Chapter 24-Danger

417 15 0
                                    

Francine POV

"Are you avoiding me?"

Humarap ako sa kanya at humalukipkip, nakatitig lang ito sa akin habang seryoso ang ekspresyon ng mukha. Pagkatapos nang gabing makulong kami sa stock room ay iniiwasan ko na siya. Natatakot kasi ako na baka dumating ang oras na pumili siya sa amin ni Nadi, si Nadi ang piliin niya at ayoko ng masaktan pa.

"Bakit ko naman gagawin yun?" Nakapamulsang lumapit ito sa akin saka ngumisi.

"Kasi mahal mo ako?"

"Wow galing mo hmp."

Lumabas na ako ng elevator at napansin ko na nakasunod pa rin siya sa akin. Dapat na ba akong maging masaya kasi sa akin na siya sumama kesa kay Nadi?

"Francine." Tumabi na ito sa akin.

"Hm?"

"Let's eat together."

"Sige treat mo ako."

I heard him chuckled hinawakan niya ang kamay ko. Ok ako na marupok kasi hinayaan ko siya.

"R-ricci." Tumitig ako sa kanya at nahuli kong nakatitig din ito sa akin ay mali sa labi ko pala siya nakatingin.

"Bro, ano yan hahaha nagkabalikan na kayo?" Napalayo ako kay Ricci dahil sa kapatid niya na natatawang lumapit sa amin.

"Riley, ano-"

"Ano? Hahaha." Inirapan ko ito.

Gago talaga nito.

"Riley, Tabi ka nga kakain kami sa labas." Muling hinawakan ni Ricci ang kamay na siyang naghatid ng kilig sa katawan ko.

"Yiieeh kinikilig siya."

Kinurot niya ang pisngi ko kaya hinampas ko ang braso niya.

"Taray haha sige bro enjoy kayo."

Kumindat sa akin si Riley bago kami nilagpasan. Ngumiti ako sa akin talaga boto si Riley.

"Tara na." Aalis na sana kami ng may biglang umekstra.

"Ricci Baby, God I miss you so much!" Saka ito lumapit sa amin.

Agad niyang pinulupot ang kamay sa braso ni Ricci at ako naiwan. Sarap sapakin ng malanding palakang ito.

"Sorry Nadi maybe next time may lakad pa kami ni Francine."

"What?! I'm your girlfriend, Ricci."

"Tayo ba? Hindi naman ako nanligaw sa'yo. Sabi ni Riley si Francine ang girlfriend bago ako maaksidente. Nabura man siya sa isipan ko pero naalala siya ng puso ko."

Nagulat si Nadi sa sinabi ni Ricci at parang hindi ito makapaniwala.

"What?!"

"We're done hope you understand. Let's go, Francine." Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila ako.

"NO! RICCI, YOU'RE MINE!" Sigaw pa nito.

Baliw! Hindi namin siya pinansin pumunta kami ng parking lot.

"Sigurado ka ba sa desisyon na yan, Ricci?"

Humarap siya sa akin saka ngumiti.

"I'm choosing you. So let's go."

Napanganga ako sa sinabi niya. Ricci, choose me gusto kong maiyak na hindi, Halo halong emosyon ang naramdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya.

"I feel that I love you. Kaya pala ako nagseselos tuwing may kasama kang iba."

Natawa ako nung sumimangot siya. Ang cute niya.

"Tumatawa ka gustong gusto mong nagseselos ako pagselosin din kaya kita." This time siya naman ang tumawa nung sumimangot ako.

"Hmp!"

Niyakap niya ako and so I hugged him back. I miss this feeling. The warmth, the love and my home.

"Hindi man kita maalala ramdam ko naman na mahal kita."

Ngumiti ako at humilig sa dibdib niya at rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya. Nakangiting pumikit ako.

"Mahal kita kahit 'di mo na ako maalala ok lang gagawa tayo ng panibagong alaala." Tumingala ako sa kanya.

Ngumiti siya sa akin.

"Wag ka ng lumapit sa baklang yun." Nakita kong nagtagis ang bagang nito.

"Bakla?"

"Yung kasama mo lagi."

Natawa ako.

"Si Angelo? Hindi siya bakla noh atsaka mabait na tao siya."

"Ang bilis mong magtiwala sa iba."

"Mabait naman talaga siya."

"Talaga lang ha."

"Oo naman. Mabait siya, Ricci."

"Ok."

Tahimik siya hanggang sa resto.
District 7 yan ang pangalan ng resto para namang pub or bistro ito at ang cool ng ambiance.

"Ano'ng sa'yo?"

Seryoso pa rin siya ngumiti ako sa kanya ngunit umiwas siya ng tingin napakagat ako sa labi. Ganitong-ganito siya pag nagseselos.

"Selos ka?"

"Hindi ah mas gwapo pa nga ako sa Angelo mo tss."

Ngumiti ako atsaka hinawakan ko ang kamay niya.

"Ikaw lang ang mahal ko."

Umangat ang gilid ng labi nito. See? Ang bilis magpalit ng mood.

"Dapat lang."

Lalong lumaki ang ngiti ko.

"Sige na order ka na, Babe."

Nanlaki ang mata niya kaya tumawa na ako.

"Sige Babe diyan ka lang."

Natigil ako sa pagtawa sa tinawag niya sa akin. Tinukod ko ang siko ko sa mesa at nilagay ang kamay ko sa pisngi ko na bahagyang nakahilig.

"You never fail to make me smile, Ricci."

Ngumiti ako napadako ang tingin ko sa labas glass wall ito kaya kita sa labas. Kumunot ang noo ko sa tatlong lalaking nasa labas at nakatitig sa akin. nakaitim na jacket sila at mukhang mga goons sa teleserye. Sino sila?

"Ok ka lang?"

Napatingin ako kay Ricci.

"M-may tatlong lalaki sa labas masama ang titig sa akin."

"Ha?"

Tinitigan niya ang tinitingnan ko.

"Baka tambay lang diyan sa labas at natipuhan ka."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano'ng akala mo sa kagandahan ko? Para sa mukhang hukluban na mga lalaking yan."

"Hindi ah."

Inirapan ko siya at napatingin ulit sa labas wala na sila at wala na rin yung van sa gilid. Nakaramdam ako ng takot. Sino sila? Bakit sila nakatingin sa akin kanina?

"Wag kang mag-alala nandito ako."

"Ricci, Hindi mo sila kaya ang lalaki ng katawan nila."

Napaisip ako.

"Maraming tao sa paligid Francine 'di sila gagawa ng kagaguhan."

"Si Mr Dela Vega Ricci baka siya-"

"Ipapakulong natin siya sa lalong madaling panahon." Seryosong tumingin ito sa labas habang nakakuyom ang kamao.

Natakot ako at nangamba sa kaligtasan namin. Kahit na makulong siya marami siyang galamay sa labas na pwede niyang utusan.

My Arrogant MechanicWhere stories live. Discover now