Chapter 15-Revelation

496 19 6
                                    

Francine POV

"Patayin mo na lang ako, Dad." Umiiyak kong sambit sa harap ni Dad.

"Hija." Tinangka niyang hawakan ako pero hindi ko hinayaan yun at lumayo na ako sa kanya habang umiiyak. Pain is visible in his eyes.

"Kesa magdusa ako buti pang mamatay na lang ako." Umiling siya.

"Wag mo nga sabihin yan. I'm doing this to protect you."

Lumapit siya sa akin.

"Wag kang lumapit!"

"Im sorry Hija pero pino-protektahan lang kita."

Nagulat ako. Ano'ng ibig niyang sabihin?

"Hindi ko gustong hadlangan kayo pero kailangan." Kumunot ang noo ko.

"Wag niyo nga akong lokohin. Hindi niyo na ako maloloko pa."

"Pero kelangan para sa kaligtasan mo, hija."

"Ano?"

"Ang pamilya nina Ricci at Riley ang napatay ni Dela Vega na sa kasamaang palad kasabwat ako." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Dad na hindi ko matanggap.

"Kaya ko kayo pinapalayo sa isa't-isa kaso natatakot akong baka idamay ka nila sa galit pag nalaman nila ang totoo, anak." Mababakas ang kakaibang lungkot sa mga mata ni Dad.

"Hindi magagawa nina Ricci na saktan ako mahal niya ako." Mahina akong umiyak.

"Hindi natin alam."

"Ricci loves me, Dad!"

"Natatakot din akong idamay ka ni Dela Vega. Nasa akin ang mga titulo at dokumento ng mga Madrigal. Mayaman sila anak nasa akin kasi yun kasi ayokong makuha ni Dela Vega, ibibigay ko ito sa magkapatid sa tamang panahon pag nakulong na si Dela Vega." Napatingin ako kay Daddy pagkatapos ng mga sinabi niya.

"Pero makukulong ka din, Dad?" Malungkot siyang ngumiti saka tumango.

"Babayaran ko rin mga kasalanan ko Anak. Ang importante hindi ka mapahamak." Now I truly understand kung bakit niya ginagawa sa akin ito.

Niyakap ko si Dad. Pino-protektahan niya pala ako.

"Kailangan kong tawagan si Ricci, Dad." Nag-alinlangan si Dad dahil sa sinabi ko.

"Pero Anak-"

"Please!" Bumuntong hininga siya saka tumango.

"Sige, anak."

Tatawagan ko pa lang siya nang magring ang phone ko. Pangalan ni Riley ang rumehistro sa screen ko kaya agad kong sinagot yun.

"Riley!"

"F-francine." Nabura ang ngiti sa labi ko dahil sa paraan ng pagsambit niya sa pangalan ko.

Napuno ng pagaalala ang puso ko. Kilala ko si Riley mapagbiro ito pero sa narinig ko para siyang natatakot na naiiyak. Something happened na mas lalong nagpakaba sa akin.

"Riley, Ano'ng nangyari?"

"S-si Ricci."

Kinabahan na ako lalo dahil sa pagsambit niya sa pangalan ni Ricci.

"A-ano'ng nangyari sa kanya?"

"Naaksidente siya, Francine." Napatakip ako sa bibig ko dulot ng kaba at takot.

"Ano?!"

"Malubha ang kalagayan niya ngayon. Nasa ICU siya ngayon."

"H-hindi." Nanghina ako sa nalaman at tahimik na umiyak agad akong dinaluhan ni Dad.

My Arrogant MechanicHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin