala talagang namamagitan sa amin ni Dino and this is just a friendly date."

Hindi siya sumagot pero bahagya kong nakita ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa labi niya.

"You know what umiinom siya ngayon at buti na lang kasama niya si elisse dun." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya and it hits me. Naiinis ako na hindi ko maintindihan.

Nag-iinit ang ulo ko sa narinig galing mismo kay Riley.

"Ano?!" Kumibit balikat lang siya saka hinawakan ang kamay ni Frances.

"Hayy naku! Pasensiya ka na sa lalaking ito!" Huminga ako ng malalim. There's a strong feeling na gusto kong puntahan ngayon si Ricci at gusto kong ilayo siya sa mga malalanding haliparot!

Nagpaalam na ako kina Riley at bumalik sa mesa namin ni Dino. Ngumiti siya sa akin pero ako naiinis ang kaloob-looban ko dahil sa nalaman. Shit! Para naman akong jowa nun ang bilis lang? Pero naiinis talaga ako at gusto kong pumunta dun ngayon din mismo! Kinuha ko na ang purse ko at phone.

"Where are you going?" Nagtatakang tanong ni Dino. Ngumiti ako sa kanya.

"I'm sorry, Dino! Pero may kailangan lang akong puntahan ngayon. Bye!" Hindi ko na siya hinintay na magsalita agad na akong umalis sa restaurant at pumara ng taxi. Hindi ko nadala ang kotse ko kasi sinabay na lang ako ni Dino sa kotse niya.

Pagkasakay ko sa taxi agad kong sinabi kay Manong driver ang address nina Ricci.

Pumunta ako sa talyer niya at nakita ko siyang umiinom kasama ang isang babae kumulo ang dugo ko nang makita inaakit niya si ricci. malaki ang hakbang na lumapit ako sa kanila.

"Who are you?"

Nagulat siya at maya maya pa tumayo siya.

"I'm Ricci's girlfriend and you?"

My Arrogant MechanicWhere stories live. Discover now