L12

3K 122 22
                                    

L12...

"Lab, wake up. Today is the day right?" Bulong ko kay Rhian.

Dahan dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata at dito ko napansin na basang basa pala ito ng mga luha, kaya naman nagpanic ako.

"Lab, are you okay?" Pag aalala kong tanong.

Hindi siya sumagot sa halip ay niyakap niya ako ng mahigpit na para bang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon.

"It's just a dream." Sabi niya habang hinahawakan niya ang mukha ko.

"You're alive." Sabi niya habang nanginginig ang kanyang mga kamay.

"Having a bad dream?" Tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya, kaya naman kumuha ako ng tubig at dinala ko na rin ang bouquet of flower na inilagay ko sa mesa.

"Happy birthday love." Bati ko sa kanya sabay abot sa bulaklak.

"Here, uminum ka muna ng tubig para naman kumalma ka." Sabi ko.

Kinuha niya ang baso habang nginig na nginig pa din ang kanyang mga kamay. Hindi ko alam kung ano ang napanaginipan niya at ganito siya kaapektado ngayon.

Niyakap ko siya para naman kumalma siya at hinalikan ko siya sa ulo niya. Nagsisimula na siyang humikbi. Kaya naman kinausap ko siya.

"Sshhh. Calm down lab, panaginip lang yon." Sabi ko.

"Lab, para siyang totoo." Sabi niya habang niyayakap ako.

"Tama na yan, dapat mag enjoy ka today kasi its your day. Happy birthday mylove." Bati ko ulit sa kanya habang hinalikan ko siya sa labi.

"Thank you lab." Sagot niya at hinalikan din niya ako sa labi.

"Lets not talk about that dream okay?" Sabi ko para naman mawala na sa isipan niya yon.

"Remeber today? Pareho nating big day today so cheer up okay?" Sabi ko.

Ngumiti siya nang maalala niya kung ano ang meron sa araw na ito.

"Yeah. I'm so excited para mamaya lab." Sabi niya.

"Me too lab." Sagot ko.

Ngayon ang kauna unahang concert na gagawin ko, after kong kumanta noong birthday ng Daddy ni Rhian, ay may lumapit sa akin na taga Music Industry at inofferan ako kaya naman hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Ito ang unang hakbang patungo sa pangarap kong maging isang solo artist. At hindi ko makakamit iyon kong hindi dahil kay Rhian kaya naman naki usap talaga ako na sa birthday ni Rhian ischedule ang first concert ko. Mabuti naman at pumayag sila.

Hindi lang kasi to basta bastang concert lang eh. May mas mahalaga pang mangyayari mamaya kaya naman sobra akong kinabahan. Hindi nga ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip ko kung paano ko to gagawin mamaya.

"Lab, darating ba daw sila Kylie mamaya?" Tanong niya na medyo nakabawi na siya sa panginginig.

"Oo lab, ang alam ko any minute from now nakalapag na yong eroplanong sinasakyan nila." Sagot ko.

"Mabuti naman kong ganun, sino pa ba ang manonood mamaya sa mga friends mo lab?" Tanong niya ulit.

"Diko alam lab eh, basta ang alam ko lang nasold out daw yung tickets." Sagot ko.

Humarap siya sa akin at tinititgan niya ako ng mabuti.

"I'm so proud of you lab, sana tuloy tuloy na to yan yung birthday wish ko. Sana umpisa ito sa madaming concert na gagawin mo in the future." Malambing niyang sabi.

Taste of Love (gxg) COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora