Chapter 12-Bitch

541 20 11
                                    

Francine POV

Papunta ako kay Ricci ngayon gusto ko siyang sorpresahin nakangiti ako habang nagmamaneho.

Hininto ko ang kotse sa harap nang talyer niya at may napansin agad akong kotse malapit lang sa pwesto nang kotse ko. May bisita sila?

Nagtatakang lumabas ako ng kotse at lumapit ako sa isang tauhan ni Ricci.

"Magandang umaga! Where's Ricci?"

"Nasa loob ma'am may bisitang babae."

Nag-init ang ulo ko sa narinig. What the heck!

"Sino?"

"Si Ma'am Nadi po." Mas lalo akong nairita sa narinig.

"Ano?" Malalim ang paghinga ko nakakainis talaga! Just by hearing that bitch name agad na kumulo ang dugo ko. Ex na siya at ilulugar ko siya sa dapat niyang kalagyan pag hindi niya tinigilan si Ricci.

"Si Ma'am Nadi po bisita ni boss."

Pumunta ako sa bahay nila na magkasalubong ang kilay. Humanda sa akin ang babaeng yun!

"I still love you." Natigilan ako ng marinig yun.

"May mahal na akong iba, Nadi!" Bakas ang inis sa boses ni Ricci. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na umeksena.

"At ako ang mahal niya kaya pwede umalis ka na." Iritado kong saad sa kanya.

Nagulat si Ricci maging yung Nadi mas maganda ako sa kanya. Mukhang malandi at wala akong tiwala sa mga tulad niya.

"Ikaw pala ang bago ni Ricci pwes nandito na ako pwede ka nang umalis rebound ka lang naman ni Ricci."

Umusok ilong ko sa narinig. The heck! Inuubos niya ang pasensiya ko.

"Ano'ng sinabi mo?!"

Susugod sana ako sa kanya nang pinigilan ako ni Ricci sa bewang.

"Mahal, wag mo nang patulan." Shit!

Sinamaan ko siya nang tingin pero ang gaga iniinis talaga ako.

"Keri mo yan bro hahaha."

Natatawang lumabas si Riley. Nakaka-bwisit.

"Umalis ka na, Nadi."

"Akin ka lang."

Lumakad na siya at ngumisi pa sa akin.

"Aba't-"

Pinigilan ulit ako ni Ricci inis na hinarap ko siya.

Ricci POV

Napalunok ako nang makita ang ekspresyon ng mukha niya. Para siyang susugod sa gyera potek nakaka-takot.

"Now explain!"

Nakahalukipkip siya habang masamang nakatitig sa akin para akong nililitis.

"P-pumunta siya dito para magkabalikan kami." Napabuga ako sa hangin.

"Tapos?"

"Syempre ayoko kasi may mahal na ako at ikaw yun."

"Ugh i want to punch her! Gosh!"

Napasuklay ito sa mahabang buhok gamit ang daliri, ang hot niya.

"Kalma ka na hindi na ako babalik sa kanya. Ikaw ang mahal ko at hindi kita ipagpapalit sa kanya."

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Hinapit ko siya at niyakap.

"Talaga?"

"Oo naman mukha mo parang susugod na kanina ah."

Napangiwi ako nang maramdaman ang pagsuntok niya sa balikat ko.

"Hmp!" Inirapan niya na naman ako. Mas lalo akong nahuhulog tuwing nagtataray siya.

"Mahal kita kahit topakin ka pa." Mahina akong natawa.

"Pinapa-init mo talaga ulo ko Madrigal wala kang kiss!"

Hala! Hindi pwede yun. Sinuyo ko siya.

"Heh."

"Mahal, sorry na!"

"Hmp!" Inirapan na naman ako saka tumalikod sa kanya. I immediately wrapped my arms around her waist. Dinampian ko ng mumunting halik ang balikat niya.

"Please!"

"Kumanta ka." Utos niya sa akin.

"Ano?"

"Kantahan mo ako."

"Sigurado ka?"

"Oo. Bakit? Ayaw mo? Aalis na lang ako."

"Eto na kakanta na." Mapapasubo pa ata talaga ako nito oh.

Francine POV

Nakaupo ako sa upuan nila nang marinig ang kanta na yun at napatigil ako saka napatitig sa kanya na may hawak nang gitara.

Binibini

Alam mo ba kung paano nahulog sa'yo
Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta~ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sa'kin

Ang tumatakbo sa isip mo
Kung mahal mo na rin ba ako~

Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa'yo
Alam 'kong mahal mo na rin ako.

Binibini

Sabi mo noon sa akin ayaw mo pa
Pero ang yakap ngayo'y kakaiba
Hindi ka ba nalilito totoo nga ba'ng gusto ako
Handang labanan ang puso

Alam 'kong mahal mo na ako
Kung ganun halikana't wag lumayo

Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa'yo
Alam 'kong mahal mo na rin ako~

Natapos lang ang kanta na hindi niya tinatanggal ang pagkakatitig sa akin. Mahal na mahal ko siya! Nakangiti niyang nilagay sa upuang kawayan ang gitara.

"Nagustuhan mo ba?" Hindi ako sumagot instead ay lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Kontento na ako na ako ang mahal niya at hindi siya maagaw sa akin ni Nadi. Hindi ako papayag.

"Akin ka lang ha." Bulong ko sa kanya.

"Sa'yong-sa'yo lang ako at akin ka lang din." Naalala ko na hindi ko pa pala siya sinasagot.

Niyakap ko siya sa batok at nilapit ang mukha ko sa tenga niya saka binulong sa kanya ang tatlong salita na magpapasaya sa kanya.

"Sinasagot na kita." Sabi ko sa kanya.

Pagkarinig niya ng sinabi ay agad niyang inatake ng mapusok na halik ang labi ko na agad ko namang sinagot ng mainit na halik.

My Arrogant MechanicWhere stories live. Discover now