Chapter 25-Guilty

387 15 0
                                    

Francine POV

"Dad, Alam kong si Mr Dela Vega ang nag-utos nun. Buti na lang kasama ko si Ricci."

Madilim ang mukha ni Daddy nung marinig ang sinabi ko.

"Oras na para isiwalat ang lahat ng baho niya."

Napatingin ako kay Dad.

"Are you serious, Dad? Alam niyo kung gaano sila kasama di'ba? Baka may gawin sila sa'yo." Kinakabahang saad ko.

"Dapat sa kanya makulong ayokong hintayin na mapahamak ka, Anak."

Umupo ako sa tabi ni Dad at hinawakan ang kamay niya.

"Dad, I'm so lucky na ikaw yung Dad ko."

Ngumiti si Dad.

"Gagawin ko ang lahat wag ka lang mapahamak. Isa yun sa ipinangako ko sa Mommy mo."

Sobrang saya ko ngayong nasa tabi ko si Dad at Ricci kahit 'di pa niya ako maalala nandiyan pa rin siya sa tabi ko.

"Uwi na ako inaantok na ako." Napansin ko nga na kanina pa siya hikab ng hikab.

Ngumiti ako kay Ricci.

"Hatid ko lang siya sa labas, Dad."

Tumango si Dad sa Amin.

"Una na ako, Tito."

Ngumiti si Dad sa kanya. Ang gaan sa pakiramdam na wala ng hadlang sa inyo yung nga lang 'di pa rin niya ako maalala at nasa paligid lang ang haliparot na nagngangalang Nadi nakasimangot ako.

"What's with that face?"

Nakangiti siya. Parang na-amuse sa akin.

"Wala."

Hinawakan niya lang bigla ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya napasubsob tuloy ako sa dibdib niya.

"Wag ka ng lalapit sa Angelo na yun pag nakita 'kong lumalapit ka sa kanya may parusa ka."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ano'ng parusa naman aber?"

"Watch out."

Kumindat siya sa akin bago sumakay sa kotse niya. Humalukipkip ako at ngumiti.

"Ingat, Ricci."

Kumaway siya sa akin bago pinaharurot ang kotse papasok na sana ako ng may magsalita.

"Leave Ricci alone, You bitch!"

Si Nadi hinarap ko siya na nakacross arms at nakaarko ang kilay.

"Sino ka para pagbawalan ako? In the first place akin naman talaga siya nawalan lang siya ng alaala." Kapal ng mukha nitong sumugod dito.

"I'm Ricci's girlfriend, You boyfriend stealer and relationship wrecker!"

Sa inis ko ay nasampal ko siya at nabigla siya saka napahawak sa pisngi gaganti sana ito ngunit agad kong napigilan ang kamay niya saka tinulak siya. This bitch really tests my temper.

"Are you referring to yourself? Nadi hindi ako ganung tao. Kusang lumalapit sa akin si Ricci at alam mo nagseselos siya pag nilalapitan ako ni Angelo, it means Ricci really love me. Maayos kami ni Ricci dati noong 'di ka pa bumalik. Ang kapal rin kasi ng mukha mo naalala ka lang nung tao akala mo kung sino ka nang santa makaasta, naramdaman ni Ricci na ako ang mahal niya at tapos na kayo di'ba wag kang ganyan magmumukha kang aso na hahabol habol kawawa pathetic." Saka ko siya tiningnan mula ulo hanggang paa.

Lalo siyang nagalit sa sinabi ko. well, I'm telling the truth and nothing but the truth.

"How dare you! You'll pay for this bitch!" Dinuro pa niya ako pero tinabig ko lang ang kamay na dahilan para muntik na itong matumba.

"If I know tauhan ng Dad mo ang sumusunod sa amin ni Ricci kanina. Ano'ng binabalak niyo ha?" Natigilan ito sa sinabi ko at parang aligaga na umiling.

"I-i don't know what you're talking about." She's stuttering it means she's lying.

"Sinungaling! Hindi ako tanga. Kayo lang ang may galit sa pamilya namin."

"I'll sue you to hell, Francine. Makakaganti rin ako sa'yo at babawiin ko si Ricci. Mark my words!"

"I'll be waiting then, Nadi." Ngumisi pa ako dito kaya mas lalo itong nainis.

Masama niya akong tinitigan bago umalis. Napasuklay ako sa buhok sa tension na naramdaman ko. Naisip ko si Angelo. Si Angelo na mahal ako at walang ibang ginawa kundi tulungan ako at samahan ako pag may mga problema at malungkot ako pero sa lahat ng ginawa niya sa akin ay hindi ko yun nasuklian instead nasaktan ko pa. Mahal ko si Ricci at ayokong paasahin si Angelo but damn I felt guilty.

My Arrogant MechanicWhere stories live. Discover now